Chapter 12: Last

817 27 0
                                    

Chapter 12: Last

Matapos naming maligo at mag bihis ni bakla ay mabilis kaming sumakay ulit sa cotse namin para pumunta sa dating tagpuan daw nila bakla. Para mag celebrate.

Si bakla ang nagdadrive ngayon dahil siya naman ang nakakaalam ng daan patungo sa nasabing tagpuan nila.

Tahimik lang ako sa tabi niya, nakafucos lang ang paningin ko sa labas, I just busied myself by watching the city lights na nadadaanan namin.

"Ang tahimik naman" biglang pag sasalita ni bakla sa tabi ko

"Parang di ka naman nasanay" sagot ko nang di siya nililingon, nanatili lang ang mata ko sa labas

"Why don't we talk about our relationship" saad niya na ikinalingon ko.

"Relationship? Meron ba tayo nun?" Inirapan ko siya

"Ang taray mo, tsk syempre meron tayo nun tombs mag asawa tayo remember?" Saad niya at ngayon siya nanaman ang umirap sa akin.

Abay, ingratang baklang to!

"Wala akong asawa na bakla"

"Hahah at wala din akong asawang tomboy, tama ka nga hindi tayo mag asawa"

"Hindi nga kaya wag mo akong kausapin dahil hindi tayo close"

"Ewwww feeling mo din gusto kong makipag close sayo noh? Duhh dream on tomboy" maarteng sinabi ni bakla

"Dream on, dream on kapa. Baka isang araw niyan gigising ka nalang lalaki kana dahil sa akin hahahhahaha" pang aasar kong saad. Wala lang balak ko lang sirain ang mood ni bakla ngayon, feeling ko kasi ang bait-bait ko na eh!

"Tsk ang kapal ng mukha mo tomboy mag lalaslas nalang ako kung ganoon"

Tumawa lang ako sa sinabi niya

"Pag ikaw nahulog sa akin talaga, di talaga kita sasaluhin bakla ka"

Nakarating na kami sa nasabi nilang tagpuan, isa yung sikat na bar. HARDEN BAR. Nakapunta na din ako dito dati with my brother pero di ko parin masyadong kabisado ang buong lugar.

Unang bumungad sa amin ang malakas na ingay ng nakakapang inganyong musika. Parang gusto ko na agad na sumayaw ah! Namiss ko to.

"Hanapin muna natin sila Crush" malanding sinabi ni bakla.

Ang landi talaga nito, kunyare lalaki sa harap ni Rushed tapos pag nasa harap ko, parang isang malanding kabayo na may gusto kay Rushed. Nako baklang nilalang mukha kang tikbalang!

"Iwan ko sayo Lash ang landi mong bakla" sabi ko at sumunod sa kanya.

Palinga linga kami sa paligid para hanapin sila Rushed, mabilis naman agad namin siyang natagpuan. Dahil hindi naman sila mahirap hanapin, sa dami ba naman nila. Nakakaagaw agad ng pansin.

Lumapit agad kami sa table nila, si Rushed ang unang nakapansin sa amin.

"Buti naman nandito na kayo" Pam bubungad nito at nag fist bump sila ni bakla.

Napaikot ang mata ko sa nakita. Tsk kinikilig nanaman ang baklang to!

"Jess" tawag ni Rushed sa akin, tumango lang naman ako dito at ibinaling ko na ang paningin sa dance floor.

Napatingin ako sa mga taong masayang nag iindak dun, their are people who dance wildly yung iba naman ay parang mga baliw.

Tsk tsk

Umupo ako sa sofa dun, umupo din si bakla sa tabi ko busy parin siya sa pakikipag usap sa mga ka team niya

"Another panalo nanaman, after this sasalang nanaman tayo sa tournament" pakinig kong sabi ni Rushed

I Married A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon