Chapter Three: Ang Fashion Na Pang-Touch The Color

4.7K 102 3
                                    

PUMAGASPAS ang pakpak ng panahon nang sobrang tulin. Simula nang nagsimula ang klase ay naging busy na si Val sa maraming bagay. Ngunit, sa dami ng mga karanasan niya sa pagtuturo ay maning-mani na lang ang mga ito, lalo na ang pagha-handle ng isang advisory class.

Biyernes. Araw ng sweldo. Mag-aalas-sais na rin nang gabi nang nakalabas sila ng paaralan dahil may tinapos pa silang paperworks.

Pumunta sila sa isang pamosong bookstore na nasa loob ng isang mall. Hindi lang libro ang ibinebenta dito kundi mga school supplies, gift items at marami pang iba. Bibili sila ng lesson plan notebook. May supply na ibinibigay ang paaralan sa kanila ng mga school materials ngunit mayroon silang preferred na brand kaya hindi nila tinatanggap ang bigay sa kanila.

Nagpaiwan na si Dessa sa labas ng tindahan. Hindi rin naman sila nagtagal doon dahil tutungo pa sila sa department store. Pagkakuha ng mga kailangang bilhin ay pumila na rin siya sa counter. Ilalapag na lang niya ang items na bibilhin niya nang nakarinig siya ng isang malakas na pagbagsak ng libro sa kabilang counter. Nang lingunin niya kung sino ito ay nanlaki ang mga mata niya.

"Brahma?" pagkumpirma niya.

Nilingon siya nito. Ito nga si Brahma. Nakasuot pa ito ng school uniform. "Hi, Miss Valia--I mean, Miss Mercedes."

Napatingin siya sa mga librong pina-punch ng attendant sa cashier. "Bibilhin mo ang lahat ng 'yan?" Limang libro ang naroroon. At ang lahat ay hard-bound books, na ang tantiya niya ay mahigit seven-hundred pesos ang isa.

"Including these," turan ng isang lalaki. Pamilyar sa kanya ang tinig na iyon. Nilingon niya kung sino ang papalapit na lalaki na may hawak na dalawang libro. It was Shiva.

"Mr. de la Valenciana." She recognized the man.

"Miss Mercedes, it's good to see you here," polite na bati nito. Iniabot nito sa cashier attendant ang hawak na libro. "Naabala ka ba namin?"

"Not at all," Inilapag na rin niya ang mga lesson plan notebooks at kinuha ito ng attendant upang i-punch. "Para kanino ang lahat ng librong iyan?"

"For me, Miss Valia--Miss Mercedes." Mabilis na tinama ni Brahma ang sarili.

Napailing na lang siya sa reaksyon nito. Kapagkuwan ay napangiti siya. "Talaga? Ikaw ang magbabasa ng lahat ng 'yan?" Dumukot siya ng five-hundred at iniabot ito sa cashier. Muli niyang nilingon ang mga libro. Karamihan dito ay mga teen novels.

"Yes, Miss. Buti na lang at wala kaming assignments kaya I'm free to read anything I want this weekend." Lumingon ito sa amount viewer at binasa nito kung magkano ang mga aklat na naka-punch. "Dad, three-thousand two-hundred sixty-five."

"Ooh. For the love of reading." Naglabas ng malutong na apat na libong piso si Shiva mula sa wallet nito at iniabot sa cashier. "Here you go, Miss."

Four thousand pesos for seven books? 'Di masamang gumastos para sa mga libro ngunit ganito na lang nito kabilis na pakawalan ang ganoong halaga. Ano kaya ang ikinabubuhay nito?

Matapos balutin ang kani-kanilang mga binili ay kinuha nila ang kani-kanilang sukli. Nauna na siyang lumakad ngunit sumabay ang mag-ama sa kanya. Wala siyang nagawa kundi bagalan ang lakad upang masabing pinansin niya ang mga ito.

"Nag-dinner ka na, Miss Mercedes? Come with us," yaya ni Shiva sa kanya.

Nasabik si Brahma sa winika ng ama. "Oh, yes, Miss. Join us. Let's eat steak tonight!"

"Ay, salamat na lang. May naghihintay kasi sa akin sa labas," tanggi niya.

"Asawa mo?" walang kagatol-gatol na usal ni Shiva. "Ay, sorry, Miss Mercedes. 'Miss' ka pa pala."

Ang Lalaking Sumira Sa Aking Mga Pangarap [PHR Novel - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon