Chapter Seven: Chocolate Hills, Underground River, at Palawaaaaaaaan

4.4K 91 23
                                    

NABALOT ng katahimikan ang malamig na sala. Tanging ang ingay lang yata na naririnig nila ay ang sa makina ng air conditioner na nakabukas. Ni isang imik mula kay Val at Shiva ay hindi marinig. Silang dalawa lang rin kasi ang naroroon. Tapos na rin kasi niyang interview-hin si Brahma tungkol sa study habits nito.

Sa totoo lang ay wala siyang itulak-kabigin sa bata. Matalino ito at mukha namang napapalaki ni Shiva ito nang maayos dahil kahit sa mga librong ipinamimihasa nito dito ay guided pa rin ito.

Pinatulog na ni Shiva ang bata dahil may pag-uusapan sila na tanging for parents lang at hindi kasama ang mag-aaral. Nagpapakiramdaman sila kung sino ang mauunang magsalita. Hanggang sa binasag na niya ang yelo sa pagitan nila.

"Ano nga pala ang dahilan ng pagbalik niyo dito sa Pilipinas?" Napalunok siya. Sa simula't sapol na naroroon siya ay hindi na nagsuot si Shiva ng kahit anong pang-itaas na saplot. What's more tempting was their distance. Isang dangkal lang yata ang layo nito sa kanya. Sino namang gaga ang magmamadre-madrehan sa ganito kakisig na lalaki, 'di ba?

"Well, unang-una ay dito na ulit ako magtatrabaho. You see, sa U.S. ay marami kaming mga kalabang illustrators. Nariyan ang DC, Marvel at kung ano-ano pa. May kaibigan akong nagmamay-ari ng isang publishing company, kaya nang bigyan niya ako ng isang offer na mahirap tanggihan ay nagpasya kaming bumalik dito sa Pilipinas ni Brahma."

Tumungo-tungo siya. "Mabuti at marunong magsalita ng Filipino si Brahma. Hindi siya nahihirapang makipag-communicate sa mga batang kasing-edad niya."

"I taught him how to speak Tagalog. 'Yong yaya naman niya sa Laoag ay isang Ilocana. Doon naman siya natutong magsalita ng Ilocano."

Naalala niya ang payo ni Ate Kendra. It's time to perform! Tumitig siya dito nang hindi kumukurap. Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa katawan nito. Mukhang siya pa ang susuko. "I see. Mabuti naman at mabilis siyang maka-adapt ng iba't ibang lengguwahe. He is a linguistic type of learner, if Howard Gardner's Theory of Multiple Intelligences is concerned. Napag-uusapan nga namin siya ni Miss Toribio. Magaling talaga siya sa word association and meaning. Very wide ang vocabulary niya. In fact, siya ang ipanglalaban ng aming klase para sa Spelling Contest sa Nobyembre." At nagpakabibo pa talaga siya, ha. May nalalaman pa siyang Howard Gardner. Intelligent talk nga naman ang gusto ng mga writers, sabi ni Ate Kendra kanina.

"That's good to know."

Napangiti sila sa isa't isa. Pareho silang proud na proud sa galing ni Brahma. Both as an adviser and parent to him.

Bonggang lumunok ulit siya. Hindi niya madama ang lamig ng hangin na buga ng air conditioner dahil nararamdaman niya ang pagtagaktak ng pawis niya sa ulo. "By the way, S-Shiva."

"Hey." Lumapit ito sa tabi niya ngunit nakapako pa rin ang mga mata nito sa kanya. "still uneasy to call me in my first name?"

"Oo, e. Hindi talaga ako sanay." Umiwas naman siya ng tingin, pero hindi niya maiwasang manaka-nakang sumulyap dito.

"As you were saying..." Hindi na nito inalis ang titig sa kanya. Naramdaman niya ang pag-akbay nito sa balikat niya.

"Uh... Nasaan na pala ang asawa mo?" Tone-toneladang confidence ang nilaklak niya para maitanong ito.

Ngumisi ito. "I was never married, Valiana. Matagal ko nang sinabi 'yan sa 'yo."

Tumikhim siya. Sinubukan niyang i-rephrase ang katanungan. "Ang tinutukoy ko ay ang ina ni Brahma. Nasaan na siya ngayon? Bakit hindi na niya binibisita ang bata?"

Ang Lalaking Sumira Sa Aking Mga Pangarap [PHR Novel - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon