Kabanata IV
If I Never See Your Face Again - Maroon 5
Kendra woke up the next morning feeling sore. She wasn't dumb to not know why she woke up in a different hotel suite. She was drunk, pero alam n'ya ang nangyari kagabi. She had sex with the great Gray Uychangco. Kaninang paggising n'ya lang nakilala ng tuluyang kung sino ang lalaki.
Ayaw na sana n'yang umalis muna sa tabi nito kung hindi lang s'ya tinawagan ni Keith. Pinagmumura pa s'ya ng kaibigan dahil sobrang nag-alala raw ito nang hindi s'ya nadatnan sa suite na nila.
She tried standing up kaso talagang napakasakit ng pagkababae n'ya. Gray was so insatiable last night. Hindi lang sila nakadalawa kundi nakaapat pa. He was so rough that it made her crazily drawn to him. She liked how Gray kissed every part of her body. She was worshipped and kissed senselessly. Damn, she's so lucky para makasama ang isang Gray Uychangco sa kama.
Her phone beeped and she saw a text message from Keith.
"We have to catch our flight, Kendra. Nasaan ka na ba?"
So she hurriedly fixed herself. Saka n'ya lang naalala na sinira nga pala ni Gray kagabi ang panty n'ya.
"Loko ka!" Mahinang bulong n'ya sa natutulog na lalaki.
Muli n'yang pinagmasdan ang mukha nito. She tried memorizing his features dahil baka hindi na sila pa magkita pa muli. Baka. Pero sisiguraduhin n'yang magk-krus ang landas nila uli.
She bid her goodbye and kissed him for the last time. She hopes to see him soon...
**
Keith kept on asking kung nasaan ba s'ya napadpad kagabi. Tinatawanan nalang n'ya ang mga tanong na binabato nito at saka nananahimik kapagkuwan. Minsan ay iniiba n'ya rin ang topic para maiwasan ang pagsagot kay Keith.
"May nag-iba talaga sa'yo, Kendra." Sabi ni Keith habang naghihintay silang mag-board.
She looked at her friend, "H-Ha?" Nauutal pang tanong n'ya.
"Blooming ka." Sabi lang ng kaibigan at nagpasak nanaman ng earphone sa tainga.
Panandalian s'yang nakahinga ng maluwag. Buti naman ay hindi na ito nag-usisa pa.
**
Kendra
Pagkatapos ng byahe namin sa Bora ay mga ilang araw ring hindi nagparamdam si Keith. Ang sabi sa akin ay may minamatyagan daw s'yang unggoy. Crazy, I know. Pero mukhang hindi naman literal na unggoy ang pinaghahahanap nito, dahil kagabi lang ay nagpunta s'ya rito sa bahay ko na may dala-dalang DVD na rinentahan n'ya. Panay pa ang reklamo n'ya tungkol sa unggoy na yon. Kesyo napakalandi raw at mahilig sa kahit anong nakasuot ng panty.
*
"SINONG Gray, Kendra?" Tanong sa akin ni Keith.
I looked at her and shook my head, "What are you talking about?" Tanong ko pa habang nilalapag n'ya isa-isa ang mga chinese take-outs na binili n'ya kanina. I switched the tv channel. Mahilig kami manood ng tv ni Keith kaya naman dito na kami nagdecide kumain sa living room.
"Absent-minded ka ata noong paulit-ulit mong binabanggit ang pangalan n'ya." She tsk-ed and laughed humorlessly, "And I'm not dumb, Kendra. Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin. Mula pa noong makabalik tayo galing sa Bora ay lagi kang ganyan. You're always spacing out. Lagi kang tulala." Sabi n'ya at saka umupo sa harap ko. Napapalatak s'ya, "So, tell me something I do not know, Ken. Habang maaga pa'y sabihin mo na sa akin."
