Chapter 2
"Nagustuhan mo ba?" nakangiting wika ni Kara sa kaharap, napatango na lamang si Sujero sa babae ,kasalukuyan silang nasa mamahaling bar, maganda ang lugar ,welcoming ang ambiance at napaka cozy ...
"Sya nga pala, ba't bigla ka atang napa-dalaw?, hindi ba nagtaka ang Papa mo?" bigla ay tanong ni Sujero, sabay inom bigla ng drinks na inorder nya ..
"Na- miss kase kita", nangiting sagot ng dalaga, muntik pang maibuga ni Sujero ang laman ng bibig, sinulyapan nya ang kaharap ..
'Dios ko po seryoso sya!
"Ikaw naman, nakakatuwa ka talaga!" bawi ni Sujero ..
Si Kara ay anak ng isang heneral sa Pilipinas ,kaya di nya ito
basta-basta maitataboy na tan-tanan sya ,hindi naman ito pangit .. sa katunayan ay mukha itong manika, napaka-cute bukod doon napaka-kulit din, maputi-makinis mahahaba ang pilik mata ,kahali-halina, hindi ito matangkad sa katunayan 5'2 lamang ito, kaya lang parang kapatid lang ang tingin nya dito, dahil bukod sa 9 taon ang tanda nya dito, 19 years palang ito samantalang sya 28 na ..Isa pa di sa pagyayabang, pero pag pinatulan nya ang kahibangan ng dalagang ito tiyak maf-firing squad sya, habulin pa naman sya ng babae ,and knowing na General ang ama nito, baka pag-nagkamali sya bigla nalang syang ulanin ng bala!
Attractive naman ito, pero wala syang maramdamang kakaiba para sa dalaga ...
"Sujero! hindi ako nagbibiro ..
sa tingin mo ba gagastos ako ng pamasahe mula pinas hanggang Japan para lang makita ka, and to end up na pagbibiro lang pala ang gagawin ko dito?" wika ni Kara ..Napangiti ng alanganin si Sujero lalo na ng magtanong muli ito, muntik pa syang mahulog sa kinauupuan ..
"May dahilan ba para layuan kita?" seryosong tanong ng dalaga ...
"Hindi ba ako maganda?, Don't you find me attractive?" dugtong pa nya ... naguguluhang hinarap ni Sujero ang dalaga,
"Teka lang, ano bang gusto mong sabihin?""Ah, w-wala naman," sagot ng dalaga ..
"Uy, paakyat na yung singer sa stage !" bigla ay iba nito sa usapan ..
Whew!, buti nalang gumana yung style nya .. "dahilan para layuan ..?",
Presto!, kailangan nyang gumawa ng isang magandang dahilan para layuan sya ng dalagang ito!"Ang lamig ng tinig nya ..
sana ganyan ang boses ko,
-wait, she look like Filipina ah?"
commento ni Kara, dahilan para mapasulyap si Sujero sa may-ari ng tinig ..Napataas ang boses nya kasabay ng pag-arko ng makapal nyang kilay ..
"Erika? manghang sambitla ni Sujero.
Napalakas ata ang tinig ni Sujero
kaya't napa-linga si Erika sa table na kinaroroonan nito, hindi sya pinansin nito sa halip ay inirapan pa sya,"Magka-kilala kayo?" si Kara.
"Hindi, nagkamali ako, akala ko kakilala ko ... kamukha lang pala nya .." wika ni Sujero ..
Natapos ang isang awit ni Erika,
"Good evening everyone, anyway the next song is one of my favorite!, entilted ..It must have been love ,enjoy the night! here it goes .."
pumailan-lang ang musika saka nya tuluyang sinabayan ..lay a whisper
on my pillow ...Pasimpleng nakinig si Sujero, tsaka lihim na nagcomento
"Great, Nice, Sweet, Awesome."
Great!, magt-two A.m na, antok na antok na sya ,papasok pa sya bukas sa restaurant.
Palabas na sya sa Bar ng bigla ay may nagsalita sa tabi nya .."Ayos rin ang trip mo ah?, waitress sa umaga entertainer sa gabi, ano pa? may iba ka pa bang pinagkakaabalahan? baka na-try mo na ring magconstruction worker?" pamilyar ang tinig ,galing sa isang presko at mayabang na tao .. sino pa nga ba- si Sujero ..
YOU ARE READING
Substitute Girlfriend
Short Story"We both don't believe in love at first sight ,in fairytales ,and if there still an existing prince charming or happy ending, but still ,one thing remains .. were both hoping to be inlove at the right person at the right time."