Chapter 5

21 0 0
                                    

Chapter 5

May ngiti sa labing nagbalik si Sujero sa hotel, may tao pa syang kailangan pasalamatan ..

Ngunit laking gulat nya ng buksan nya ang pinto, nakaempake na si Erika, at sa hindi nya maintindihang dahilan ay lumuluha ito.
Nagmamadali  ito paalis,

"Anong problema?, anong ibig sabihin nito?" naguguluhang usisa ni Sujero ..

"Kailangan ko nang umalis, tapos na rin naman ang trabaho ko sayo di ba?, nagawa kong mabuti, papayagan mo naman ako diba?" wika ni Erika ..

"Teka- hindi ko maintindihan?, magce-celebrate pa tayo, di'ba?"
hawak na ni Sujero ang magkabilang balikat ng dalaga.
"hindi na pwede, mahuhuli na ako!, kailangan ko ng umalis!"  umiiyak na sigaw ni Erika.
Natigilan si Sujero ....

"Pero bakit nga?..."
"Naaalala mo ba yung kapatid ko? Yung e-kwenekwento ko sayo?" wika ni Erika habang pinipigilan ang sarili sa paghikbi.

Buong atensyong nakikinig si Sujero.
"Isang buwan na syang comatose, hindi nila sinabi sa'kin, wala akong kaalam-alam!!, at ngayon tumawag ang tito ko, naghihingalo na sya at hinahanap nya ako!!! Sujero, kailangan ako ng kapatid ko! Kailangan ko ng umuwi!!,
Please ...pauwiin mo na ako??" pagmamakaawa ni Erika.

Walang nagawa si Sujero, naka-alis si Erika sa oras ding iyon. Ni hindi sya nakapagpaalam sa dalaga, hindi rin nya nasabing salamat sa lahat. Marami syang planong gawin, hindi nga lang napagbigyan ng pagkakataong mangyari. Hindi nya alam kung ilang oras na syang paikot-ikot sa loob ng kwartong iyon. Nabigla sya, kanina lang masaya silang dalawa ..

Kanina lang naisip nyang maging maayos na ang lahat ..
Pero hindi nya naisip na biglang mangyayari'to, mahilig syang manggulat, pero hindi nya akalaing sya ang mabibigla ngayon. Sa isang iglap lang wala na si Erika. Natigilan si Sujero, napatingin sa bukas na pintong nilabasan  ni Erika.

Ilang oras na ang nakalipas. Ngunit tila flash back sa isipan nyang nakita ang anyo ng dalaga habang nagmamadaling palabas'dun. Napakagat sya ng labi. Nakakainis wala syang nagawa. Ni hindi kinuha ni Erika ang pera na sana ay kapalit ng ginawa nito sa kanya.

Mag-iisang buwan na ang nakalipas, natutuwa sya sa improvement ni Mico.
Unti-unti na itong bumabalik sa dati, pero mukhang matatagalan pa bago ito, tuluyang gumaling.
At tungkol kay Sujero, wala syang ibang choice kundi kalimutan ito. Bagamat sigurado syang mahirap gawin iyon, kailangan nyang maging practical, isa pa pera ang bubuhay sa kanila at hindi ang lintek na pag-ibig na'yan.
Paminsan-minsan bumabalik parin sa ala-ala nya ang sinabi ni Kara- "pera lang ang habol mo,'isa kang opportunista!"- isa yun sa dahilan kaya't nagpumilit syang umalis nang araw ding yun. Wala syang kinuha ni isang duling na pera kay Sujero.

Tama na siguro yun, para patunayang mali ang inaakala ni Kara sa kanya. Hindi nya kakalimutan ang magandang alaalang iniwan ni Sujero sa kanya ..

"Sujero" pukaw ng matandang lalaki sa binata, ang ojiisan ni Sujero, si Ionomori Reota.
"Masyado ka atang nag-iisip ng malalim nitong mga nakaraang araw, Apo. May problema ba?"
umiling ang binata.

"Matamlay ka, hindi ka naman ganyan dati, sya nga pala, nasaan na ang babaeng sabi mo'y pakakasalan mo?, di na sya dumadalaw rito. Wala na bang matutuloy na kasalan?, sayang naman, magaan ang loob ko sa batang iyon .." nanghihinayang na wika ng matanda ..

