John Andrew's POV(Point Of View);"Mga anak pupunta tayo sa probinsya mamaya bibisitahin natin ang lola nyo" sabi samin nila mama at papa kaya dali dali kaming pumunta sa aming mga kwarto at naghanda ng mga gamit na dadalhin sa probinsya. Aming hinanda ang mga gagamitin namin sa isang buwang pananatili sa probinsya.
;tinawag na kami nila mama at papa upang sumakay sa sasakyan namin"Mga anak halina at baka gabihin pa tayo sa byahe pag nagtagal pa tayo dito"sabi nila,"opo,papunta na po kami dyan"sabit ko sakanila habang nakadungaw ako mula sa aking kwarto.
;Pag punta ko sa sasakyan ay agad kong inilagay ang mga gamit namin ng kapatid kong lalake na si Julian at sumakay na sa aming sasakyan hapon na din kami nakaalis dahil isusupresa namin si lola sa umaga sa pagdating namin kaarawan kase ni lola kaya nais sana namin syang isupresa. Hapon na kami nakaalis sa bahay dahil sa sobrang naming ginawa bago umalis.
;Kinagabihan ay tumigil muna kami sa isang One Stop Shop at duon ay kinain namin ang aming mga dala na pagkain habang pinapagasolinahan ni papa ang aming sasakyan pagkatapos naming kumain sinabihan na kami nila mama at papa na sumakay dahil malayo layo pa ang probinsya namin sa one stop shop na aming hinituan.
;Dahil sa pagod ko at hilo sa byahe ay nakatulog ako sa aming sasakyan. Ginising na lamang ako nila mama at papa dahil nakarating na daw kami sa aming probinsya. Pag dating namin sa tapat ng isang sign na ibig sabihin ay end road ay agad naming binaba ang aming mga gamit at binitbit papunta sa bahay nila lola. Madaling araw kami nakarating kaya medyo madilim pa ang aming mga dinaanan.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
End Of Chapter.