Channel's POV
Nakatingin lang ako sa ceiling dito sa cubicle ko.Umuwi na kaming dalawa kahapon.At ngayong araw ay balik trabaho na.Kahit si Madison ay nagtaka kung bakit ang dali naman ng bakasyon daw.Inexpect niya na isa o dalawang linggo daw kami doon..
Halos hindi kami nag-uusap ni Casper pagkatapos ng nangyari.Nag-uusap lang kami pero about din sa trabaho.Wala nang iba pa.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay wala nang kibuan.Talagang binibigyan niya ako ng oras para pag-isipan ko yun...
Agad kong kinuha ang purse ko at lumabas muna.Chinat ko si Casper na magmimiryenda lang ako sa labas..online kasi siya kaya sinabi ko yun.Hinintay kong maseen niya yun at nung nakita kong 'typing' ay talagang hinintay ko...pero ang nakakabaliw lang na sinabi niya ay..
Ok.....
Kaya agad na akong lumabas.Ayaw ko munang siyang makita...Ewan ko kasi yun lang sinabi niya..sana yung emoji nalang yung ginamit niya...
Nakakaasar lang....well..Agad na akong bumaba.Habang nasa elevator ay agad ko ng iniisip ang bibilhin ko.
Siguro simpleng chocolate cake nalang ulit at cappuccino....
Nang nasa baba na ako ay agad na akong lumabas doon.Binati ako ng ibang employee na nakakasalubong ko kaya ngumingiti lang ako.
Nang nasa labas na ako ay agad akong nagtaka dahil may nakapark doong sasakyan na pamilyar sa akin....
"Hmm...bakit nandito yung kotse ni Eros.?.."
Huminga muna ako ng malalim at saka ngumiti ....ewan ko oang pero parang may kaba akong nararamdaman pero hindi ko alam kung bakit.Feeling ko ay may masamang mangyayari kaya ganito....pero ayoko munang isipin....
Agad na akong naglakad dahil malapit lang dito ang coffee shop na bibilhan ko.Mga ilang lakaran lang ay nandoon na ako...
Habang naglalakad ay may napansin akong batang lalaki na nasa tabi.Mukhang pulubi dahil marumi siya at nangmamalimus sa bawat dadaan.Nakita kong tinulak siya nung babae nang lumapit ang batang lalaki.
Agad akong naalarma.Bakit niya tinulak...Nakita kong may gasgas ang bata sa tuhod at parang pinipilit niyang huwag umiyak.Kaya agad akong lumapit.
"Masakit ba yung sugat mo?"
Umiling siya pero alam kong masakit yun.Binuksan ko yung purse ko at may panyo ako doon kaya agad kong pinunasan ang gasgas niya ng dahan-dahan ...
May nilagay akong band aid doon sa may hindi namang ganuung kalaking gasgas.
Napatingin ako sa bata na nakatingin lang din sa akin.Mukha siyang half-half...yung hindi siya Pure Filipino...
Napatingin ako sa gilid na may gripo kaya agad akong lumapit doon at binasa ang panyo ko.
Lumapit ako sa bata at pinunasan ko siya para mawala ang dumi niya sa mukha,braso at paa....
"Nagugutom ka ba?"
Tumango lang siya kaya agad kong hinawakan ang kamay niya at sinama ko siya sa coffee shop...
Agad ko siyang pinaupo sa upuan.
"Dito ka muna ahhh...oorder lang ako nang makakain natin ok?"
Tumango siya at ngumiti sa akin.Napangiti din ako sa nakita ko.Nakakawala ng badvibes ang nguti niya.Nung kasama ko si Scarlett noon ay hindi ko gusto ang mga bata...Ewan ko lang ngayon....malaki na ang pinagbago ko.ngayon ko lang naappreciate ang mga bata....basta!
Agad na akong lumapit sa counter.Nag-order ako ng isang cappuccino at dalawang chocolate cake,isang chocolate juice, may napansin ako na burgers na nakadisplay din doon...
"Available din ba yan?" Turo ko doon.Tumango naman yung babae kaya nag-order din ako doon.
Nang nakuha ko na ay agad na akong pumunta sa table ko.Habang naglalakad ako.doon ay napapansin kong parang hinihila nung guard ang bata kaya nagmadali ako...
"Umalis ka dito, bawal ka dito!" Nakakapit yung bata doon sa table kaya hindi siya maialis nung guard at umiiyak na ito...
"Hey!" Sigaw ko doon.Agad akong lumaput at binaba ang order ko sa mesa.Agad kong hinawakan ang bata.
"Bakit mo siya pinapaalis..Kasama ko siya dito.."
"Sorry ma'am...akala ko basta nalang pumasok na pulubi...."
"Purket na ganito na ay pinapaalis niyo..."
Hindi nalang nagsalita ang guard at basta nalang umalis.Tssk...walang respeto.
Agad akong napatingin doon sa bata na nakayakap na sa bewang ko at umiiyak.Buti nalang at may tissue dito.Agad akong kumuha ng isa at pinunasan ang mga luha niya.
"Hush now....wala na siya...geh na wag ka nang umiyak.." agad naman siyang tumahan at napatingin sa akin...
Pinaupo ko na siya sa upuan at inabot sa kanya ang pagkain niya.
Habang kumakain ay sinimulan ko nang magtanong sa kanya..
"Sino ka pala?"
"Jacob po"
"Ahh...ako pala si Eris...Ate Eris...."
"Ate E-Eris..."
"Yup...amm...ilang taon ka na?"
"7 po..."
"Ahh...bakit ka nasa kalsada pala"
"Kasi umalis ako....inaaway nila ako.Wala na sina mommy at daddy.May kumuha sa akin tapos pinapatrabaho ako tapos di nila ako pinapakain...."
"Ahhh...sige...pagkatapos mong kumain ay doon ka muna sa bahay ko tapos aasikasuhin natin yung sayo ok?"
"Opo." Sabi niya na may ngiti na sa labi...
Habang kumakain siya ay nag-online na ako.May napansin ako sa post na nakatag si Casper....Si Lexi Loreen...
Nakalagay na caption ay....official girlfriend..
Tapos may picture na may singsing siyang suot at ang kuha ng picture ay sa office ni Casper dahil nakita kong nandoon si Casper na nakaupo sa desk niya at may sinusulat...
Bigla ako nakaramdam ng sakit pero hindi ko muna pinansin....
Nang matapos na kami ay agad na akong lumabas sa coffee shop kasama si Jacob at naglakad na kami pabalik na doon.Naabutan ko si Eros na paalis na sana nang tinawag ko siya...
Ipapasabay ko muna si Jacob sa kanya...Kinuwento ko sa kanya muna lahat at mukhang naintindihan niya at siya pa na mahilig sa bata at mukhang magkasundo na silang dalawa...
"Ako si kuya Eros..."
"Kuya Eros...."
"Yup yun nga...hahaaha...ampunin ko na siya hahahha" sabi pa ni Eros sa akin.Napangiti nalang ako.Agad na silang umalis at ako naman ay pumasok na.
Habang nakasakay sa elevator ay agad akong nakaramdam ulit na kaba.Ewan ko ba.....
Napansin kong bukas ang glass door ni Casper.Ewan ko ba pero lumapit ako doon at medyo binuksan at sumilip.Ganun nalang ang pagkagulat ko sa nakita ko..
Si Casper at Lexi ay naghahalikan.Kita ko ang hindi pagpiglas ni Casper dahil nagkikipaghalikan siya.... Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko.Agad akong umalis sa pwesto ko at umalis na si mismong lugar na yun.Agad akong lumabas ng building at dumeretso ako sa kotse ko....
Tama lang na hindi ako sumagot dahil alam kong hindi naman yun totoo....tama lang na ganito.....tama lang toh..
Pero hindi parin humihinto ako sa pag-iyak na kinaiinis ko...tama na....please....
Pero hindi parin mabura sa isip ko....ang hirap....
......
BINABASA MO ANG
CS2: My Ice Princess
General FictionClarkson Series 2.. CHANNEL ERIS CLARKSON JOHNSON Beautiful... Sexy... Rich.. but at the same time... cold... cold heart... cold mind.. cold soul... Nagsimula ang pagiging cold niya simula pagkabata.Ganun na siya kaya sanay na ang nakakarami sa kan...