Chapter 32

3.4K 91 70
                                    

Kagat labing nakatunganga ako sa loob ng opisina ng UNICOS, iniisip ko pa rin kong ano nga bang meron sa aming dalawa

Are we casual friends? Strangers? Fuck buddies?

We have sex for god sake!

We did it thrice!

Kahapon lang ang huli

Does he know? na we've sex thrice? O dalawa lang ang alam niya

Ti-nake advantage lang ba niya na nakabukaka ako?

Does he enjoy having sex with me?

Napasabunot ako sa sariling buhok sa mga naiisip, ang dami kong tanong pero ni-isa ay wala akong alam na sagot

Matapos ang nangyare kahapon ay ako na ang umiwas, kahit hindi ako makalakad ng tuwid dahil sa nangyare ay pinilit ko ang sariling magmadali na umalis sa lugar na iyon

Napaangat ako ng tingin ng may marinig na marahang katok sa pintuan

Tumikhim muna ako bago nagsalita "Come in" pumasok doon si Baste

"Chef may naghahanap po sa inyo" mabilis na nangunot ang noo ko

"Sino?" napakamot ito ng ulo "Hindi ko kilala Chef" ngumiti lamang ako

"Sige ako na ang bahala, balik ka na sa trabaho" sumaludo pa ito bago nauna ng umalis

Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin, abala ako sa pagwawahi ng bangs ko ng matulos ako sa kinatatayuan,

Hindi ko malaman kung ano ang gagawin kitang kita ko ang repleksyon ni Papà sa salamin, napatikhim ako bago ito pormal na hinarap

"Ahm upo po kayo" iminuwestra ko ang upuan dito " Kukuha lamang po ako ng maiinom"

"Autumn anak" napatigil ako sa harap ng nakasarang pintuan sa sinabi nito, hindi ako makapaniwalang napatingin dito, simula ng mamatay si mamà ay ngayon niya lang ulit akong tinawag na anak

Nanginginig ang kamay na tumipa ako ng messege kay Aileen na maghanda ng maiinom para sa aming dalawa, tahimik akong umupo sa harap nito

"Autumn" inabot nito ang mga palad kong nakasalikop sa isat-isa " Anak patawarin mo si Papà" namumula ang mga mata nito dahil sa pinipigilang luha " Hindi kita naisip ng mawala ang mamà mo, masakit pa rin sa akin na nawala ang mamà mo hanggang ngayon, nandito pa rin" itinuro pa nito ang dibdib " kung hindi sana siya tinamaan ng ligaw na bala noon, buo pa sana tayo, sama sama at masaya"

"Ligaw na bala po?" tumango lamang ito

"Ngayon ko lang nalaman anak, sa mahabang panahon na iyon, tinalikuran kita, sa pagaakalang-"

"Pa" niyakap ko ito "Maayos naman po ako, naging maayos po ako"

"Anak patawarin mo ako"

"Hindi naman po ako nagtanim ng galit papà, nagpapasalamat pa nga po ako, pinakain niyo ako, binihisan, pinag-aral at minahal, kahit hindi niyo ako tunay na anak, kaya naman wala akong karapatang magalit sa inyo"

"Napalaki ka ng maayos ng mamà mo" tinatapik tapik pa nito ang balikat ko habang yakap pa rin ako

"Maraming salamat papà" humiwalay na ito ng yakap at hinawakan ang kamay ko

"Bumalik ka na sa mansyon anak, alam kong wala akong karapatan dahil pinaalis kita noon, pero sana ay pagisipan mo-"

"How dare you to touch my woman" mabilis akong napabitaw kay papà ng marinig ang galit na boses na dumagundong sa loob ng opisina ko kasabay niyon ang pagsubsub ng mukha ko sa isang matigas na dibdib, kaya naman napatingala ako dito

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon