Prolouge

37 7 6
                                    

"Inay! Inay!" sigaw ng isang dalaga pagkapasok niya sa kanilang bahay.

"Oh, Kristina anong nangyayari. Bakit ka sumisigaw?" Tanong naman ng kaniyang ina.

"Inay, ang mga taong bayan ho. Patungo na ho sila dito sa bahay nay!" Sigaw ng dalaga pabalik sa kanyang Ina.

Wala pang ilang minuto ay dumating na nga ang mga Tao na may dala-dalang sulo. Ang karamihan naman sakanila ay may dalang itak at iba pang uri ng patalim.

"IMELDA! LUMABAS KA NA, ALAM NA NAMIN NA ISA KANG DEMONYO!" Gulat na gulat ang matanda at nabitawan ang kaldero na hawak nito.

"Kristina, tumakbo ka na at tumakas. Hayaan mo na ang ina rito"

"Inay, hindi kita hahayaang maiwan dito!" Sigaw ng dalagang si Kristina.

"Tumakbo ka na, Kristina. Pero itatak mo ito sa isip mo. Babalik ka sa lugar na ito. Babalikan mo ako". Bilin ng matanda kasabay ng kaniyang pag ngiti sa dalaga.

Tumango ang dalaga at tumakbo na paalis. Dumaan siya sa likod na pinto ng kanilang bahay.

Sa pag-alis ng dalagang si Kristina ay tuluyan na ngang inihagis ng mga taong bayan ang sulo. At ang nakakahindik na sigaw ng matanda ang maririnig sa buong lugar.

Sa di kalayuan ay nagtatago ang isang dalaga. Umiiyak at masama ang tingin sa kanilang dating tahanan.

"Babalik ako. Babalikan ko ang lugar na ito. Kung hindi man ako, ang anak ko. Papahirapan ko kayo".

Sabi ng dalaga sabay hawak sa kaniyang tyan.

"Baryo pag-asa. Gagawin kong impyerno ang buhay niyo. Sitio Inferno".



@MJoyyyyyy  hi ate! Thankyouuu for always supporting me. I love you <3

Sitio InfernoWhere stories live. Discover now