VI - Think About U

24 3 0
                                    


Kabanata VI


Think About U - Ryan Hemsworth ft. Joji



Kendra

Balak ko pa sanang mag-ikot muna sa iilang shops para makabili na rin ng iilang kakailanganin ko para sa pagbubuntis. Pero para akong nahapo bigla at nawalan ng gana nang makita ko na sayang saya ang pontio pilatong si Gray habang ako ay kulang nalang isuka ang buong intestines ko dahil sa kaartehan ng anak niya!

Ngumuso ako habang madiin na nagtitipa sa aking phone. Umupo muna ako sa may Starbucks kahit wala namang bibilhin para lang makalayo agad sa pangit na view.

To: Keith

Saan ka? Can you pick me up?

Pwede naman ako maglakad nalang patawid sa aking condo pero ayoko munang mapag-isa. Anyway, halos kaka drop off niya palang naman sa akin kaya okay lang.

Wala pang 5 minutes akong nagaantay ay nag ring na agad ang telepono ko.

"ANONG NANGYARI?!" OA na sigaw ni Keith.

Napaismid ako. "Nakita ko si Gray!" Sabi ko na parang isang batang nagsusumbong.

Narinig ko ang buntong hininga ni Keith sa kabilang linya. "Oh anong nangyari? Akala ko naman kung ano!"

I rolled my eyes kahit pa na hindi naman niya makikita iyon. I'm starting to get pissed at napagdesisyunan kong kung hindi man ako sunduin at sasamahan ni Keith ay aalis ako mag isa! Hindi naman ako imbalido para hindi makapag drive, and I can always just book a grab too.

"Are you going to pick me up or not?"

"Antayin mo ko jan, buntis," aniya.

May lumapit sa aking barista kapag baba ko ng tawag, nag aalok ng mga sample-sized drinks nila. I was tempted to get one because the coffee smelled so good, pero hindi ako sigurado kung pupwede iyon sa akin.

I was never a big fan of coffee pero ngayon ay sobrang nagc-crave naman ako uminom dahil sa amoy nito. Maybe it's because of the pregnancy.

Sandali pa ay dumating na si Keith. May balak pang umorder ang gaga para sa kinokolekta niyang stickers pero dali dali ko na siyang hinila.

"Saan tayo?" Tanong niya nang makasakay kami.

Nagkibit balikat lamang ako at nag open ng social media. I opened my IG account and searched for Gray.

"Gr" pa lamang ang nat- type ko sa searchbar ay lumabas agad ang kanyang account.

Hmpf. Ganoon siya ka famous?!

I quickly checked his account, nag-iingat na wag maka- like ng kahit anong post. His posts were mostly sceneries, which I'm assuming were sets from his movies. Maganda ang mga kuha niya at aakalain mong isa siyang professional photographer.

He's got a few posts with his friends too, pero isang litrato ang pumukaw sa interes ko.

"Where are we going, Ken? We can't just drive around na walang pupuntahan. Sayang ang gas!" Narinig kong sabi ni Keith pero wala akong pakialam.

Nagngingitngit ang kalooban ko nang pindutin ang post ni Gray. It was a blurred black & white photo of him and a girl. Nakaakbay siya doon sa babae. He was wearing a long sleeved polo na nakabukas ang ilang butones, at ang babae ay naka tube top.


I zoomed in the photo, at ganoon nalang ang panghihina ko nang mapagtanto na it was the same girl kanina.

**

gray.uychangco Breakfast dates and wine nights, sandbars and hills, I'm glad to have seen and experienced most of the world with you. Happiest birthday

**

Naramdaman ko ang paglapit sakin ni Keith. She tried to take a peek at my phone, marahil ay nacu-curious kung bakit hindi na maipinta ang mukha ko.

"Ken..."

Pinalis ko ang namumuong luha sa mga mata ko saka pinatay ang phone.

Why the fuck are you crying, Kendra? One night stand lang ang nangyari sa inyo at hindi lang sinasadya na may nabuo, but why are you acting like you've known him for years and now he broke your heart?

He was almost non-existent to you before that one fateful night.

Lalo akong nawala sa mood nang ma realize ang isa pang bagay. It's not as if we made love that night... we just f.cked. That idea made me feel a sharp pang in my chest. I tried convincing myself that it was just my ego that's hurt and not me.

Right. I can't be hurt. Sino ba siya?

"Let's just shop for some baby things, hm?" Aya ni Keith. Babawiin na sana niya iyon siguro nang maalala na kaya nga ako nagpasundo bigla sa kanya ay dahil nakita ko si Gray. "I mean..."

"Pamahiin na masama raw mamili agad ng gamit ng baby habang nasa 1st trimester palang," sabi ko. "Let's just buy some maternity books and more comfortable clothes..." Patol ko sa offer niya.

Hindi ko dapat iwasan si Gray at hindi dapat ako magpaapekto. I've got a baby, it's a blessing, but it doesn't mean I need to have the father too.

Mabuti na rin na sasamahan ako ni Keith para hindi na ako makapag-isip pa ng kung ano.

Pagbaba ko sa sasakyan ay ganoon nalang ang gulat ko nang mamataan sa tapat namin si Gray. Katapat ng itim niyang Ford expedition ang sasakyan ni Keith.

He was opening the door for his girl, and his mouth fell open when he saw me coming out of the car.

Ano ka ngayon, Gray? Ang ganda ko, 'no?!

One More NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon