Keisha's PoV
Goodmorningg Sunday!
Agad na akong bumangon sa kama ko. Tinignan ko ang orasan at nakita kong 4:30 am palang. Ang aga ko pala, 7:00 am pa ang alis namin eh.
Tumayo na ako at sinimulan ng maligo, mas okay na 'to maaga akong nagising. Magluluto nalang ako ng breakfast namin.
Pagkatapos kong maligo ay namili na ako ng damit na isusuot ko. Pinili ko yung white shorts at pink na croptop ko.
Bumaba na ako para makapagluto na ako ng umagahan namin 5:29 am palang naman. Kaya pa.
Pagbaba ko, naabutan ko dun si Ate Kelsey at si Kier. Ang aga naman ata nila? Nakabihis na din sila gaya ko. Si Kier nakasuot ng Ripped Jeans na tinernuhan ng Turtle neck. Habang si Ate Kelsey ay naka itim na skirt at puting off shoulder.
Ang ganda ng mga kapatid ko.
Sa may sofa naman, nakalatag na yung bag naming lahat. Inilatag na yan kagabi ni Kuya Carlo, para daw hindi na kami mahirapang magbaba bukas. Siyempre, wala yung kay Hershey d'yan. Maarte yun eh.
"Ate, Kier. Ang aga niyo naman?" Takang tanong ko.
"Hindi kami natulog" maikling sagot ni Kier. Ay kaya pala.
"Anong niluluto niyo, Ate?" Tanong ko.
"Chicken curry 'to, madami na din akong niluto baka kasi magbaon sila eh." Nakangiting sagot ni Ate. Kung titignan mo yung kawali ay napakalaki nito. Siguro mga 3kg. yung binili nilang Manok.
Oo, tama. tama. Napatango naman ako sa iniisip ko.
"Parang tanga ka kamo. Limang kilong manok yan. Alam kong yun ang iniisip mo" Iiling-iiling na sabi ni Kier.
"Patango-tango ka pa d'yan para kang timang. Oh, maghanda ka na ng babaunin mo. Maya-maya lang bababa na yung mga patay gutom. Mabuti ng mauna tayo kaysa maubusan" Natawa naman ako sa sinabi ni Kier.
"Ang bango naman nun, anong niluluto niyo?" Okay, patay gutom spotted. Si Joshua yun, boyfriend ni Ate Kelsey. Numero unong patay gutom dito. Gaya namin nakabihis na din siya. Nakasuot lang siya ng Puti na statement shirt at maong pants. Simple, pero gwapo ang dating.
"Oh dong, gising ka na pala. Ito kumain kana" Nginitian naman siya ni Ate Kelsey at hinalikan sa pisngi.
"Kain lang ha? Hindi lamon" Natatawang sabi ko naman.
"Grabe ka talaga sa akin Keisha. Ang harsh mo!" Kunyari pang naiiyak na sabi nito.
Maya-maya pa'y nagsibabaan na ang mga mokong. Para silang mga tanga na nagtutulakan sa hagdan. Buti nalang malawak yung espasyo ng hagdan. Kung hindi, mahuhulog silang lahat d'yan.
"Mga gago! Bilisan niyo naaamoy ko na ang langit!" Sigaw ni Richard.
"God damn it Richard! Stop pushing me mahuhulog ako, ano ba!" Naiiritang sigaw ni Alain.
"Taena, gutom na ako magsilayasan kayo d'yan!" Sigaw ni Carlo.
Maya-maya pa'y ngumisi ng parang demonyo si Marco. Yari, alam ko na ang pakay nito.
"TABIIIIIII!!!!!" malakas na sigaw nito sabay tulak sa kanilang lahat pababa.
"Damn!"
"Fuck!"
"Shit!"
"Aray ko puta!"
"Kingina mo, Marco Salvador!"
Sari-saring reaksyon nila matapos silang itulak ni Marco pababa.
"Ang bagal niyo eh" Natatawang wika nito sabay lapit kay Kier.
YOU ARE READING
Sitio Inferno
Misterio / SuspensoIsang masayang bakasyon ng magkakaibigan ang mauuwi sa isang kahindik-hindik na pangyayari. Sino ang salarin? Kaninong lihim ang mabubunyag? Date started: April 7, 2020 Date ended: -- -- --