V - Sex and Candy

500 14 5
                                    

Kabanata V

Sex and Candy - Maroon 5



Gray

I woke up with the sound of loud music, and when I opened my eyes, I immediately saw some head-banging actions. Sandali ko lang sinilip ang kaganapan sa labas ng kwarto mula sa awang ng pinto. Sa loob ng hotel suite na inookupa ko ay tila mga baliw na nagpaparty sina Katie at ilan pa naming kasama.

I groaned and tried to sit up. Hinimas-himas ko pa ang ulo ko saka ginulo ang tipikal ko ng magulong buhok. Muli kong pinikit ang mga mata ko nang maramdaman na parang umiikot nanaman ang paningin ko. Damn that martini. Hindi ko alam kung nakailang baso ako nu'n. Ang alam ko ay uminom rin ako ng isang vodka at tumikim ng tequila. Damn, Gray! What were you thinking?!

"Hanging 'round downtown by myself

And I had so much time to sit and think about myself

And then there she was like double cherry pie

Yeah, there she was like disco Super Fly!"

Napailing nalang ako nang marinig ko ang pagkanta ni Katie. Feeling singer talaga ang isang iyon.

"I smell sex and candy here

Who's that loungin' in my chair?

Who's that castin' devious stares in my direction?

Mama, this surely is a dream, yeah

See, mama, this surely is a dream, yeah."

I smell sex and candy here...

F.ck! Si Kendi! Sa isiping yon ay bigla kong nakapa ang gilid ng kama ko. At ganoon nalang ang pagmumurang ginawa ko nang walang mahakawan kundi malambot na unan.

Agad kong dinampot ang boxers ko na nakasabit sa gilid ng headboard. Pupunta na sana ako sa banyo para maghilamos ng matapilok ako. I groaned and picked the thing that made me stumble.

Isang lipstick? Teka. Ganito iyong kulay ng lipstick ni Kendi, ah? Naiwan n'ya rito sa kwarto? Napailing nalang ako saka shinoot iyon sa maleta kong nakabulatlat lang sa sahig.

Nang lumabas ako ng kwarto ay lalong nagtutumilili si Katie. She started dancing wild. Hindi naman s'ya masaya n'yan, ano?

"Congrats, Gray! Di ka na virgin!"

**

Kendra

"Wala ka bang sasabihin?" Nakangusong tanong ko kay Keith nang mapadaan s'ya sa tinutuluyan ko. Kasalukuyan akong busy sa pagaayos ng ilan kong gamit.

Mula nang malaman namin na... err, jontis ako (which is, by the way, three days ago na) ay pinilit na ako ni Keith na magstay sa condo unit ko sa R.E.D. Sabi n'ya, mas safe raw doon at mas malapit sa ospital, supermarket, at malls.

Isa pa ay panay din ang dalawa ni Conrad. Eh, saktong kahapon nagkaabutan sila ni Keith sa dati kong tinutuluyan. Ayun, muntik makapatay ang gaga. Hindi ko na nga lang sinabi na mula pa noong makabalik kami galing sa Bora at noong mga panahon na MIA s'ya ay panay dalaw s'ya. Mukhang sinapian nanaman ang gago. Or should I say, nalugi nanaman siguro ang negosyo.

Umingos ito, "Eh ikaw, wala ka bang ibang balak kainin kundi ang mga cup noodles na ito?" Nakakunot ang noong tanong ni Keith nang makita ang dalawang kahon na naglalaman ng puro cup noodles, pati iyong usong Korean noodles? Ayon nga.

I pouted. Eh sa yun ang gusto ni baby, anong magagawa ko? "I like noodles!" Pagdadahilan ko pa.

"You don't, Ken." Sabi naman n'ya, "You've never liked noodles kaya talagang nagtaka rin ako kung bakit mo kinain ang chinese take-out na binili ko. The noodles wasn't for you, really. Kaya nga ako nagdala ng sushi no'n, eh."

One More NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon