King Solomon Sandoval's
"One... Two... Three!"
I was doing push-ups inside my room. Iyon ang una kong ginagawa pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata. I need to do that as my warm up pagkatapos ay magpapahinga lang ako sandali, maliligo at saka ko sisimulan ang araw ko.
Paano ko nga ba sinisimulan ang araw ko? Siyempre, sinisimulan ko iyon sa pamamagitan ng pagsilay sa pinakamamahal kong si Telulah Alexis. Nasa fourth year high school na siya ngayon. Same school sila ni Blue, kaya ang ginagawa ko, bago ako pumasok sa university, ihahatid ko si Blue, para naman makita ko si Telulah. Makita ko pa lang siya, masayang-masaya na ako. Buong-buo na ang araw ko. Gustong-gusto ko kapag binabati niya ako ng 'hello', o kaya man ay iyong bigla na lang siyang ngingiti sa akin kapag nakita na niya ako.
Nararamdaman kong gusto niya rin naman ako, kaya lang hindi pa pwede. Alam niya naman ang nararamdaman ko, nasabi ko iyon sa kanya noong nakaraang dalawang taon. Sinabi kong gusto ko siya at liligawan ko siya. She didn't say anything, she just smiled at me and said;
Oh, Solomon.
Siya lang ang tumatawag sa akin ng Solomon. Kilig na kilig naman ako dahil sa pagtawag niyang iyon. Feeling ko ang special naming dalawa. Iyon bang M.U. - mutual understanding - hindi malabong usapan. Pakiramdam ko naman kasi, gusto rin ako ni Telulah pero hindi pa pwede dahil nga nag-aaral pa siya, bata pa kami at marami siyang gustong marating na pangarap.
Gusto niyang maging isang magaling na abogada. Gusto raw niyang sumunod sa yapak ng Tatay niya. Okay naman iyon, ipinaalam ko agad sa kanya na suportado ko siya sa lahat ng gagawin niya. Wala naman ulit siyang sinabi, basta na lang siyang tumawa at kinurot ang biceps ko.
May biceps na ako ngayon. Siyempre, pinaghirapan kong pumayat para naman bagay na bagay kami ni Telulah. Mahal na mahal ko talaga siya.
Matapos kong maligo at magbihis - siniguro ko pa nga na maayos na maayos ang hitsura ko. Gusto kong makita ni Telulah na ako lang ang para sa kanya, na fresh ako at gwapo ako para naman hindi na siya maghanap pa ng iba. Palagi ko ngang tinatanong kay Uncle Ido kung paano maging kasing gwapo niya, kulang na nga lang hingin ko ang kagwapuhan niya kaya lang ayaw naman niyang magbigay, para lang daw sa lahi nila iyon.
Mabilis akong kumilos. Mag-aalas siete na ng umaga. Baka naiinip na si Blue kakahintay sa akin. Baka mamaya, magpahatid na siya kay Uncle Simoun, mawawalan na ako ng pagkakataong mabuo ang araw ko. Tumakbo ako pababa ng hagdan. Nagpunta lang ako sa dining area para magpaalam kay Mommy at Daddy. Nadatnan ko sila roon, si Daddy ay kausap si Tamar habang si Mommy naman ay inaayos ang uniporme ni Japet.
"Mommy, pwede ba akong magbaon ng tinapay sa school? Dalawa po. Isa sa akin, isa kay Aswell."
"Bakit mo naman papabaunan si Aswell ng tinapay? Hindi naman kayo magkaklase. Saka mamaya pa ang pasok niya. Pang-hapon si Aswell, anak."
"Kailan siya magiging mag-hapon sa school?" My brother even asked. Natatawa lang ako. Humalik ako kay Mommy at Daddy, kumuha ng isang pirasong saging at saka tumakbo na naman palabas ng bahay. Sumakay ako agad sa kotse at mabilis na pinasibad iyon hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay nila Blue. Nakita ko siyang palabas na ng gate nila. Nagpreno ako at hindi naman nagtagal ay nakasakay na siya. May kutos pa ako.
"Ang tagal mo! Malapit na akong ma-late sa first period!"
"Sorry na. Medyo tinanghali ako ng gising. Ano, kumusta ang weekend mo?"
"Boring. Next week daw uuwi kami sa CLPH. Hindi ko alam kung doon kami hanggang matapos iyong sem break."
Bigla akong naalarma. Kung uuwi sila sa CLPH, ibig sabihin, naroon din si Telulah. Kailangan ko siyang makasama roon. Kailangan kong makasama kina Blue. Gagawan ko ng paraan.
BINABASA MO ANG
To Her With Love
General FictionSa unang pagkakataon sa buhay ni King Solomon Sandoval ay may ginusto siyang hindi niya kahit kailan pakakawalan. He's in love with Atty. Telulah Consunji - smitten and whipped. He is drowning with so much love for her... But every time, Telulah ch...