Iika ika akong nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig.
Napasama ang pagkaka tapilok ng paa ko kanina, mabuti na lamang at may sapi ng kabaitan si future husband at hinatid ako pauwe sakay ng tricycle
O diba nuknukan ng bait!
Napalingon ako sa cellphone ko na nakapatong sa counter table ng mag vibrate ito, tumalon talon ako gamit ang kaliwa kong paa para lang masagot ko ang hampaslupang tumatawag
Napaikot ang mata ko ng makitang si Margaux ang nasa caller ID
"Oh buti buhay ka pa?" walang buhay kong sagot
"Ay! ang harsh, by the way hulaan mo kong nasaan ako"
"Oh, saang mental hospital ka na naman napadpad?"
"Im here sa isang remote island sa quezon it's so nice here"
"At anong ginagawa mo diyan?"
"Oh that, I have patient here"
" Buti naman at matino ka pa?"
"Im a psychiatrist hello, sisiw na sisiw lang sakin yan, although nahihirapan akong e-identify if psychopath siya or sociopath ops-"
"Ano?! psychopath? sociopath? punyeta, umuwe ka dito ngay-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pinatayan ako nito ng tawag
Tatawagan ko sana ito ulit ng magtext ito
I'll be fine dont worry, mapapatino ko to! walang sukuan basta pogi ang usapan
Love you babaeng season
ang matino mong friend
_Margaux
Parang biglang nawala ang sakit ng paa ko ng tumakbo ako papalapit sa lababo at kumuha ng kutsilyo ng bumukas ang pintuan ng condo ko
"Gosh ang hina ng security!"
Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng enerhiya ko sa kaba
Hindi ko alam kong paano ako kakalma kahit na si future husband ang dumating
"Alam ko naman na mala-dyosa ang kagandahan ko pero hindi ko inexpect na ganyan ang epekto sayo girl!"
Narinig ko na may sinabi pa siya pero hindi ko na naintindihan nag-uumapaw pa rin sa akin ang kaba
Hindi ko alam kong gaano katagal akong tulala, ng mapagtanto ko na kanina pa pala ako bored na kinukunan ng litrato ng baklang ito
"You look stupid haha" komento pa nito sa mga litrato ko sa phone nya
"Ito pa mukha kang tanga"
"Dito mukha kang kulang sa aruga"
"Basilio? Crispin?" habang patuloy pa rin ito sa pag swipe ng litrato sa phone nito ay patuloy rin ang panglalait nito sa akin
"I have some instant foods here look" pinakita pa nito ang bitbit nitong plastic
"Paano ka nakapasok?" nagtataka pa rin ako paano niya nabusan ang pintuan ko
"Dumaan ako sa pinto" walang ganang sabi nito bago binasa ang instruction ng payless pansit canton xtra big bumuntong hininga muna ako bago sumagot
"Paano mo nabuksan? nakalock yun"
"Ah! yun ba? nanuod ako ng tutorial sa youtube, exploring things malay mo may makuha kay tips kung paano gumanda"
"Maganda na ako"
"Mas maganda ako" inilapag muna nito ang cellphone sa counter table bago nagflip ng imaginary hair nito
"K"
BINABASA MO ANG
Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)
Humor***************** Tinawid ko ang pagitan naming dalawa wala pa akong first kiss pero willing kong ibigay sa kanya kaya binigay ko na sabay bulong ng mga katagang " Pasasaan pa ba at magiging asawa din kita" sabay kindat at dali-dali akong pumunta sa...