"Napansin nyo rin pala." buntong hininga ni Sujero.

"Lo, may sasabihin ako sa inyo, pero baka matawa lang kayo .." seryosong wika ni Sujero.
Mataman syang tiningnan ng matanda ..

"Si Erika, ay di ko totoong girlfriend or fiancee o ang babaeng pakakasalan ko.
Lahat ng sinabi ko sa inyo ay tinahi-tahing kwento't kasinungalingan. Hindi sya mayaman, wala syang pera sa bangko, hindi rin bussinessman ang papa nya ang totoo pareho ng wala ang mga magulang nya. Hindi sya nabubuhay na parang prinsesa. Malayo sya kung ikukumpara kay Kara. Nagsisipag sya at nagsisikap, pinaghihirapan nya ang bawat salaping kinikita nya dito sa Japan, kaya nung nakilala ko sya sinamantala ko ang pagkakataon para pilitin syang magtrabaho sa'kin at magpanggap bilang fiancee ko ..

Kinuha ko sya dahil komportable akong kasama sya pagdating sa pag-arte, alam ko ring maliit ang porsyentong magka gusto sya sakin, dahil una sa lahat hindi sya naniniwala sa tunay na pag-ibig at hindi nya hahayaang mahulog ang loob nya sa akin.
Pero nagkaproblema nung umalis na sya ....."
di maituloy na wika ni Sujero, nagulat sya ng pumailanlang sa ere ang malakas na tawa ng matanda, hindi na nya kailangan pang itanong kung bakit, alam na marahil ng matanda kung anong ibig nyang sabihin ..

"Ito ang unang pagkakataon na ginawa mo ito sujero, walang duda, seryoso ka nga isa lang ang masasabi ko, ni minsan hindi kita tinuruang maging matapobre. Hindi kita didiktahan, malaya kang gawin ang gusto mo." aliw na wika ng matanda.

"Pero hindi ganun'kadali iyon lolo, walang kasiguraduhan ang babaeng yun!. Ni hindi ko alam kung gusto nya nga talaga ako, pano kung hindi?, kilala mo ako'Lo. I mean... you know me 'Lo, i'm an arrogant------"
hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil inunahan na sya ng matanda at dinugtungan ang kanyang litanya ....

"A self-centered, bastard- conceited grandson, who hates rejection'in short takot kang mabalewala mabasted o masupla?" natatawang dugtong ng matanda .. napabuntong hininga si Sujero ..

"Ganon na nga." sang-ayon nya sa matanda ..

"Listen kid, if you'll try walang mawawala, but if you don't try maraming mawawala.
Ngayon mamili ka?." dahil sinabing iyon ng matanda, naliwanagan si Sujero, alam na nya ngayon ang dapat nyang gawin ..

Matagal nang nakatigil ang itim na kotse ni Sujero sa harap ng isang Up in down apartment sa San Pedro Laguna ..

Sinisisi nya ngayon ang padalos-dalos nyang kukote dahil sa pagbyahe ng alanganing oras, mag-aala-sais palang ng umaga. Nakalocked ang gate ng apartment at mukhang may duplicate key lahat ng taong nagdaan roon, ayon sa obserbasyon nya. Ilang beses na nyang sinubukang tawagan ang number ni Erika simula ng umalis ito pero sa kasawiang palad mukhang nagpalit na ito ng number.
Salamat na lamang at  nakausap nya si Mimi, at nakuha ang address ni Erija dito sa Pinas.
Kahapon lang sya dumating sa Pilipinas, dumiretso sya sa bahay nya sa Quezon City. Nagpahinga at nang makabawi ng lakas ay bumyahe sa address na binigay ni Mimi. Isang oras na syang nakamasid dun  pero wala pang Erika na lumabas sa gate ----- marahil tulog pa ito ...

Binuksan ni Sujero ang pinto ng sasakyan saka lumabas at nag-inat ng katawan saka sumandal dun, nang mapansin nya ang babaeng papasok sa gate, wearing a purple t-shirt and baloon skirt ..nililipad ng hangin ang laylayan ng palda nito, natigilan ang lampas balikat na buhok nito, natigilan ang babae ng mapansin ang presensya nya. Napatingin ito sa dako nya at mula doon naaninag ni Sujero ang mukha nito. Agad na lumapit si Sujero ..

Substitute GirlfriendWhere stories live. Discover now