Chapter Eight: The Grand Bitch Herself is Back

4K 80 3
                                    

MATAGUMPAY namang natapos ni Val ang Home Visitation week. Kinailangan nga lang niya na maglaan pa ng isang araw dahil ang unang araw na sana ay gugugulin niya para sa pitong estudyante ay napunta sa paggugugol niya ng oras sa mag-amang de la Valenciana. Hindi naman siya nagsisi dahil ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya.

Sa araw na ito ay nakumpleto siya bilang isang babae: ang maramdaman na mahalin ng isang lalaki at maramdaman ang pagiging isang ina. Matagal na niyang tinanggap na hindi na niya mararamdaman ang pagiging isang anak dahil wala na ang kanyang mga magulang. Nagpapasalamat pa rin siya dahil naroroon pa rin sa kanya ang kanyang Tiya Roselda.

Kinalunesan ay pumasok si Val sa ASCA upang harapin ang bagong linggo sa buhay niya. Nang tumungo siya sa faculty ay naabutan niyang may maliit na pulong sa pagitan ng mga guro at ng kanilang assistant principal. Hindi naman siya maagang-maaga na nakarating sa kanilang official time pero hindi rin siya late.

Nakita niya si Dessa na naroroon na. Tinabihan niya ito at nakibalita. "Dessa, ano'ng mayroon?'

"Nasa US si Dr. Alcantara. Ooperahan daw sa puso," bulong nito.

Matamang nakinig na rin siya sa sinasabi ng kanilang assistant principal.

"As of now, tayo-tayo lang muna ang magtutulungan sa paaralan natin hangga't hindi dumadating ang pamangkin ni Dr. Alcantara. But she will arrive soon. Baka sa Wednesday ay naririto na si Miss Soorphanaka Rivas. Ito ang inatasan ni Dr. Alcantara na tumayong temporary principal ng ASCA. Bata pa si Miss Rivas."

Soorphanaka? What a weird name.

"Around twenty-nine pa lang siguro, but I believe she can help us maintain our quality education here in school with her Master's Degree in Educational Management. Currently, she's having her Doctorate Degree in Applied Linguistics, pero dahil sa nangyari, she had to leave and assist her Tita. I hope we could five her a warm welcome on Wednesday. Kaya ba natin 'yon, teachers?"

Sumang-ayon naman ang mga guro sa winika ng assistant principal.

As if may choice siya kundi sumang-ayon din.


---


"HEY, SEXY," bati ni Shiva sa kanya. Nakasandal ito sa kotse nito habang pinaglalaruan ang hawak na shades.

Natapos na naman ang isang araw sa loob ng classroom. Kasabay niya si Dessa na naglalakad palabas ng campus. Binato siya ng kaibigan ng isang matalim na tingin.

"Mars, ako ba ang tinawag ni Mr. de la Valenciana na sexy?" pagkukumpirma nito.

Napahagikgik siya. "Siguro."

"Hello, Miss Toribio," bati ni Shiva kay Dessa. "How's Brahma in class?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Dessa sa kanila. Hindi tanga ang kaibigan niya para hindi mapansin ang bagay na iyon. "Oh, my. Val! Hindi ka pa nagkukuwento sa akin, ha. Kaya pala ang blooming mo na ngayon, ha. At hindi ka palahagikgik nang ganyan. At lalong hindi ka nakikipaglaro o nakikihalubilo sa mga bata, ha."

"Ano ba ang sinasabi mo d'yan, Dessa?" Napakagat siya ng labi nang i-head-to-foot niya si Shiva. Nakasuot ito ng itim na long-sleeved polo na naka-tuck in sa slim-fit jeans nito. Moccasin shoes naman ang suot nito na may palawit pa sa itaas. He looked so handsome in his casual attire.

Lumapit si Shiva sa tabi nila ni Dessa. Kinuha nito ang bag niya at isinukbit sa balikat nito. "It just happened, Miss Toribio. Hindi ko rin sukat-akalaing magugustuhan ko itong si Miss Sungit no'ng una pa lang."

Natakpan ni Dessa ang bibig at huminga nang malalim. "Mars, sino ngayon ang sasalaksakin ko ngayon ng sampung katana?"

"But please, Miss Toribio, as much as possible, kahit pa gaano ka-obvious ako sa pagmamahal ko kay Valiana, let's leave the issue as subtle as we can. Mahirap na at baka masira pa siya sa mga ibang teachers or staff dito sa school. You know, rumors." Kumindat pa ito kay Dessa.

Ang Lalaking Sumira Sa Aking Mga Pangarap [PHR Novel - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon