Solomon's
"Ano, ayos ka lang ba?"
Pauwi na kami ni Blue at hindi lang iisang beses niyang tinanong sa akin iyon. I am okay. Siguro mukhang hindi kaya hindi ko rin masisisi kung bakit tanong siya nang tanong sa akin.
"I'm good." Nagulat ako nang batukan ako ni Blue. "Aray! Bakit ba?!"
"Gago! Hindi ako si Teltel kaya h'wag mo akong sasagutin ng you're good! Ano nga! Kanina ka pa, sisipain kita riyan!" sigaw lang siya nang sigaw. Natutulig ako.
"Hindi ako okay, Blue, kasi hindi pa ako handa. Akala ko magiging maayos ako kapag nakita ko ulit siya pero noong nagkita kaming dalawa parang gusto kong magtago sa ilalim ng lupa mismo para lang hindi na kami magkatinginan. Ang hirap naman kasi, ang tagal na noon pero parang kahapon lang nangyari. Tapos, parang okay na okay na siya. Siguro, masayang-masaya na siya sa buhay niya."
"Mukha nga. Siguro may jowa na si Teltel. Baka kaya siya may welcome party kasi engage na siya. Uy, si Tel naka-move on, ikaw? Hindi? Kawawa ka naman."
Sa pagkakataong iyon, gusto kong sampalin si Blue pero pinigilan ko ang sarili ko kasi tama naman siya. Mukhang hindi pa nga ako nakaka-move on. Blue grinned at me.
"It's funny," she said.
"What?" Nagkibit-balikat siya. Hindi niya tinuloy ang sinabi niya at hindi ko na rin naman siya tinanong pa. Pareho kaming natahimik habang nagbabyahe pauwi. I was thinking about Telulah and the way she looks now. I am also bothered by the fact that Blue said all those things and it can be true. Nakakatakot – ayoko kasing malaman ang mga bagay na iyon kasi ayokong masaktan.
Love until it makes you wanna quit.
Love until it hurts.
Pero hanggang kailan ba ako dapat masaktan?
Ang tagal-tagal akong itinago ni Telulah. Tatlong taon akong nanligaw sa kanya, apat na taon kaming magkarelasyon, pagkatapos ay tatlong taon kaming nagsama sa Boston. Inalagaan ko siya, ginawa ko ang lahat para sa kanya. Hindi ko naman iyon sinusumbat sa kanya pero dumating ako sa puntong pakiramdam ko ay hindi na sapat na basta mahal na lang namin ang isa't isa.
Napagod na rin ako at nainip dahil sa tagal ng panahon na naghihintay ako sa kanya. Sampung taon akong nasa dilim pero kahit minsan, hindi ko nakitaan si Telulah ng kagustuhang isama ako sa bahay ng pamilya niya o ipakilala man lang sa Nanay at Tatay niya. I know her sister – ipinakilala niya ako. Kilala ko rin naman si Heph, magka-frat kaming dalawa pero mas ahead ako sa kanya ng isang taon. Pero maliban doon, wala na akong ibang alam sa kapatid niyang iyon.
It's sad that I felt that way. Hindi ko naman kasi naramdaman ang kagustuhan niyang ipaglaban ako. Mahal ko si Tel, and there was a moment na pakiramdam ko ay minahal niya talaga ako.
"Thanks, Mon," wika ni Blue nang ihinto ko sa tapat ng bahay nila ang kotse ko. Halos kalahating araw kami nagbyahe. Kung hindi naman kami dumaan ng CLPH kanina pa kaming alas quatro ng hapon nandito.
"Salamat din." Pababa na siya ng kotse nang bumaling siya sa akin.
"You are worth everything, Mon. Remember that. For me, you are enough."
Those were the words that I've been wanting to hear from the love of my life for the longest time. Hindi nga lang dumating.
Umuwi ako sa bahay at nag-report agad kay Daddy tungkol sa naging meeting kay Mr. Mora. Mukhang nagka-usap naman sila bago pa ako nakauwi. Pinagsabihan din ako ni Dad na h'wag nang male-late sa mga susunod na panahon lalo na kapag importanteng tao ang ka-meeting.
BINABASA MO ANG
To Her With Love
General FictionSa unang pagkakataon sa buhay ni King Solomon Sandoval ay may ginusto siyang hindi niya kahit kailan pakakawalan. He's in love with Atty. Telulah Consunji - smitten and whipped. He is drowning with so much love for her... But every time, Telulah ch...