Chapter 12

7 2 0
                                    

Louie's PoV

I need to contact my brother as soon as possible. Lalo na ngayon na hindi pa rin nahahanap ang Van namin.

"Bala, lalabas ako. Kailangan kong makahanap ng signal para matawagan ko si Louis." Paalam ko sa Girlfriend kong si Keisha.

"Bala, baka may mangyari sayong masama. Ayoko." Pagtanggi nito.

Bumuntong hininga na lamang ako at sinunod ang utos n'ya. Tama s'ya. Walang kasiguraduhan ang buhay ngayon.

Maya-maya lang ay bumaba na si Jax at may dala-dala s'yang parang baul.

"Guys! Ito yung naki--" Hindi na natuloy ni Jax ang sasabihin niya ng may narinig kaming kalabog sa labas. Parang tunog iyon ng nahulog na bagay.

Agad kaming lumabas at bumungad sa amin ang mga talsik ng dugo at ang nakahandusay na katawan ni Azalea sa labas. Basag ang ulo nito at nagkalat ang laman sa paligid. Mukhang malakas ang impact ng pagkakahulog niya.

"Fuck!" Isang malakas at malutong na mura ni Carlo ang agad na narinig namin. Agad namang tumakbo si Carlo palapit sa katawan ni Azalea at pilit na ginigising ito.

"Fuck baby, wake up!" Umiiyak na tugon nito. At ng makitang wala ng pag-asa pang magising si Azalea ay humagulhol ito ng iyak.

Maya-maya lang ay tumayo ito at galit na tumingin sa aming lahat. Agad itong lumapit palapit sa amin.

"Asan si Jax?!" Malakas na sigaw nito.

Agad namang nagpakita si Jax sakanya na nakapwesto sa likuran ni Marcus.

"B-bakit?" Kabadong tanong nito. Kahit sino naman kasi talaga matatakot. Sa itsura ni Carlo ngayon ay handa siyang pumatay para lang malaman kung sino ang pumatay sa Girlfriend n'ya.

Agad siyang lumapit kay Jax at hinila ito papasok sa loob. Samantalang ang ibang lalaki ay binuhat na ang katawan ni Azalea para ihulog sa balon sa likod ng rest house.

Kami naman ay sumunod kay Carlo at Jax sa loob dahil baka kung anong gawin niya kay Jax.

Pagpasok namin sa loob ay naabutan namin si Jax na umiiyak habang si Carlo naman ay naka-upo at nakayuko.

"Ano ba talagang ginawa mo sa taas ha Jax!?" Sigaw ni Carlo.

"K-kinuha ko lang 'tong baul na 'to." nauutal na sagot naman ni Jax habang nilalapag ang baul na hawak n'ya.

Agad namang tumayo si Carlo ay binuksan ang baul na inilapag ni Jax. Bumungad sa amin ang mga litrato. Litrato ng mga bata. Pamilyar sa amin ang mga litrato na 'to.

"She's familliar." Biglang sabi ni Kier na nasa likod lang ni Keisha.

Agad kinuha ni Kier ang picture at sinuri ito. Maya-maya lang ay nanghihina siyang napaupo at napasabunot sa sarili.

"That girl is Kristela." Agad niyang sabi na ikinalaki ng mga mata namin.

"Nakita ko na yang picture n'ya na yan before. Nakita ko yan sa room n'ya nung araw na gumawa kami ng Power point presentation. Nakadisplay yan sa study table n'ya." Dagdag pa ni Kier.

"Hindi kaya si Kristela ang pumapatay sa mga kaibigan natin?" biglang sabi ni Keisha.

Maya-maya lang ay nagdatingan ng iba naming kaibigan.

"What's that?" tanong agad ni Michaela.

"Teka, si Kristela 'to ah?" Biglang sabi ni Alain.

"Yes. S'ya nga yan." sabi ni Kier.

"Paano mo nalaman?" Takang tanong ni Carl.

"Inutusan nila ako before na ligawan si Kristela pero kapag sasagutin na n'ya ako ay ipapahiya ko na s'ya sa buong campus at sasabihin na pustahan lang iyon. Pinakita na n'ya sakin noon ang picture na yan." Paliwanag pa ni Alain.

"Baka siya nga talaga ang killer." Sabi naman ni Jax.

"Baka ikaw talaga?" Biglang singit ni Carlo.

"Pwede ba Carlo? Itikom mo yang bibig mo!" sigaw ni Kier.

"Bakit hindi diba? Noong namatay si Jhastine bigla siyang nawala sa falls! Noong namatay si Hershey nag-away sila nun. Noong namatay si Luis nakita ko s'yang lumabas ng kwarto niyo. At ngayong namatay si Azalea galing s'ya taas. Hindi ba kataka-taka yon?" paliwanag ni Carlo.

"Pero hindi pa din yan sapat na dahilan para ibintang natin kay Jax lahat!" sigaw bigla ni Marco.

"Whatever." biglang sabi ni Carlo saka umalis.

Napailing nalang ako at umupo sa may kabilang sofa. Natatakot ako. Sinubukan kong ichat ang kapatid ko gamit ang messenger ko kahit pa walang signal dito. Baka sakaling pag nagkaroon ng signal ay masend sakanya at mabasa niya.

-------------------

Carlo's PoV

Matapos kong ilabas lahat ng galit ko ay nakaramdam ako ng guilt. Tama si Marco, wala akong sapat na ebidensya para ituro nalang basta si Jax. Kaya naman gagawa ako ng paraan para mapatunayan ko sakanilang siya ang pumapatay.

Nakita ko s'yang lumabas nung gabi bago namin makita ang katawan ni Luis sa kusina. Una palang ay duda na ako kay Jax. May nagsasabi sa akin na s'ya ang pumapatay sa mga kaibigan  namin. Kaya gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko yun sa kanila.

Ilang oras na akong nandito sa labas at pinapakalma ang sarili ko. Naubos ko na nga ang isang kaha ng sigarilyo ko. Baka wala na akong yosi sa bag ko. May iilang bote na rin ng alak dito sa tabi ko.

Nandito ako sa tapat ng balon kung saan inihuhulog ang katawan ng mga kaibigan ko. May kakaunting tubig ito sa pinaka ilalim. Sinadya naming lagyan para di gaanong mangamoy ang mga bangkay na nandito.

"Gagawin ko lahat baby para malaman kung sino ba ang pumatay sa'yo. Hindi ako papayag na mamatay ka lang ng walang hustisya." bulong ko sa sarili ko.

Kakasagot niya lang sakin pero ngayon ay makikita ko na lang siyang basag ang ulo, bali ang katawan at wala ng buhay.

Ng gumaan ang pakiramdam ko ay inihagis ko ang lahat ng bote ng alak sa balon saka pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ko ay patay na ang mga ilaw. Nanlalabo na ang mga mata ko kaya nahihirapan akong makita ang daan. Umiikot na din ang paningin ko.

Sa di kalayuan ay may nakita akong babaeng nakatayo. Nakasuot siya ng bestidang puti at may suot na Bunny mask. Puting bestida din ang suot ni Jax kanina. Sabi na nga ba at mamamatay tao ang hayop na babaeng yon!

Agad kong sinundan ang babae at nakita kong pumasok siya sa isang kwarto. Pagpasok ko ay agad na sumara ang pinto at lumiwanag ang buong paligid.

"Ang galing naman ng pagkakataon. Talagang ikaw pa ang pumasok sa teritoryo ko." Tinignan ko ang buong lugar. Nakakatakot ito at sobrang dumi. Puro dugo ang pader na halatang dito ginagawa ang pagpatay.

Humarap ako sa babaeng nagsalita at nagulat ako ng makita kong wala na ang suot nito Bunny Mask.

Pero mas nagulat ako sa nakita n'ya. Bakit? Bakit n'ya 'to nagagawa sa amin?

"B-bakit? Bakit mo 'to ginagawa?" Tanong ko sakanya. Agad naman siyang ngumisi at tinulak ako.

"Madami akong rason pero hindi mo na kailangang malaman pa lahat ng 'yon." Sagot nito saka ako hinampas ng dos por dos sa paa. Napaluhod naman ako sa sakit at agad na napaiyak.

Fuck. Ang sakit pre!

"Ngayon, manahimik ka na at magbehave." Sabi nya sakin saka ako hinampas ulit ng dos por dos sa bandang braso.

Maya-maya lang ay napansin kong may kinuha siyang itak at agad na lumapit sa akin.

Saktong paglapit n'ya sa akin ay inihampas n'ya ang itak sakto sa leeg ko.

Sitio InfernoWhere stories live. Discover now