Chapter 3:My Best Friends

11 1 1
                                    


John Andrew's POV(Point Of View)

;Hindi ako bago sa probinsya namin dahil dinala na ako nila mama dito noong pitong taong gulang palang ako kaya may mga kakilala akong mga naging kaibigan ko dito noon

(Throwback)

;Dahil naninibago ako sa probinsya namin ay di ako masyadong naglalabas ng bahay dahil wala rin akong kaibigan dito. Di rin nagtagal ang kawalan ko ng kaibigan dahil may pinakilala sakin ang tito Chris ko sila si Ivy at Harry na naging Best Friends ko mula nung pinakilala ako sa kanila ay lagi na akong lumalabas ng bahay ni lola at araw araw nasa galaan kasama sila Harry at Ivy.

;Natigil yun ng kailangan na naming bumalik sa syudad dahil pinababalik na si papa sa trabaho nya kaya naghiwalay kaming tatlo nila Harry,Ako At Ivy pero bago ako umalis ay may iniwan ako sa kanila mga kwintas na sumisimbolo sa aming pagkakaibigan dahil dun nangako akong babalik sa probinsya namin upang mabuo ulit ang aming samahan nila Harry,Ako at Ivy.

(End Of Throwback)

;Sa party ay suot suot ko ang aming kwintas na tanda ng aming pagkakaibigan. Lagi kong natatanong sa sarili ko kung "kamusta na sila" at ngayon may pagkakataon na ulit akong makita sila. Habang nagkakasayahan ang ibang mga tito at tita ko ay tinanong ko si tito Chris kung asan na sila Harry At Ivy ngunit wala syang sinagot at umalis na lamang si tito sa kwarto ni lola kung saan kami nagusap.

;Nagpaalam ako kay mama na may pupuntahan lang ako saglit at pinayagan nya ako kaya dali dali akong bumalik sa lugar kung saan lagi kaming naglalaro dati ang dating playground na ngayon ay isa na lamang open area na simentado at may mga upuan sa bawat gilid nito.

;Sa isang upuan ay umupo ako tinignan ang kwintas na suot suot ko at ilang saglit lang ay lumuha ako ng di ko namamalayan. Sa sobrang tagal kong nanahimik at umiiyak sa upuan ay di ko namalayan ang oras malapit na palang maghapunan agad agad akong umuwi sa bahay ni lola. At doon nakita ko sila mama at papa na naghihintay sa labas at mukhang alalang alala sa akin.

;Tinanong nila ako kung saan ako galing sabi ko"doon po sa dating playground"sagot ko "Anong ginawa mo dun anak?" tanong nila mama at papa na di na lang ako nakaimik sa sobrang lungkot na aking nararamdaman. Nakatulog na lamang ako noong gabi na iyon habang iniisip kung asan ang mga best friends ko at kamusta na sila.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
End Of Chapter.

Three Best Friends In The Enchanted ForestWhere stories live. Discover now