I pursed my lips habang nagco- contemplate kung aamin ba ako o hindi. I was so fucking attracted to the Gray Uychangco. What we had was good s.x; a one-night stand. Alam kong hindi na mauulit. Na hindi na mangyayari pa. Na baka nga napakaimposibleng magkita pa kaming muli. Kaya noong nakita ko na umiiyak si Keith kagabi dahil sa 'nararamdaman' kuno n'ya raw sa unggoy na iyon, ay agad kong tinatak sa utak ko na hindi na dapat akong umasa pa na magku-krus pa ang landas namin ni Gray.
I knew that I had to cross - no, remove - him from my system. Why? Dahil walang magandang dulot ang attraction na nararamdaman ko para sa isang Uychangco. I shouldn't be thinking and lusting over him. No. Hindi pwede.
"Inuulit ko, Kendra Isobel Roque," Sabi pa ni Keith na nakapagpabalik sa akin sa realidad, "Sino si Gray?"
I swallowed hard before answering her question. "Y-Yung... movie producer." I admitted. Pero iyon lang ang kailangan n'yang malaman. I can't tell her yet. Hindi ko kayang mahusgahan ng isang taong mahalaga sa akin dahil lang sa katangahan ko.
"Typical you." I said, trying to avoid the topic. "Chismosa ka pa rin, Keith."
She rolled her eyes and raised a middle finger, "If it only concerns the people I am associated with, Ken."
Tumawa ako saka nag-umpisang papakin ang pagkain na nasa hapag. "This is good, Keith. Masarap, ah." I told her, pertaining to the noodles I was eating.
"U-huh," anito. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang nagtatakang ekspresyon ng mukha nito. Inilabas n'ya ang kanina pang nakatagong tupperware. Colored iyon kaya hindi ko makita ang laman, at isa pa ay kanina n'ya pa yun tinatago sa akin. Kaya laking tuwa ko noong bahagya n'yang binuksan ang takip pero sinara rin naman agad.
"Holy shit, Keith!" I told her. Sushi! It's freaking sushi! Ah! The love of my life!
Natawa s'ya noong inagaw ko sa kanya iyong tupperware. Iniisip ko palang ang sushi ay naglalaway na agad ako. I hugged the tupperware first bago ito buksan, para lang mahilo at masuka dahil sa kung anong dahilan.
I ran as fast as I could to get to the bathroom immediately. Pagkabukas ko palang ng pinto ay agad na akong yumuko sa lababo. I even heard Keith yelling all the way from the living room. Maya-maya pa nga'y nakaagapay na s'ya sa akin, her hand rubbing my back habang ang isa ay nakasuporta sa akin.
Feeling ko any moment by now ay magdidilim nalang bigla ang paningin ko. For a moment, I felt like the whole world was spinning -- and that all I could see was the fact that something was terribly wrong with my body.
"Kendra, are you..."
**
I was goddamn sure na hindi ako buntis. Na hindi ako mabubuntis dahil lang sa isang gabi -- nang dahil sa isang pagkakamali. But I guess fate just f.cking played with me. Dahil kanina ay isang PT palang ang nasusubukan ko ay dalawang pulang linya na agad ang lumabas. At ngayong nakailang subok na ako ay sigurado na ang sagot.
Shit. Shit lang. What the hell did you do, Kendra? I asked myself, but of course, I already know the answer.
You hooked up with Gray Uychangco, remember?
Hindi ko alam kung paano matatanggap ang fact na may buhay sa loob ng t'yan ko at kagagawan iyon lahat ng kapusukan ko with the great Gray Uychangco.
"B.llshit!" I muttered habang hinahagis ang anim na PT na sinubukan ko.
Narinig ko ang tatlong beses na pagkatakot ni Keith mula sa labas ng banyo. "What's the result, Ken?" She asked.
Napapikit ako ng mariin at napatawa ng mapakla. Tinignan ko uli ang panghuling PT na sinubukan ko. Pagkatapos ay dumako ang tingin ko sa anim pang PT na nakakalat sa sahig.
Lahat positive.
**
Kabanata V na! Makikita na uli ni Kendi si Gray. hehe. :) Popost ko rin soon. Dagdagan ko lang ng onti pa para sulit naman. Hahaha :)