Huli

62 3 0
                                    

Ako'y laging huli sa mga bagay na nakatakda
Sa pag-aaral, pagbili ng bahay at pag-aasawa
Sa mga pagsasalo laging tanong musta ka na?
At magtatapos sa linyang "ang tanda mo na"

May mga bagay akong ginawa na akin sinisi
Kung ba't andito pa 'ko at sila'y andun na
Mga desisyon kung iisipin ay humubog sa akin
Ang pagsisisi sa isip ay akin binura

Dahil masaya 'ko nu'ng ginawa ko'ng mga bagay na 'yun
At walang pwedeng magdikta sa'kin
Kung anong gagawin ko ngayon,
Bukas at sa mga susunod pang mga araw
Ang buhay natin iba-iba at di pwedeng ihalaw

Hindi ka maaga at hindi ka pa rin huli
Kung di mo ikukumpara sa iba ang 'yong sarili
Totoo na ang oras ay hindi mag-aabang
Pero totoo rin may takdang oras ang atin pagkinang

'Di pa huli ang lahat: koleksyon ng mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon