Five years later...
Telulah Alexis Consunji – Sandoval
"So, dinner with Tatay, tonight, are you finally going to tell him?"
Iniirapan ko si Solomon habang nag-aayos siya ng damit sa harapan ng full length mirror sa walk in closet namin. Napatingin siya sa akin at napakamot ng ulo. Naiinis ako tuwing naaalala kong dahil sa kanya nagkaroon ng delay sa pagsasabi kay Tatay na kasal na kami. Iyong inakala kong ilang linggo lang naman na hindi niya pa muna masasabi ay tumagal hanggang limang taon. Kapag sinasabi ko sa kanya na panahon na para sabihin namin ay palagi naman niya akong sinasagot na hindi pa raw ready si Tatay.
Naiintindihan ko naman iyon. Alam kong gusto niyang maging maayos silang dalawa. Nakikita ko naman na pareho silang nag-e-effort na maging maayos ang relasyon nilang dalawa bilang magkaibigan. Ang nakakainis lang talaga, para bang walang balak si Monmon na sabihin kay Tatay ang totoo.
Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa New York with the hopes na pagbalik ko ay nasabi na niya kay Tatay ang lahat pero hindi niya pa rin magawa.
"Oo, Love. Susubukan ko ngayon," humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. His parents already know about us – sinabi na namin a month after we got married. Gusto ko nga na ganoon lang kadali para sa amin, madali naman kasing kausap si Tatay. Ano naman kung magalit siya? Basta masaya kaming dalawa ni Solomon, iyon naman ang mahalaga roon.
"Sana naman masabi mo na. Ang babaw kasi, Love, noong dahilan mo. Ano naman kung hindi pa handa si Tay? 'Di ba gusto mong maging free?" I asked him.
"Free naman na tayo."
"I know. But I want us to be freer! Jusko naman! Hiniling mong ipaglaban kita, noong ginawa ko, bumalik ka naman sa dilim! Ano, break na tayo?" tudyo ko pero galit pa rin ang tinig ko.
"H'wag naman break. Basta, sasabihin ko na kay Tatay ngayon. Okay? I love you, Love," sabi niya pa bago siya bumalik sa pagbibihis. I was looking at him. Sobrang gwapo nito kaya lang masyadong mabait. Sabi nga ni Mommy Yella, we compliment each other – palaban ako, si Mon naman daw ay sobrang bait. Mabuti nga raw at hindi nagmana si Solomon sa Tatay niyang quote and unquote – supot.
"Uuwi nga pala ako ng CLPH. Dumating si Maze at naroon siya ngayon. Mag-isa lang siya sa cabin, Love, so magbabyahe ako mamaya. Doon na muna ako, pwede ka namang sumunod kung gusto mo."
"Okay, bukas ako pupunta," he smiled at me.
"May masquerade party, Love, aayusin ko iyong costume mo. Dapat terno tayo," I smiled again. Madali namang mawala ang inis ko sa kanya. Hindi nagtagal ay nagpaalam na siya sa akin. I kissed him goodbye at binilinan ko siyang sabihin na kay Tatay ang lahat. Um-oo naman siya sa akin.
Nakakatuwa lang na medyo maayos na sila ngayon at nagagawa pa niyang makipag-dinner kay Tatay. Tinatanaw ko siya, sa motor lang siya sumakay. Binilinan ko siyang mag-ingat kasi nga kung minsan mabilis siyang magmaneho.
Nag-ayos naman ako ng damit na dadalhin ko sa CLPH. Nagulat ako nang malamang nakauwi na pala si Mazikeen at kay Yael siya nag-stay. Ayaw na ayaw noong kapatid kong mag-isa sa cabin niya kaya roon siya nakitulog. Wala naman kaso sa akin kung uuwi ako roon. I missed her too. I am very excited to see her.
Habang nag-e-empake ay nakaramdam naman ako ng pagkahilo kaya nagpahinga na muna ako. Naisip kong baka dahil iyon sa trabaho. Kagagaling ko lang ng New York noong isang linggo. I stayed there for three days, may mga inayos lang ako. I am thinking of quitting my job. Gusto ko kasing dito na lang ako sa Pilipinas. Gusto kong dito na lang magtrabaho. I've already told my bosses about my decisions and they were kind of sad about it, but they let me go. Sa susunod na punta ko roon, ay iyon na ang magiging last day ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
To Her With Love
General FictionSa unang pagkakataon sa buhay ni King Solomon Sandoval ay may ginusto siyang hindi niya kahit kailan pakakawalan. He's in love with Atty. Telulah Consunji - smitten and whipped. He is drowning with so much love for her... But every time, Telulah ch...