Sorry for errors.
Enjoy reading!"So that concludes my vlog! Kung may mga suggestions ng mga gusto niyong i-content for my next vlog feel free to comment down. For more videos click the subscribe button and hit na rin ang notification bell. Love lots!"
Ngumiti muna si Martina sa harap ng camera ng ilang segundo bago tuluyang ihinto ang recordings. Napangiwi siya sa kalat na dinulot ng kaniyang shoot ngayon.
Hindi tuad ng ibang vlog, ang content niya ngayon ay hindi niya napaghandaan. Naisipan lang niyang mag-ASMR nang magutom siya kanina bandang alas tres ng umaga. Content din kasi 'yun. Kumbaga parang filler lang muna habang wala pa siyang maisip na mas interesting na content.
Matapos niyang ayusin ang kalat at mga gamit niya ay lumabas na siya sa kwarto. Nakita siya ni Jao, pinsan niya, mas matand sa ka niya ito ng dalawang taon.
"Anong outfit yan? Pauso ka?" Pamumuna ng pinsan niya sa kaniya habang ito ay nagluluto ng agahan.
Naka-top sleeping attire lang naman si Martina at naka pants. Nakalimutan niyang maghubad ng pants kanina, dahil na rin sa pagmamadali.
"Good morning bad Jao! Ba't ka nandito? Wala kang bahay?" Pang-aasar niya pabalik.
"Wala sina Mama, korni naman kung magluluto ako sa bahay mag-isa. Boring." Sagot ng binata.
Close silang mag-pinsan at hilig na nitong maging taga-luto ni Martina. Culinary kasi ang natapos ni Jao habang itong si Martina ay Business Administration.
"Ang aga mo 'ata magising ngayon?"
Inabutan siya ni Jao ng chicken adobo at ito na rin ang nagsandok ng pagkain niya. Joa treated her like ishe was his younger sister. Sanay na siya sa ganito. Bata pa lang kasi sila close na sila.
"You know, biglaang vlog. Almost two weeks na rin akong walang nap-post sa chanel ko." Sagot ng dalaga.
"Content?"
"ASMR. Hehe."
Napangiwi ang binata at binigyan siya ng mapanghusgang tingin. "Nothing against ah! Pero wala ka nang ma-content no?"
"Yeah. Mahirap ang magka-vlogger's block. Lol" Responde ni Martina. Aaminin niya na kahit medyo marami na siyang subscribers alam niyang hindi pa sapat ang 10K subscribers para sa goal niya.
"Why don't you try romantic content? Papatok yon lalo na kung kasing gwapo ko yung guy na mapipili mo." Nagpogi sign pa ang binata.
"Iws. Alam mong hindi ko forte ang romance and shits."
"Try mo lang. Hindi naman kasi ikaw yung audience na dapat i-please. Pero kung ayaw mo edi 'wag. Pero i-consider mo na rin. Malay mo magka-instant love life ka pa." Ngiting asong saad ni Jao.
Isa kasi itong pinsan niya sa mga taong hinahanapan siya ng love life. Wala sa isip niya iyon sa ngayon. Para sa kaniya may tamang oras para doon.
"Ewan bahala na." Sagot na lamang niya at tinapos na ang pagkain.
Paalis na ng bahay si Martina nang tumawag ang team leader niya sa trabaho. Hindi kasi talaga vlogging ang source of income niya. Isa siyang office staff ng isang small time advertising company. Dito niya muna naisipang magtrabaho habang naghahanap pa siya ng mas magandang opportunity.
"Good morning Martina. It's me, Ma'am Fernandez."
"Yes ma'am. Good morning din po. Bakit po?"
"I have to tell you something na siguradong matutuwa ka. Wag ka muna mag uniform today okay? Magsuot ka ng something casual. May pupuntahan tayo." Saad ng kausap niya sa kabilang linya.
YOU ARE READING
Tell Me To Stay Away
Romance"Trust me, even myself can't win over my heart which keeps on coming back to you. Its only you that can push me away."