Chapter 25

2.6K 80 46
                                    

Sinag ng buwan lamang ang tanglaw ko habang dahan dahang inaakyat ang may kataasang bato malapit sa madilim na dalampasigan

Hinayaan ko ng pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan

Tahimik akong humihikbi,nakatingin sa maliliit at malalakas na hampas ng alon sa batong kinauupuan ko

Lumayo na ako roon, hindi ko na kayang panuorin at marinig pa ang susunod na gagawin at sasabihin nito

Tinanggal ko ang benda sa aking paa dahil basang basa na ito ng tubig alat, humahapdi rin ito, kung dumudugo ito ay hindi ko alam

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal mula sa pagkakaupo, at wala pa akong balak na bumalik

Tumingala ako sa buwan baka sakaling umurong ang mga luha kong ayaw pa ring tumigil sa pagbagsak

Masakit pala, pakiramdam ko ay may mabibigat na bagay na paulit ulit dumadagan sa dibdib ko

"Hoy! Buwan, alam mo pareho tayo" pumipiyok na sigaw ko, para bang lasing na dinuduro duro ko pa ito

"Maganda pero mag isa" iyak tawa kong pahayag

"Im sorry" napalingon ako sa mahinang boses na nagsalita sa ibaba ng malaking bato na kinauupuan ko

Kilalang kilala ko ang boses na iyon, para bang naging susi iyon upang mas lalong magsilabasan ang luha ko, tuloy tuloy iyon parang hindi nauubos

"Im sorry, kung nasaktan kita pasensya ka na, kung ako ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon"

"Nope, wag kang mag sorry, kasalanan ko naman, ginusto ko naman" paos ang boses ko pigil na pigil ang paghikbi

"Dapat nga ako ang humingi ng pasensya sayo, dahil ginugulo ko ang nanahimik mong mundo, hindi naman mangyayari ito kong hindi ko sinimulan, kaya ako ang dapat sisihin" hindi sumagot ang huli kaya nagpatuloy lamang ako

"Pasensya ka na kung wala sa akin yung gusto mo, nakakainis lang babae ako pero gusto kong hilingin sa buwan na maging lalaki, magustuhan mo lang"

"Pasensya ka na kung kinulang ako"

"No hindi ganun iyo-" hindi ko siya pinatapos

"Kasi kung sakto, baka hindi ako nasasaktan" peke pa akong humalakhak

"Pasensya ka na rin kung masyado kong pinipilit ang sarili ko sayo"

"Sorry kong eto lang ako" tinuro ko pa ang sarili ko kahit nakatalikod ako sa kanya

"Kung sana pala hindi nalang kita ginusto ng sobra"

"Kung sana nilugar ko na lang ang sarili ko" hilam ng luha ang mga matang tumingala muli ako sa buwan

"Wala sanang drama na ganito, tahimik pa rin sana ang mundo mo"

"Autumn" mahina niyang tawag sa pangalan ko

"Siguro baka hindi pa ito yung tamang oras, napa advance lang ako" kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagpiyok

"O baka hindi lang talaga tayo"

"Wag kang mag alala sa akin, ako lang 'to, yung babaeng inlove na inlove sayo" parang may bara sa lalamunan ko ng sabihin ko iyon

Kasabay ng hampas ng alon ay ang paghikbi ko, kahit anong kastigo ko sa sarili ay hindi pa rin tumitigil

Pesteng luha

Ramdam ko ang malalaking patak ng ulan, sa aking katawan pero wala akong pakialam, hinahayaan ko lamang itong basain ang nanghihina kong katawan

Falling inlove with Mr. Ob-gyne (KALANDIAN Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon