NAPABUNTONG hininga si Yvone nang muling maalala ang mga pangyayari apat na taon na ang nakakalipas. Mula noon nagbago na ang pananaw niya sa buhay. Ito ang dahilan kung bakit nawalan na siya ng respeto sa sarili. Naniniwala siyang wala ng lalaking seseryoso sa kaniya dahil sa pinagdaanan niya. Kung mayroon man ay katawan na lang niya ang habol ng mga ito.
Sa murang edad ay marami na siyang pinagdaanang hirap ng mag-isa. She live on her own. At tuluyan na nga niyang ibinaon sa limot ang katauhan niya bilang si Maru. Binago niya ang lahat ng mga bagay na magpapaalala kung gaano siya kahina noon. Iniwan niya ang dating buhay sa San Mercedes kung saan siya lumaki at nagkaisip. Mas pinili na lamang niyang lumuwas ng Maynila at hanapin ang kapalaran dito.
Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya para lang maitaguyod ang sarili. Naging mahirap ang lahat para sa kaniya ngunit kinaya niya. Ipinagpapatuloy pa rin niya ang pag-aaral upang maabot ang pangarap na maging nurse kahit kapos sa pera. Tinustusan niya ang kaniyang mga pangangailangan sa pamamagitan ng paraket-raket sa gabi.
She was five minutes away from her destination, when suddenly someone is calling on her phone. It was her manager.
Sinubukan muna niyang pakalmahin ang sarili bago sinagot ang tawag.
"Hellow Yvone, where are you? Your client is waiting here! Interesado ka pa ba sa job offer nila? You're almost late!" sigaw na bungad sa kaniya mula sa kabilang linya."I'm on my way na, Mamang! Don't worry, I'll be there in just a minute. Sobrang traffic kasi. Ako na ang bahalang magpaliwanag," sambit niya habang patuloy na inaayos ang mahaba at alon-alon niyang buhok.
"Make it sure Yvone na makukuha mo ang trabaho na ito or else maghahanap ako ng ibang talent na ipapalit sa'yo. Tandaan mo, ayaw na ayaw kong napapahiya," banta ng manager niyang si Oliver o mas kilala sa pangalang Olivia, isang matandang bakla. Matagal na niya itong kasama kaya alam na alam na niya ang ugali ng itinuturing niyang bagong magulang. Ganoon lamang iyon magsalita pero hindi nito magagawang basta na lamang pabayaan si Yvone.
Malaki ang utang na loob niya rito. Nang mga panahong wala siyang matuluyan sa Maynila ay ito ang kumupkop sa kaniya. Binihisan at pinag-aral siya nito kapalit ang pagtatrabaho niya sa matandang bakla.
Dahil sa hindi maitatangging kagandahan ni Maru ay marami siyang naging job offers. Pinasok niya rin ang pagmomodel sa iba't ibang commercial adds. Bukod pa roon ay may iba pa siyang pinagkakakitaan. Isa lamang iyong sekreto na tanging si Olivia at siya lang ang nakakaalam. She never told it to anyone.
Naiinis na pinatay ni Yvone ang telepono. Kahit kailan talaga ay pera lang lagi ang mukhang bibig ng matandang bakla. Hindi niya naman ito masumbatan dahil una sa lahat ay ito ang naging pamilya niya mula nang lumayas siya sa kanila. Marami siyang natutunan kung paanong mabuhay sa siyudad. Kung paano niyang mabibili ang mga gusto at pangangailangan niya nang hindi nahihirapan. Sa madaling salita ay nasilaw siya sa pera. Ngunit kailangan niyang tibayan ang sikmura.
"Ma'am, nandito na po tayo!" Agaw atensyon ng driver. Mabilis niyang inayos ang suot na full lace knee-length pencil skirt na tinernuhan ng long sleeve na puti. Bahagyang nakabukas ang una at ikalawang butones ng kaniyang damit na siyang lalong nakadagdag atraksyon sa hulma ng kaniyang pangangatawan. Mayamaya lang ay sinipat naman ni Maru ang oras mula sa kaniyang wrist watch. Mag-aalas diyes palang ng umaga.
Sandali pa niyang tinanaw ang building na nasa kaniyang harapan bago tuluyang bumaba ng taxi.
"Magkano po?" tanong niya sa driver.
"170 lang po ma'am," magalang na sagot nito.
"Ito po." Abot niya sa limang daang pisong buo sa mama. Akmang i-aabot ng lalaki ang sukli niya ngunit tinanggihan niya iyon. "Keep the change na lang po manong." Naawa lang ito dahil sa may katandaan na rin ang driver. At kung tutuusin ay barya lang iyon kung ikukumpara sa kinikita niya gabi-gabi. Tuwang-tuwa naman na nagpasalamat ang matandang lalaki sa dalaga. Mayamaya lang ay pinaandar na nito ang sasakyan at saka umalis.
"ELITE MODEL COMPANY," manghang bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang building sa kaniyang harapan. "Pangalan palang talagang bigatin na. Hindi na ako magtataka pa kung bakit gustong-gusto ni mamang na makapasok ako rito." Napangiti ito nang maisip na hindi siya hinahayaan mapasok kung saan-saan ng manager niya. Kahit gaano pa ito kabunganga ay alagang-alaga naman siya nito.
*****
Sa kabilang banda, hindi na mapakali si Olivia. Paroo't parito siya habang hinihintay ang alaga niyang si Yvone. Napansin rin niya na tila naiinip na ang kanilang kliyente.
"Malaki yata ang ipinagbago ng opisina mo ngayon Mr. Grant. Malayong-malayo sa itsura nito noong huli akong magpunta rito," sambit ni Olivia habang pinagmamasdan ang kabuoan ng opisina. Nais niya munang libangin ang lalaki.
"Tama ka! Ipinaayos at pinapalitan ko ang iba rito para magmukhang maaliwalas," pormal na sagot naman ni Elthon Grant. Isa itong foreigner na natuto na lang magsalita ng tagalog dahil sa madalas na pagpunta sa Pilipinas. Isa ito sa mga investor ng Elite Model Company. Kadarating lamang nito galing New York para sa isang business trip. Umuwi lamang ito para sa ilang papeles na kailangan nitong pirmahan.
"So, asan na nga pala itong inirerekomenda mo sa akin? Bakit hanggang ngayon wala pa?"
“Naku Elthon, pagpasensyahan mo na at natrapik daw. Pero on the way na rin naman, mayamaya lang ay nandito na siya,” patuloy na pagpapaliwanag ni Olivia. Hindi pa man natatapos magsalita ang baklang manager nang dumating si Yvone.
“Speaking of the devil, she's here!” ani Olivia na lumapad na ang pagkakangiti, ang kaninang kaba ay biglang naglaho.
Naka-focus naman ang mga mata ng tatlumpong taong gulang na mayamang investor sa paparating na dalaga. Tila nabato-balani siya sa taglay na kagandahan ng babae na nasa kaniyang harapan. Hakab na hakab sa makurbang katawan ni Yvonne ang itinatagong alindog, halos mabulunan din ang pang-itaas nito dahil sa laki ng dibdib.
Napalunok ng laway ang negosyanteng amerikano, animo'y natuka ito ng ahas na hindi pa rin inaalis ang tingin sa dalaga. Nakaramdam ito ng kakaibang init, may kumislot sa harapan nito na tila gustong kumawala.
“Hello mamang, sorry I'm late,” hinging paumanhin ng dalaga pagkatapos ay nakipagbeso-beso kay Olivia. Dahil sa suot niyang heels ay mas tumangkad si Yvonne. Kinakailangan pa niyang yumuko upang makahalik sa pisngi ng manager. Napatingin naman si Elthon sa mayamang dibdib ni Maru. Hindi ito nakaligtas sa mga mata ng manager. Lihim itong napangisi.
“Nakakaamoy ako ng maraming datung,” nakangising bulong ni Olivia sa dalaga.
“Heto na naman siya,” sambit naman ni Yvonne. Nag-iiba talaga ang aura nito kapag nakakaamoy ng pera.

BINABASA MO ANG
PLEASURE FOR RENT (Ang Makabagong Magdalena)
RomanceDESCRIPTION ******** Maru Yvone Alkatheeri is a woman who doesn't believe in love. Money is more importan to her. Ang laman lang ng wallet ng kaniyang mga nagiging lalake ang minamahal niya. Dahil para sa kaniya, katawan lang niya ang gusto ng mga i...