Chapter 5:The Truth

21 1 1
                                    


John Andrew's POV(Point Of View)

;Tanghali na ng matapos ang pagkekwento ni lola samin kaya pagkatapos niyang magkwento tungkol sa Ecnhanted Forest ay agad kaming kumain. Sa hapag kainan ay hindi ko mapigilang isipin kung ano talagang nangyare sa mga best friends ko kaya nung natapos ako ay agad akong pumunta sa baranggay hall kung asan yung mga posters ng mga nawawalang bata sa lugar namin.

;Isa isa kong tinignan ang mga poster hanggang makarating ako sa bandang dulo doon ay nakita ko ang mga poster nila Harry at Ivy na agad kong ikinagulat kasabay nito ay ang pag agos ng mga luha sa mga mata ko. Nakita ako ng isang lalake "Oy bata,bakit ka naiyak? Kilala mo ba ang mga batang iyan?" tanong nya sakin "opo mga kaibigan ko po sila" sagot ko sa kanya "ang mga batang iyan ay matagal ng nawawala,bata" sabi nya na pinagtaka ko " kailan pa po sila nawawala" tanong ko sa lalake at agad itong yumuko at bumulong "limang taon na silang nawawala" sambit nya sakin.

;Sa sobrang lungkot na nadarama ko ay pumunta ulit ako sa dating playground na pinaglalaruan namin. Doon ay muli kong tinignan ang aking kwintas at agad na bumalik sakin ang mga ala-alang andito kami at nagsasaya pitong taon ang nakalipas. Dahil dito naisip kong pumunta sa Echanted Forest at puntahan sila Harry at Ivy dun at iligtas. Mga maliliksi naman yung mga yun kaya nakasusiguro akong buhay pa silang dalawa.

;Pagkauwi ko ay hapon na at sila ay nagmemeryenda na agad nila akong kinawayan dahil nakita na nila ako sa hindi kalayuan at inayang mag meryenda. Pagdating ko ay agad akong tinanong nila mama at papa "Saan ka galing anak?" tanong nila "diyan lang po sa dating playground tumingin sa mga nakatanim na mga bulaklak at iba't ibang mga halaman" sagot ko.

;Pagkatapos naming mag meryenda ay agad akong nilapitan nila tito sabi nila "John wag na wag kang pupunta sa kakahuyan lalo na pag malapit ng magdilim" sambit nila kita sa mga mata nila ang pag aalala sakin kaya sumagot na lamang ako "opo tito"

;Kinagabihan, kami ay naghapunan sa labas ng bahay ni lola. Hindi parin maalis sa isipan ko kung "pano ako makakapasok sa enchanted forest at ano ang itsura nito?" kaya nang matapos kami sa pagkain ng hapunan ay nilapitan ko si lola at tinanong "lola ano po ba ang itsura ng Enchanted Forest?" tanong ko ngunit wala syang sinagot naisip ko siguro wala pang nakakalabas sa Enchanted Forest mula noon.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
End Of Chapter.

The next part is in the other book
I will publish

Three Best Friends In The Enchanted ForestWhere stories live. Discover now