CHAPTER 3
Photograph
____________________________________GUMISING ako nang maaga dahil maaga rin ang first class ko. I took a bath and then wear something comfortable. Walang uniform ang university namin.
Speaking of clothes, in my drawer and closet, everything's grouped according to colors. Para 'di ako mahirapan. Also, to prevent odd and mismatched colors. I don't want to be a laughingstock.
Bumaba na ako. Naabutan ko si 'Nay Carmen sa kusina.
"Good morning, anak. Aga mong nagising, ah. Heto ang almusal. Kumain ka na," bungad niya sa'kin.
Anak ang tawag niya dahil 'yon na ang turing niya sa akin. Sa aming magkakapatid. Parang pangalawang ina na rin namin siya. Matagal na siyang nagsisilbi sa pamilya namin mula pagkapanganak kay Ate kaya't napamahal na kami sa kanya.
"Salamat po, 'Nay Carmen. Mapapadami naman ang kain ko nito dahil sobrang sarap ng mga luto niyo," I said and smiled.
I spoke it with all honesty. Alam kong masarap ang luto ni 'Nay Carmen. Ang problema ko'y kapag tinitingnan ko ang mga ito. It looked disgusting in my eyes, but it tasted good. Could you imagine how awful it is to eat when you see the food in shades of gray? Sa katagalan ay sinasanay ko na rin ang sarili ko. Don't mind the appearance, what matters is the taste.
"Hay naku. Ikaw talagang bata ka. Nambola ka pa," she said. That ended my train of thoughts about leaden food.
"Hindi 'yon bola, 'Nay. Totoo kaya 'yon."
Nararamdaman kong parang may gusto pang sabihin si 'Nay Carmen. I know what it was about. She just didn't want to speak.
"'Nay Carmen. May gusto ka pa bang sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Ah. 'Yong tungkol kagabi. Narinig kasi kita," panimula niya.
'Sabi ko na, eh.'
"Alam mo, anak. Naiintindihan ko bakit gano'n na lamang ang pakikitungo mo kay Sir Red. Hindi sa pini-pressure kita na patawarin siya, pero matagal na 'yon, anak. Panahon na rin siguro na mag-let go ka. 'Yong galit na 'yan. Masamang magtanim ng galit. Bitiwan mo na 'nak. Masasaktan ka lang 'pag mas hinihigpitan mo ang hawak mo sa isang bagay na nakakasakit sayo. Mabigat din 'yan sa pakiramdam. Para magkaroon ka na rin ng peace of mind, kumbaga."
I smiled as a way of appreciating her words. "Thank you, 'Nay."
Ngumiti rin siya sa akin. Sa totoo lang, na-appreciate ko naman talaga ang effort nina Mom at 'Nay Carmen. Siguro nga 'di pa 'to ang tamang panahon para magkaayos kami ni Dad.
Maya-maya'y dumating ang bunso kong kapatid kong si Skyler Indigo. Pero, mas gusto ko siyang tawaging "Diggy". He's nine years old now.
"Good morning, Diggy," bati ko sa kanya.
He frowned at me. "Wala nang good sa morning ko. Why do you keep on calling me Diggy, Kuya? You sounded like my annoying girl classmate. You can call me Skyler or Sky or Kyle or Kyler," sabi niya. He enumerated using his fingers that I should call him.
"What's wrong with Diggy, huh? Everybody in this house is calling you names that you've just enumerated. I want to call you differently," I said.
"Wait. Did I hear it right? There's a girl that you find annoying. Baka naman crush mo lang 'yon," I teased him.
"Crush? No way. Basta ayokong tawagin mo akong Diggy," he said, surrendering.
"Sige. Kumain na lang baka mamayat ka," pang-aasar ko pa lalo sa kanya. Medyo chubby kasi siya. Pinisil ko pa ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Streak of White Light (Ongoing)
General FictionHow could a person who had been spending his life with colors deal with seeing the world in shades of gray? √√√ "A spectrum of light in the sky, I saw. Up high appeared a rainbow. It was once a beautiful thing to me. Now, I see it in a different way...