Kelsey's PoV
"Kelsey." rinig kong tawag sa akin ng isang babae. Maya-maya lang ay idinilat ko na ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang madilim na kwarto at isang babae.
Si Kristela.
"K-kristela? I thought you're dead?" Tanong ko rito. Nakaramdam ako ng takot dahil ang alam nga namin ay patay na ito.
"Kelsey, you need to listen." sabi nito saka umupo upang magkapantay kami.
Nakasuot siya ng puting bestida at nakalugay ang kaniyang mahabang buhok.
Tumango lang ako sakanya at saka niya hinawakan ang mga kamay ko.
"Kelsey, umalis na kayo. Hindi na kayo ligtas sa lugar na ito. Ang kapatid ko ang pumapatay sa mga kaibigan n'yo. Nakipagkasundo s'ya sa demonyo. Kaya umalis na kayo habang maaga pa. Huwag niyo ng hintayin na madami pa ang mamatay." sabi nito saka ngumiti sa akin.
"S-sino ba ang kapatid mo?" Tanong ko rito. Ngumiti lang siya sa akin at tumayo. Magsasalita na sana siya ng biglang may gumising sa akin.
"Kelsey, kelsey!" Rinig kong sigaw ng isang babae. Idinilat ko ang mata ko at nakita kong ginigising na pala ako ni Michaela.
Bumangon ako at nagkusot ng mata. Panaginip lang ba yun o isang babala?
"Kels, let's go downstairs na. Kakain na tayo." Sabi sakin ni Micha at saka siya naunang lumakad palabas.
Naligo naman ako ng mabilisan saka bumaba.
Pagtingin ko sa baba ay nasa sofa pa rin silang lahat. Akala ko ba kakain na?
"Oh ba't andito pa kayo?" Nagtatakang tanong ko sakanila.
"Ang tagal mo eh. Wala pa rin si Carlo. Antayin muna natin" Biglang sabi ni Louie.
Sasabihin ko na sakanila ang napanaginipan ko. Kailangan nilang malaman yun.
"Guys, Napanaginipan ko si Kristela." Bigla kong sabi. Agad naman nilang ibinaling ang atensyon nila sa akin na mukhang interesado sa kasunod kong sasabihin.
"We need to go home now!" Dagdag ko pa.
"Pero yung Van natin hindi pa nahahanap." Sagot naman ni Joanna.
"We need to find that Van as soon as possible. Sama-sama tayo. Now, after natin kumain magimpake na kayo ng mga damit niyo." sabi ko sakanila. Tama lang 'tong gagawin ko. Kailangan naming makaligtas.
"Ano bang sabi ni Kristela sa panaginip mo?" Tanong ni Micha.
"Binalaan n'ya akong umalis na tayo dito, dahil ang kapatid niya ang pumapatay. Nakipagsundo daw ang kapatid niya sa demonyo." Saad ko.
"Maybe she's right. Kailangan na nating umalis dito." Biglang sabi ni Joshua. Hindi ko siya pinansin at pumunta na ng kusina.
Pagtingin ko ay nakita kong andun si Carlo at nakayuko sa lamesa. Naka-itim siya na t-shirt at pajama. Gaya ng suot niya kagabi.
Pumunta naman ako sa sala at agad silang tinawag.
"Guys, andun na si Carlo sa kusina. Tulog." Sabi ko sakanila.
"Ay shit. Kanina pa tayo naka-upo dito, andoon na pala." Inis na sabi ni Kier saka lumakad na din papunta ng Kusina kasama ng iba.
Umupo na kami sa kanya-kanya namin upuan at magsisimula na sanang kumain ng mapansin naming hindi pa rin nagigising si Carlo.
Agad na kinalabit ni Alain si Carlo dahil siya ang katabi. Nang mailapat ni Alain ang kamay niya sa katawan ni Carlo ay agad siyang namutla.
"G-guys. A-ang lamig ni Carlo hehe." Anunsyo ni Alain.
Kaya naman agad na tumayo si Ashton saka inangat ang katawan ni Carlo. Doon ay bumungad sa amin ang wasak na mukha ni Carlo. Para bang hinampas ng matigas na bagay hanggang sa mawasak.
Agad kaming nagsitayuan sa kinauupuan namin at lumayo sa lamesa.
"Fuck! Bakit laging sa Kusina may patay?! Hindi na ako nakakakain ng maayos!" Inis na sigaw ni Alain.
Gaya ng nakasanayan ay agad na binuhat ang katawan ni Carlo. Medyo nahirapan sila dahil malaki ang katawan nila. Pagkabuhat nila sa katawan ni Carlo ay biglang nahulog ang kanang braso nito.
"Kadiri putangina!" Rinig kong sigaw ni Marco. At gaya niya, ay nakarinig pa ko ng ibang reaksyon.
Dinampot agad ang braso ni Carlo saka sila dumaan sa Back door para maihulog na ang katawan ni Carlo sa balon.
"Tama ka nga Kelsey, We need to get outta here." Sabi sakin ni Joanna saka dali-daling umakyat sa taas.
Sumunod kami sa kanya at agad na nag-impake ng damit.
We need to save our ass here.
--------------
Ashton's PoV
Pagkahulog namin sa katawan ni Carlo ay agad kaming pumasok sa loob. Nagtaka naman kami ng makitang wala ang mga babae.
"Man, mukhang tama si Kelsey. Kailangan na nating umalis dito." Biglang sabi ni Carl.
"Tama nga. Pero asan sila?" Tanong naman ni Richard.
Maya-maya lang ay nakarinig kami ng mga yabag at doon nakita namin ang mga babae na pababa ng hagdan dala ang kanilang mga gamit.
"Mag-impake na din kayo boys. Aalis na tayo dito." biglang sabi ni Kelsey.
Kaya naman walang sabi-sabi kaming umakyat sa taas at ini-ayos ang mga gamit namin.
Hindi kami sigurado kung maliligtas ba kami sa gagawin naming ito pero kailangan.
Pagka-alis ko ng mga gamit ko ay bumungad sakin ang isang kahoy na gaya ng ipinakita ni Jax sa amin. Agad ko itong hinawakan at hinila. Doon ay bumungad sa akin ang isang maliit na kutsilyo.
Agad ko itong kinuha at inilagay sa bulsa ko. Baka makatulong ito kung sakaling may sumugod sa amin.
Pagtapos kong magimpake ay bumaba na ako. Doon ay naabutan ko ang ibang babae na nagbabalot ng pagkain at inumin.
"A-anong ginagawa niyo?" Takang tanong ko.
"We need foods and water idiot. Kailangan natin ng energy." Sagot naman ni Kristine.
"Yeah right. Kung sakali mang hindi natin mahanap ang Van, babaybayin natin ang gubat hanggang sa makalabas tayo." Dagdag pa ni Jax.
Tumango naman ako at hinantay na magsibabaan ang mga lalaki. Gaya ng mga babae ay tumulong kami sa pagbabalot ng pagkain. Tama nga naman si Kristine.
Baka hindi kami sa killer mamatay, baka sa gutom.
Maya-maya lang ay biglang dumating ang hinihingal na si Joshua.
"Guys, I found something." Anunsyo nito sa amin.
Agad naman nalipat sa kanya ang atensyon ng marami.
"There's a mini house sa likod ng bahay. Come with me." sabi nito.
Agad naman kaming nagsitayo at dinala na ang gamit namin palabas ng bahay.
Sinusundan namin si Joshua hanggang sa marating namin ang bahay na sinasabi niya.
Sunog ang ibang bahagi ng bahay na ito at may masangsang na amoy.
Agad akong nanguna at sinipa ang pinto. Doon bumungad sa amin ang kadiliman. Kinapa ko ang ilaw at nay naramdam akong malagkit.
Pagkabukas ng ilaw ay bumungad sa amin ang bahay na puro dugo. Sunog ang bahay sa laba pero sa loob ay maayos ito. Pero ang paligid ay puro dugo.
Tnignan ko ang kamay ko at doon ko nakita ang dugo na nakapa ko lang kanina.
Sa di kalayuan ay may nakita kaming kamay na may singsing at may iilang tattoo. Kamay ni Carlo yun.
"Mukhang dito pinapatay ang mga kaibigan natin."
YOU ARE READING
Sitio Inferno
Mystery / ThrillerIsang masayang bakasyon ng magkakaibigan ang mauuwi sa isang kahindik-hindik na pangyayari. Sino ang salarin? Kaninong lihim ang mabubunyag? Date started: April 7, 2020 Date ended: -- -- --