Chapter 7: Third wheel

8 3 0
                                    

Sorry for errors.
Enjoy reading.
"Saan ka pupunta?"

Parang tatay na tanong ni Jao nang makita si Martina na lumabas ng kwarto. Nakaupo ito sa gitnang silya ng lamesa at nakade-kwatro. Sumimsim pa ito ng kape pinanliitan ng mata.

"Gabi na gagala ka pa rin?"

Binaba nito ang tasa at sinamaan ng tingin si Martina.

"Diyan lang ako sa Pa." Pang-aasar ni Martina at umupo sa sofa sa sala.

"Sinong kasama mo?" Seryoso pa rin ang tono ng pinsan niya.

"Si Harvey po susunduin ako dito."

Naalala na naman niya si Jao. At ang katangahan niya o nila kanina. Hindi mapigilang mapangiti. Pero agad niya ring binawi nang mapansin si Jao na tumikhim.

"Kayo na?"

Ngumiwi na lang si Martina bilang sagot.

"Kunwari ka pa eh malandi ka naman."

Sinamaan niya ng tingin ang pinsan. Ngumiti lang ito ng pang-asar.

"Ayan na sundo mo."

Narinig nilang dalawa ang busina ng kotse sa labas. Tumayo na si Martina at tumingin muna sa salamin.

Suot niya ang pastel pink na dress na hanggang isang pulgada sa taas ng kaniyang tuhod. Suot naman niya ang doll shoes na pink. Wala kasi siyang iba pang masusuot.

"Mukha kang sinapak." Patawa-tawang turo ni Jao sa mukha ni Martina. Hindi na lang niya ito pinansin at lumabas na ng bahay.

Sumunod sa kaniya si Jao at ito pa ang nagbukas ng gate.

Akmang lalabas na siya nang hinarangan siya ni Jao.

"Hindi ka ba lalabas ng kotse para ipagpaalam sa akin si Martina?" Seryosong tanong nito kay Harvey. Nakababa ang bintana nito kaya nakakapag-usap sila.

"Tabi nga diyan. Para kang Tatay." Sinaway na niya si Jao at lumabas na.

"Anong oras uwi?"

"Itatanan ko na 'to boss." Pabirong tugon ni Harvey. Tumango naman ang pinsan ni Martina.

"Good luck wag mo na 'yan ibalik dito. Walang warranty." Nagtawanan silang dalawa habang sinamaan naman sila ng tingin ni Martina.

Dumiretso si Martina sa passengers seat pero bago pa siya makalapit nakita niya na agad si Olive na naka-upo dito. Nakababa ang bintana at nginitian siya ng dalaga.

"Martina girl! You're so pretty. Sino nag-make up sayo?"

Kahit dismayado ngumiti si Martina.

"Chill. Ako lang 'to." Tumawa naman si Olive. Binuksan na ni Martina ang pintuan sa back seat at doon siya umupo.

Mula sa labas ng bahay nakita na ni Martina ang maraming mga tao sa loob.

Bumaba si Martina ng sasakyan at hindi nakaligtas sa kaniyang paningin nang pagbuksan ni Harvey si Olive ng pinto.

"Bat bumaba ka kaagad? Pagbubuksan pa kita eh."

"Hindi pinagbubuksan ng leading man ang third wheel." Ngumiti siya ng tipid.

Nang makapasok na sila sa engrandeng bahay ni Harvey ay sinalubong sila ng mga pinsan ng binata.

Nagkunwari na lamang siya na tutok sa cellphone. Sumusunod na lang siya kapag naglalakad ang dalawa.

Kahit naman tutok si Martina sa cellphone, kahit scroll lang ng scroll ang ginagawa ay napansin niyang kilala ng kamag-anak ni Harvey si Olive. Naririnig niya rin ang mga panunukso nila sa dalawa.

Tell Me To Stay AwayWhere stories live. Discover now