Prologue

49.4K 1.6K 178
                                    

To her with love 

a novel written by 

xxakanexx 

Men Challenge Junior Book # 02

"Mon!"

Tumigil ako sa pag-aayos ng kotse nang marinig ko ang pangalan ko. Lumingon ako sandali upang makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko at agad naman akong napangiti nang makita ko si Blue – ang anak na panganay ni Uncle Simoun na siyang pinakamatalik na kaibigan ng Daddy ko.

Mas matanda ako kay Blue nang anim na taon, pero hindi naman naging sagabal iyon upang maging matalik kaming magkaibigan. Sakay siya ng bisikleta niya at kumakaway pa papunta sa akin.

"Mon!" sigaw niyang muli nang makalapit na sa akin. "Grabe! Hiningal na ako. Halika sa bahay, nagluto ng pancit canton si Mamay," yakag niya sa akin. Ngumiti ako at agad na binitiwan ang water hose. Pinagdidilig kasi ako ni Mommy ng mga halaman niya, si Daddy naman ay inutusan akong maglinis ng kotse niya. Wala namang kaso sa akin, bakasyon naman kasi at wala akong gaanong ginagawa ngayon kaya lang nagugutom na talaga ako. Kaya nang marinig ko ang sinabi ni Blue ay agad kong kinuha ang bike ko at nag-unahan na kami papunta sa kanila.

Inaasahan kong makita ang ibang kinakapatid ko roon – marami kasing magbabarkada sila Daddy. Si Uncle Simoun ang pinaka-kuya, siya iyon tatay ni Blue, si Uncle Ido – na madalas niyang sabihin na siya ang pinakagwapo sa lahat – na siyang tatay naman ni Narcing at Adonis, si Uncle AJ – na kapatid ni Daddy at tatay ni Reese na bestfriend ni Blue at siyempre, si Uncle Jude, siya na lang ang wala pang anak sa magkakaibigan.

We all live in the same village – which is good because we get to see each other every day. Halos magkakapatid na sila Daddy kaya kaming mga anak nila ay magkinakapatid o magpipinsan at ako ang pinakapanganay sa lahat.

I am now thirteen years old, si Blue ay seven, si Narcing ay six, si Reese ay six din, si Dondon ay four. Lahat sila ako ang tinitingala pero madalas, ako rin ang inaasar nila.

Mataba kasi ako.

Sabi ni Dad, wala naman daw problema kung mataba ako, ang mahalaga nag-aaral akong maigi at buo ang pamilya namin. Pero madalas din akong nalulungkot – lalo na sa school dahil kahit anong tapang ko, palagi naman akong sinasabihang mataba ako. Ayoko ng ganoon kasi, hindi naman ako mataba.

"Mamay!" bati ko sa Mamay ni Blue nang makarating kami sa bahay nila.

"O, nandito na kayo. Halika na, Mon, kumain na kayo ni Blue. Masarap itong niluto ko!" she smiled at me. Napakasarap magluto ni Mamay Leira. The best lahat – lalo na iyong fried chicken niya. Sobrang sarap, makakalimutan ng titikim ang pangalan nila.

Naupo kami ni Blue sa dining chair. Nakahanda na agad iyong pancit canton na mukhang kaluluto pa lang talaga. Mabango iyon at mainit-init pa.

"Kuya Mon, crush mo ba ako?" Napatingin ako kay Blue. "Sabi kasi ni Uncle KD bagay raw tayong dalawa kapag malaki na tayo. Crush mo ba ako?" Kung kay Blue ay parang wala lang ang sinasabi niya, sa akin may ibig sabihin na iyon. Grade six na kasi ako at alam ko na ang salitang crush, love at libog. Alam na alam ko na iyon, pero sigurado naman ako sa sarili ko na hindi ko crush si Blue. Mas gusto kong isipin na best friend ko siya kasi siya lang ang hindi tumatawag sa akin ng mataba.

"Hindi kita crush, Blue. Best friends tayo," paliwanag ko sa kanya. Para bang nag-iisip pa siya. Lumabi siya sa akin tapos ay umingos.

"Bestfriend ko si Reese, eh. Pero sige, tutal bata pa naman ako. Magkakagusto ka rin sa akin sa future," sabi niya sabay kain ng pancit canton. Tumawa lang ako. Si Mamay Leira ay binigyan pa kami ng orange juice ni Blue. Tuwang-tuwa ako dahil maliban sa pagod ako, paborito ko talaga ang mga luto ni Mamay Leira.

Kalagitnaan ng pagkain naming dalawa ni Blue ay bigla na lang nangibabaw ang tinig ni Uncle Simoun. Para siyang may kausap at mukhang tuwang-tuwa siya. Tinawag niya si Blue kaya agad na bumaba ang kababata ko. Ako naman ay kumakain lang habang pilit silang sinisilip. May kasama si Uncle Simoun, isang lalaking sing tangkad niya at isang batang babaeng may suot ng kulay dilaw na bestida.

Bigla kong nabitiwan ang tinidor na hawak ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahan-dahan kasing lumingon iyong batang babae.

Grabe! Hindi pa ako nakakakita ng ganoong kagandang batang babae.

Kulot iyong buhok niya na nakatali bilang pigtails. Mapula ang mga pisngi niya. Malamlam at bilugan ang kanyang mga mata. Maganda ang ngiti niya. Nakangiti siya sa akin. Dahan-dahan niyang ikinaway ang kamay niya sa akin.

Napanganga naman ako.

"Si King Solomon, anak ni King David. Naglalaro sila ni Blue," pakilala ni Uncle Simoun sa akin. Grabe! Bigla akong nahiya. Ang taba ko nga. Napalunok pa ako. Lalong lumapad ang ngiti noong batang nakadilaw na bestida. Magkasama silang lumapit sa akin ni Blue.

"Hello. My name is Telulah Alexis Consunji. Nice to meet you," wika niya sa akin. Inabot ni Telulah ang kanyang kamay para i-shake ang kamay ko. Nanginginig akong inabot iyon. Grabe. Ang ganda-ganda niya.

"Ako si Mon..." pakilala ko. Lalo siyang ngumiti. Nagulat ako nang bigla niyang pisilin ang pisngi ko.

"Ang taba-taba mo naman! Ang cute-cute mo!" Parang gigil pa siya sa akin noon. Napanganga ako. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, na-offend ako nang sabihan akong mataba.

Tumakbo ako palabas ng bahay at saka sumakay sa bike ko. Umuwi ako sa amin nang masama ang loob at umiiyak. Pinuntahan ko agad si Daddy. Nasa silid siya noong mga kapatid kong kambal.

"Dad! Dad! Daddy!"

"Bakit?" frantic na tanong niya. "May umaway ba sa 'yo sa labas?!"

"Dad! Gusto kong pumayat! Ayoko ng ganito! Gusto ko ng six pack abs!" yumakap ako sa kanya at umiyak nang umiyak. "Papapayat ako, Dad!"

To Her With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon