Chapter 16: Thank you

753 25 2
                                    

Chapter 16 : Thank You

Mabilis akong nakarating sa school
Bit-bit ko ang project na ginawa ni bakla habang nag lalakad sa hallway.

Di matago ang ngiti sa labi ko dahil sa labis na kasiyahan. Hindi na talaga ako babagsak ngayon!

Agad akong pumasok sa classroom namin at nakita ko agad ang mga ka madlang tomboy ko na naka pang five hundred sa mesa mukhang mga problemado.

"Wazzup madlang tomboy" maligaya kong bati sa kanila, mabilis naman silang lumingon sa akin.

Nag liwanag ang mga mata nila at napalitan ng maligayang mukha ang kaninang problemadong mukha nila

"Nakagawa ka ng project pre?"gulat na Tanong ni Augustine ng makita niya ang hawak ko

"Tsk ano sa tingin niyo?" Ngumisi ako sa kanila.

"Ang galing pre" Puri ni Ariel dito.

Yeah right ang galing talaga ni bakla

"Paano mo to nagawa pre?"

Nag lakad ako palapit sa table ko at inilapag doon ang project.

"Well" inakbayan ko silang dalawa at pinagdikit ang ulo nila tsaka ko inilapit ang bibig ko sa mag ka lapit nilang tenga. "Si bakla ang may gawa nito" bulong ko

Mabilis naman silang kumawala sa pag ka akbay ko at gulat nila akong tiningnan.

"Talaga si...?" Tanong ni Ariel

Tumango lang ako at inilagay ko ang index finger ko sa tapat ng bibig ko

"Shh lang kayo baka marinig tayo" sabi ko

Mahirap na baka marinig kami ng kaklase namin tsk isusumbong pa kami kay professor.

"Ang galing pala niya" saad ni Augustine

Tumango lang ako bilang pag sang-ayon

"Alam mo pre may kutob talaga ako na parang may something jan sa asawa mo eh" biglang pag sasalita ni Augustine sa gitna ng pananahimik namin.

Pareho na kaming nakaupo sa upuan namin habang nakatitig sa project na nakapatong sa mesa

Napalingon ako kay Augustine at binigyan ko siya ng nag tatanong na ekspresyon

"Anong parang may something? Tsk tsk di mo lang alam malaki ang sayad niyan" sagot ko sa kanya

Mabilis niya naman akong nginiwian

"Hindi yan ang ibig sabihin ko pre" sagot niya

"Eh ano?"

Parang di naman talaga siya bakla katulad ng inaakala mo" sabi niya na ikinakunot ng noo ko

Anong hindi bakla? Si Lash hindi bakla? Nah kalokohan. Sa halos isang buwan na naming pag sasama ay wala akong nakikitang kilos niya na nag sasabing hindi siya bakla

"Pano mo naman yan nasabi Augustine?" Tanong ko sa kanya.

"Naalala mo nung sabado?" Panimula niya, tumango lang naman ako dito. Naalala ko nung sinabi ni bakla na hinatid ako ni Rushed sa bahay, nakakalito lang kasi kung si Rushed ang nag hatid sa akin, eh di saan nag punta tong mga tomboy nato? Argh hanggang ngayon nalilito parin talaga ako.

"Ouh naalala ko, ano bang meron dun? At bakit sinabi ni bakla sa akin na Si Rushed daw ang nag hatid sa akin sa bahay?" Tanong ko sa kanya

"Sinabi pala ni Lash sayo yun?" Tanong ni Augustine

"Ouh tsk tinakot niya pa ako ng kutsilyo dahil nag seselos siya" baliwalang sabi ko

Nakita kong natigilan si Augustine dahil sa sinabi ko

I Married A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon