Chapter 19

8 0 0
                                    

Kier's PoV

Minulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad akong bumangon para tignan ang mga kaibigan ko. Kaunti nalang kami at ayaw kong malagasan na naman kami ng isa pa.

Tumayo ako sa hinihigaan ko at saka nag-unat. Sa aming lahat, ako pa lang ang nagigising. Sinilip ko ang relo ko at nakita kong 8:00 am palang.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga kaibigan ko saka sila kinilala at binilang.

"Hala. Kulang ng dalawa ah?" Inalala ko lahat ng mga kaibigan kong kasama kong pumasok dito kagabi.

"Si Joanna saka Michaela." Agad akong lumabas ng may halong kaba. Maaaring buhay pa sila o may chance din na baka patay na sila.

Hinakbangan ko ang mga kaibigan kong natutulog ng marinig kong may mahinang umungol.

"Ano ba 'yan eh!" Inis na sigaw ng naapakan ko. Si Kristine.

"Hala. Sorry Tine!" Sincere na sabi ko sabay hawak at alalay sakanyang tumayo.

"Ano bang trip mo sa buhay? Ang aga-aga pa ah?" Inis na tanong nito sakin habang nagkakamot ng mata.

"Nawawala kasi si Joanna saka Michaela." Agad na sabi ko sakanya. Tumingin naman siya sakin at saka tinaas ang kabilang kilay.

"Oh tap- HA?!" Mula sa mataray at tila naiinis na itsura ay napalitan ito ng takot at pag-aalala.

"Hala puta, tara hanapin natin sila!" Sigaw na naman niya.

Nakakapanibago naman 'tong babae na 'to. May time na tahimik, may time na madaldal. May oras din na kala mo galit na galit sa buong mundo.

Agad siyang tumayo at hinila ang kamay ko palabas. Maliit lang lang ang bahay na ito kaya kung sakali man na andito lang sila. Mabilis namin silang mahahanap.

"Tangina naman. Alam naman nila na hindi ligtas dito saka pa nila naisipang gumala." Iritableng sabi ni Kristine saka padabog na lumakad na akala mo ay may babanatan na kaaway.

"Kailan pa ba sila nawawala?" Inis na tanong nito sakin. Nagkibit balikat ako sa muling itinuon ang atensyon sa nilalakaran namin. Sinisikap naming hindi maapakan ang mga kaibigan naming natutulog pa rin.

Saktong paglabas ng pintuan ay bumumgad sa amin ang isang katawan. Nakahiwalay ang ulo niya sa katawan niya. Nasisiguro kong babae siya dahil mahaba ang buhok niya.

Nanghihinang napa-upo si Kristine saka malakas na tumili. Ako nama'y nanghihina rin pero sinubukan ko pa ring lapitan ang katawan. Hinawi ko ang buhok ng nakahiwalay na ulo at nakitang nakadilat na mata ni Joanna.

Tuluyan ko ng di napigilan ang sarili ko kaya't napa-upo ako sa gilid ng katawan ni Joanna saka umiyak.

Maya-maya lang ay sumigaw na naman si Kristine saka nanginginig ang kamay na itinuro ang kisame. Agad ko iyong tinignan na naging dahilan ng aking panlulumo.

Dalawang kaibigan namin ang nawala sa loob lang ng isang gabi. Sa kisame ay makikita ang walang buhay na katawan ni Michaela. Nakasabit siya sa taas habang patuloy na lumalabas ang mga dugo sa leeg niya. Gaya ni Joanna ay nakadilat din ang mga mata nito.

Maya-maya lang ay tuluyan ng humiwalay ang ulo niya sa katawan niya. Sa mismong harapan ko ay nahulog ang walang buhay na katawan ni Michaela.

"Anong nangya-- putangina." Malutong na mura ni Alain matapos makita ang mga walang buhay na katawan nila Michaela at Joanna.

"We need to go now." Bigla namang sabi ni Carl.

"Putangina! Paano nakapasok yung killer dito?! Isa ba sa inyo ang pumapatay, ha?!" Galit ngunit na iiyak na sabi ni Marcus. "Please guys, umamin naman na kayo." Umiiyak pang dagdag nito.

"This is not the right time para magsisihan tayo. We need to leave this place now." Nanlulumo maan dahil sa muling pagkawala ng dalawa pang kaibigan ay agad kaming sumunod saka lumakad paalis.

------------
Keisha's PoV.

Umiiyak man ay sinimulan kong ayusin ang mga gamit ko. Sobrang sakit dahil dalawang kaibigan na naman namin ang nawala. Ang intensyon lang naman namin ay magbakasyon. Hindi naman namin alam na aabot kami sa punto na ito.

Napatingin ako sa direksyon ni Carl. Mugto na ang mga mata niya habang inaayos ang mga gamit niya. Namatay na ang kapatid niya at sumunod naman ang Girlfriend niya.

Saka ko ibinaling ang tingin sa aking mga kapatid. Napangiti ako ng mapait. I don't know what to do if ever na sila na ang nasa sitwasyon. Malamang ay magpapakamatay ako sa iyak pag nagkataon. Same as Louie. Hindi ko kakayanin.

"Fuck naman wala pa ring signal!" Inis na sabi sakin ni Louie.

Tinignan ko ang phone niya at nakita kong nag iwan siya ng message sa kapatid niya. Pero hindi pa din 'yon nasesend. Mukhang mabagal talaga ang signal sa lugar na ito.

Niyakap ko siya sa likuran saka bumitaw agad. Humarap siya sa akin at agad ko siyang nginitian.

"Makaka-alis tayo dito baby. Trust me. Makaka-alis tayo." Nakangiti kong sabi dahilan para yakapin niya ako.

Nasa labas na kami ng bahay na tinuluyan. Gaya ng una naming ginawa ay hinahanap pa din namin ang daan palabas sa impyerno na ito. Magkakalayo kaming lahat. Ang nangunguna sa paglalakad ay si Carl na tahimik lang at mahinang umiiyak.

Hindi naman namin siya malapitan dahil sa bawat paglapit namin ay lumalayo siya. Ganyan siya kapag galit o nasasaktan. Ayaw niyang may lumalapit sakanya. Tatahimik lang siya at sasarilihin kung ano mang iniisip niya.

Naiintindihan ko si Carl. Dahil dalawang importanteng tao na ang nawala sakanya. Ang kapatid niya at ang Girlfriend niya.

"Aray! putangina." Malakas na sigaw ni Kristine. Lumapit pala siya kay Carl pero may naapakan siyang matulis na bagay. Lahat kami napahinto dahil napa-upo si Kristine.

Habang si Carl ay dumiretso lang sa paglalakad. Hindi niya siguro napansin o hindi niya talaga pinansin.

"Okay na ba?" Nagaalalang tanong ni Alain. Ngumiti lang si Kristine at saka tumango.

Saktong pagtayo namin ay ang pagtumba ni Carl. Padaba ang pagkakatumba niya. Sa sahig ay umaagos ang dugo ay saka may isang matulis na bagay ang bumaon hanggang sa likod ng ulo niya.

Tangina.

"Ayan kasi, nag focus kayo sa isang frenny niyo. Ayan tuloy, patay ang isa." Tila nang-aasar na sabi ng isang babae sa likod namin.

Pagharap ay nakita namin ang isang tao na nakabunny mask. Yung unang tao na humabol sa amin.

"TANGINA TAKBO!"

Sitio InfernoWhere stories live. Discover now