CHAPTER 1 (Part 1)
-April 2017-
IT WAS a cloudy night. Parang babagsak na ang ulan. Makikisama pa yata ang panahon sa kung ano man ang mga nangyayari sa mga oras na 'yon sa kanilang bahay.
Bumaba si Violet sa taxi. Anger was evident on her face because of what she witnessed. Bumaba rin sa kotse ang asawa niyang si Red. Sumunod pala ito sa sinakyan niya.
"Violet, mali ang iniisip mo. Makinig ka sa'kin." Narinig niyang sabi ni Red. Hinabol siya nito papasok sa kanilang bahay.
"I saw it with my own eyes, Red. 'Wag mong ikaila. So, that's what taking you so long, huh?!" she said facing her husband.
"'Yon ba ang pinagkaka-busy-han mo? Busy kang makipaglampungan sa sekretarya mo," she continued.
"I tried pushing her away. Pero, ---"
"You should've tried harder to stop her. Pero, hindi eh. Ginusto mo rin," she said before Red could finish what he was saying.
"Masaya ka na ba na pinagmumukha mo akong tanga, 'no?"
Pagkasabi no'n ay umakyat na siya sa kanilang kwarto. Sinundan naman siya ng kanyang asawa. Binuksan niya ang aparador. Itinapon niya ang kanyang mga damit sa kama. Kinuha niya ang maleta at inilagay ang mga damit dito.
"Makinig ka sa'kin, Violet, " pagsisimula ni Red.
'Di pa rin siya tumitigil sa pag-e-empake.
"Kung tungkol ito sa mga pambabae ko noon, that was before. I've changed. Hindi ka pa rin ba naniniwala?"
Tumigil siya sa kanyang ginagawa. Hinarap niya ang asawa at nagsabing, "Nagbago ka na? Ano 'yong nakita ko?"
Sandaling katahimikan. Hindi makaimik ang kanyang asawa. But, she decided to break the silence.
"Hindi mo naman ako mahal. 'Di ba?" tanong niya dito. She couldn't help but cry after asking that question.
"I thought tapos na tayo sa isyung 'yan. Hanggang ngayon ba nag-da-doubt ka pa rin sa pagmamahal ko sayo?" he replied.
"Oo, Red. We were just arranged to be married because of business. At dahil na rin nabuntis mo ako," umiiyak pa ring sabi niya. Mataman siyang pinakikinggan ng asawa.
"Pero, ako...," tinuro niya ang sarili. "...mahal kita."
"I'm sorry," Red said sadly.
"Why are you saying sorry? Dahil hanggang ngayon ba, siya pa rin?"
Pinunasan niya ang kanyang luha, "Alam ko na. Ginagawa mo 'yon para saktan ako. Na kung 'di dahil sa'kin, hindi ka niya iniwan. Na sana kayo ang magkasama ngayon."
"Putangina, Red!" Hindi siya palamura ngunit hindi na niya napigilan ang kanyang bibig. "Ang tagal na no'n! Ang tatanda na natin. Kasal na tayo at may mga anak. Why can't you just move-on?"
Tumalikod siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Red hugged her from the back. But, she removed his arms encircled around her waist.
"Hindi ka makasagot dahil totoo naman ang mga sinabi ko," malungkot na sabi niya nang hindi humaharap dito, continuing what she's doing.
"It's not what you think," Red said.
"Itigil mo nga 'yan," sabi pa nito sa kanya. Pinipigil siya sa pagtatanggal ng mga damit na inilalagay niya sa maleta.
"We can settle this. Let's talk about this when you have cleared up your mind. For the sake of our children."
BINABASA MO ANG
Streak of White Light (Ongoing)
General FictionHow could a person who had been spending his life with colors deal with seeing the world in shades of gray? √√√ "A spectrum of light in the sky, I saw. Up high appeared a rainbow. It was once a beautiful thing to me. Now, I see it in a different way...