chapter 5

2.8K 85 12
                                    

Naka ilang palit na ako ng bikini pero wala parin talaga akong magustuhan. Dapat palagi akong maganda sa paningin ni future husband.

Hinila ko nalang ang black na sling bikini, pwede ba siguro iyon

Nasa kalagitnaan ako ng digmaan sa pagsusuot ng bra ng pumasok si future husband sa cr

"Oh future husband andyan ka na rin lang tulungan mo na ako isuot ito" sabay pakita sakanya ng bra na kanina ko pa hindi masuot ng maayos

"Sigi na future husband itali mo na sakin ito ng makapag swimming na tayo"

Tiningnan ko si future husband para sitahin pero nakatulala lang ito

"Ano future husband ta-tanga lang tayo? Helloo~ galaw galaw baka pumanaw"
Pumalakpak pa ko sa harap nito.. at sa wakas natinag din

" Ay! monay "

Takang napatingin ako dito

"Sino si Monay? Nagtataksil ka ba sakin future husband? Hindi pa nga tayo nagtataksil kana hustisya naman"

Hindi ito sumagot pero kapansin-pansin ang pamumula ng mukha nito

"May lagnat ka ba? Bakit namumula ka? Ok ka lang ba?" Sunod-sunod kung tanong pero tinabig lamang neto ang kamay ko ng akmang hahawakan ko to sa noo

Hinayaan ko na lamang ito at namili ng pu-pwedeng ipatong sa bikini kong suot

" future husband ano mas maganda ito o ito? " habang itinatapat ko sa sarili ko ang mga see trough na damit

Basta nalang nito kinuha ang lace crochet beach bikini cover up at iniabot sa akin

"Wag kang chossy, maganda yung damit kaso hindi naman bagay sayo"

"Bakit, magseselos ka ba? Pag may kumilatis sa katawan ko?"

"Asaness overload " patili pa nitong sabi

Napangiti na lamang ako at isinuot ang napili nya

Hanggang sa makalabas kami ng hotel at makarating sa tabing dagat ay panay ang tanggal ni future husband ko sa aking braso ko sa tuwing i-aabresete ko sya.

"Ano ba future husband wag ka nga maarte di ka maganda"

"Aba-aba hoy, di hamak naman na mas maganda naman ako sayo ng bonggang bongga saka lamang ako sayo ng isang milyong paligo ."

"Sabi ko ganda, saan nanggaling yung ligo? "

Inirapan lamang ako nito at nagpatuloy sa paglalakad

Agad akong tumakbo nang makarating sa pangpang ng dagat at nagumpisang magtampisaw sa tubig alat, mga ilang minuto rin bago ko naisipan na kuhaan ng litrato ang sarili ko selfie kung baga,

"Future husband kunan mo naman ako ng picture sige na~" sabay abot dito ng phone ko

"Yung maganda ha, yung pang instagram"

"Teka lang aayusin ko muna ang sarili ko"

Dagdag ko pa..

"O ayan sige na picture na"

Bigla na lamang nito sunod-sunod pinindot ang capture button. Hindi man lamang ako nito binigyan ng pagkakataon makapag bago ng pose sa kamera.

Tamad na tamad na inihagis nito sa akin ng phone ko.

Wala manlang ako matinong litrato na nakuha pag hindi blured ay mukhang stolen na wackey ang dating

kaya ang ending dinelete ko nalang nawalan na ako ng gana magpakuha ng litrato

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon