eighteen ~~ Lexi

1K 20 0
                                    

Channel's POV

"So Madison....totally hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko rito..."

"Eris....na kay Sir Troy ang mga dapat mong gawin....kung ano ang sabihin niya gawin mo....."

"Ganun talaga.....lahat ba nang gugustihin niya nakukuha niya.."

"Sa totoo lang.....nakakapanibago si Sir.....I mean minsan lang siyang pumunta dito....Sa pagkakaalam ko ay hindi niya talaga gusto toh.."

"Minsan lang siyang pumunta dito at minsan na nga lang ang bilis pang umalis....."

Napatingin ako sa kanya...Alam ko na iyun pero nakakabigla pa rin.....

Pagkatapos nang mga nangyari...family dinner, ang view ng lungsod na tumatak sa isip ko.....si Casper.....Lahat ba nun ay may dahilan.....

"Eris....umamin ka nga sa akin...may something ba kayo ni Sir..."

Tumingin ako sa kanya ng deretso...

"Wala...kaibigan ko lang  na ang  hilig  ay manbuwisit...."

"Doon nagsisimula ang lahat....alam mo ba Eris....hindi sa magaling akong maghusga ay parang isa kang uri ng tao na walang kaemosyon...."

"Hindi ko yun bibigyan ng pansin dahil totoo naman...."

"Totally matagal na kitang kilala Eris....magkaklase tayo sa ilang subject noon....hindi ka makausap, hindi ka nila makasamahan..."

Napatingin ako sa kanya, naging magkaklase kami noon....Bakit hindi ko siya matandaan...ohhh oo nga....wala akong kinasasamahan except kay Eros...

"Kaya ang gaan na ng loob ko sayo dahil alam kong magagawa mo yung pagiging secretary hindii tulad ng mga nauna...."

"Kung kilala mo na ako bakit nagpanggap kang hindi mo ako kilala....I mean....kilala mo ako pero bakit ngayon mo lang sinabi..."

"Gusto ko kasing ikaw mismong makaalam na matagal na pala pero sa totoo lang kilala kita pero ako hindi mo kilala....gaya ng sinabi ko....pag-aaral lang ang atensyon mo...."

"Ngayon na alam ko na ay mas lalong naging magaan sa loob kong makasama kita dito....bilang lang ang mga kaibigan ko dahil takot sila sa akin...Ikaw ba ay natakot din kaya hindi ka lumalapit sa akin..."

"Natakot?....Medyo pero hindi naman nagtagal yun.Naisip ko noon na simpleng estyudante ka din tulad ko na nag-aaral lang...."

Napangiti ako sa sinabi niya.....

Nandito kami sa pwesto niya.Alam ni Casper na umalis ako doon pero Ok lang naman daw....

Napatingin kami sa lalaking palapit sa amin at may hawak na bulaklak pero hindi bakas sa mukha niya na parang may pagbibigyan eto....simpling hawak lang yun....

"Siya si Zero....nanliligaw sa akin.Sinabihan ko na siya na hindi pwede pero patuloy parin.Naappreciate ko naman ang mga pinaggagawa niya pero sadyang may iba nang nauna....."

Napatingin ako sa kanya.Yung bodyguard ni Casper...minsan ko nalang syang nakikita...may gusto pala ito kay Madison....

"Sino naman ang nauna....ex-boyfriend ba?"

Napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Oo...at kilala mo yun.."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.Kilala ko....

"Ano ibig mong--"

"Para sayo Madison..."

Napatingin sa akin si Zero, hindi ako ngumiti at gayin din siya...Siguro pareho lang kami...

"Aalis na ako....gusto ko lang na iabot sayo...."

"Salamat..."

Ganun lang iyun.Pagkaabot ay alis agad.Siguro sadyang ganun talaga siya...

Pinanood lang namin siyang makalabas sa building...Pero ang hindi ko maipaliwanag kung bakit nandito si Eros....

Palapit siya sa amin...Nung makalabas si Zero ay sumunod siyang pumasok....

Wala siyang dalang kung ano...parang wala lang na pumasok siya..


"Bakit nandito ang mokong?" Sabi ko na nakatingin lang sa kapatid ko na ngayon ay nasa harap ko na...

Napatingin ako sa orasan at nang makitang maaga pa naman ay parang gusto kong bumili ng kape....

"Madison....aalis muna ako..kung tinanong ako ni Cas--ni Sir ay sabihin mong bumili lang ako ng kape...."

"A-Ako nalang ang bibili..." sabi ni Madison...Bakit parang hindi siya mapakali...

"Mukha kang tense diyan...Ako na noh....o siya aalis na ako..."

"Hi Sis!!!!"

"Talk to my hand..." sabi ko at dumeretso na sa palabas....

"Kala mo kung sino..." rinig ko pang sabi niya.Umangat lang ang isang kanto ng labi ko...

Hindi na ako nagkotse pa at tungkol naman sa kotse ko ay naayos na.Si Zero pala ang lalaking nagpaayos, hindi ko nahalata....

Well..gaya ng sabi ko ay hindi na ako magkokotse dahil malapit lang naman....

Nang makita ko na ang isang coffee shop ay agad na akong pumunta doon at pumasok....

"Hi good morning ma'am !"

Ngumiti lang ako sa kanya.Napapansin ko ngayon sa sarili ko na hindi na ako ngumingiti ng pilit....

"Isang cappuccino at chocolate cake lang"

"Coming right up!"

Ngumiti lang ako ulit at hinintay ko na sa mismong counter ang order ko.Nang maabot na sa akin yun ay agad kaong naghanap ng table na pangsingle lang pero nukhang wala na kaya umupo nalang ako sa pandalawahang tao.

Nagsimula na akong kumain ng chocolate cake.Masarap sa pakiramdam na itong kinakain ko ay sa sarili kong pera na...Kakabigay lang ng sahod nung mismong umaga .....Hindi ko nga inexpect na ang taas pala nang sahod kapag Secretary ka....

Kaya nabibili ko na ang gusto ko.

Napatigil ako sa pagsubo ng may basta nalang umupo sa harapan ko na wala man sabi o paramdam man lang...

"Hi!...." sabi niya.May order din ito.Napatingin ako sa kanya.Siya....

Hindi ko siya makakalimutan..yung babaeng nagwala doon sa office ni Casper...

"Hmm...I'm Lexi Loreen "

Tinaas niya pa ang kamay niya para makipagshake hands pero hindi ko yun inabot kundi tumingin ako sa paligid.Kita ko ang pagtaka sa mukha niya dahil hindi ako nakipagshake hands sa kanya....Sa totoo lang ay ayaw ko talaga....

Binalik niya na sa mesa ang kamay niya at hinawakan ang inorer niya...

"Anong tinitingin mo sa paligid..."

"Nagtitingin ako kung wala na bang table kaya dito ka nakitable pero mukhang unti palang ang customer dito...."

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sayo kung sino ka man...."

"Eris...."

"Hmmm....bagay sayo....mukhang tagabura ng may relation sa iba..."

"Joke na yun....sayo nga pangpornstar ehh"

Nakita ko ang galit sa itsura niya pero hindi naman yun nagtagal ay ngumiti siya....

"Hmmm....i like you...mukhang palaban...."

"Sorry pero kabaligtaran sayo ang tingin ko....."

Mukhang may kakaabalahan ako dito.....Hmmm....sino ba talaga itong si Lexi?.....

CS2: My Ice Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon