Chapter Two: The Hunky-licious Features

5.7K 126 6
                                    


DRUM ROLL--ito ang nararamdaman ni Val na ginagawa sa kanyang dibdib. Hindi niya lubos maisip na sa lahat ng mga magulang na nakaharap niya ay tila kinabahan siya sa isang ito. Na kanyang ipinagtataka.

Sanay siyang humarap sa mga magulang. May mga magulang kasi na paiikutin silang mga guro hanggang sa mabalik ang sisi sa kanila. May mga magulang naman na hindi marunong tumanggap ng mga komento mula sa guro. At may mga magulang na bastusang aalamin pa ang uri ng mga methodologies at strategies na ginagawa nilang mga guro sa loob ng silid-aralan. At ang lahat ng mga uri ng mga magulang na ito ay kayang-kaya niyang depensahan gamit ang diplomasya.

Nilingon siya ni Dessa. Nagbu-beautiful eyes pa ito sa kanya. "Miss Mercedes. Somebody's looking for you."

Patay-malisyang pinansin niya ito. "Ha?"

"This is Mr. Shiva de la Valenciana. Brahma's father, I believe?" Humarap si Dessa dito. Tumungo naman ito na may kalakip na box-office smile. Ano'ng sinabi ni John Lloyd Cruz sa pagngiti nito?

"Oh." Hanggang maaari ay ayaw niyang magpakita ng anumang klase ng facial expression dito. Lumapit siya dito. Hindi na niya dinala ang gamit na sana ay kukunin niya. "Good afternoon, Mr. de la Valenciana." Iniabot niya ang kaliwang kamay niya dito. "Ako si Miss Valiana--"

"Miss Valiana Orense Mercedes?" putol nito na may naka-display pa rin na ngiti. Tinanggap nito ang kanyang kamay.

Anak ng leche flan! Kuhang-kuha ng anak nito kung paano ito magsalita. Pati na ang pagbabanggit ng buong pangalan niya.

Ngunit tulad ng tingin nito ay ang haplos nito ay may dala ring kakaibang sensasyon sa kanyang balat. Ang gaspang nito ay nakapagpatindig ng mga balahibo niya. She would rather not confirm if this was a good or a bad experience.

Siya rin mismo ang kumawala sa handshake. Mukhang ayaw nitong bitawan ang kamay niya. "Mr. Shiva de la Valenciana," bawi niya dito. Aba, ang mag-ama lang ba ang may karapatang sabihin ang buong pangalan niya? "please follow me. Doon ho tayo mag-usap sa classroom ko."

Biglang sumingit ni Dessa. "If you have concerns about the English subject, you can talk to me, too, Mr. de la Valenciana. I am Brahma's English teacher."

Ibubuka pa lang ni Shiva ang bibig ngunit lumitanya na siya. "But I still have to discuss to him about his son's unruly behavior yesterday. If you, please, excuse us." Nagmartsa na siya palayo ng faculty room. Wala itong ibang nagawa kundi sumunod sa kanya.


---


PINAGKRUS ni Val ang mga kamay niya. Naupo siya sa harap ng kanyang mesa at pinaupo niya si Shiva sa isa sa mga armchairs ng mga mag-aaral sa kanyang classroom. Dito niya napiling kausapin ito dahil tahimik dito. May privacy sila, unlike sa faculty na ang bawat tainga ay nagsisilbing bonggang radar na daig pa ang Wi-Fi sa lawak ng kayang sakupin.

Hindi pa man niya naibubuka ang bibig ay ito na ang naunang lumitanya. "Miss Mercedes, humihingi po ako ng paumanhin sa ginawang hindi maganda ni Brahmski."

Brahmski? "You mean, Brahma? I suppose, Mr. de la Valenciana, bilang isang magulang ay alam natin dapat ang tamang paggabay sa ating mga anak. Bilang isang transferee, hindi ko po sila personal na kilala dahil wala naman siyang behavioral records noong nakaraang taon. Ipinatawag ko po kayo dahil--"

"I'm only thirty-two, Miss Mercedes. Siguro naman ay okay lang na kahit hindi mo na ako po-in."

Thirty-two? Mali pala ako sa hinala kong nasa late twenties lang ito.

Ang Lalaking Sumira Sa Aking Mga Pangarap [PHR Novel - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon