Sorry for errors
Enjoy reading!
Hindi na muna pumasok sa trabaho si Martina. Pinili niya munang bisitahin ang kaniyang ina sa kanilang probinsya. Sinamahan din siya ng kaniyang Tita Mimi at pinsan na si Jao.
Pagkalipas ng ilang oras na biyahe narating na rin nila ang bayan ng Samiano. Dito nakatira si Martina hanggang siya ay makatapos ng pag-aaral. Hindi tulad ng kaniyang tita at pinsan, hindi muna siya dumiretso sa ospital kung saan namamalagi ang kaniyang ina sa ngayon. Nagpaalam muna siya na bumili muna ng kanilang makakain sa isang mall sa bayan.
Maraming pinamili si Martina. Karamihan dito ay puro sa kaniyang ina. Bumili rin siya ng pangtanghalian nilang magkakamag-anak. Matapos makabili ay agad na siyang sumakay ng jeep papunta sa ospital.
Direretso niyang tinungo ang kwarto ng kaniyang ina. Bago pa siya tuluyang makapasok ay tumingin muna siya sa screen ng cellphone niya na kasalukuyang nakapatay. Sinubukan ni Martina tignan ang sarili na ngumiti.
She doesn't want her mother to see her unhappy.
She hates it when her mother feels that she is not okay.
Kumatok siya sa pinto at pumasok na rin naman. Sinalubong niya ang kaniyang ina ng may malawak na ngiti sa labi agad naman siyang nginitian pabalik ng kaniyang ina.
"Ang panget mo diyan ma." Pabirong saad ni Martina habang inaayos sa isang lamesa ang kaniyang mga pinabili.
"May pagkain?! Pahingi ako - " Agad na tinapik ni Martina ang malikot na kamay ni Jao nang mahawakan nito ang isang toasted bread.
"Kay Mama 'yan! Paborito niya iyan eh!" Nagsamaan ng tingin ang magpinsan.
"Tita Lucy oh!"
"Sa'yo na 'yan Jao. Hayaan mo na 'yang si Martina na napakasungit." Agad naman naglaro ang ngisi sa mga labi ni Jao, tanda na na siya ang nanalo.
"Bahala ka diyan Lucrecia." Sambit ng anak sa kaniyang ina. At dahil doon ay sinamaan siya ng kaniyang Tita Mimi.
"Martina!" Sigaw ng kaniyang tita.
"Charot lang mama." Nakangiti pa rin ang ina. Sanay na naman kasi si Lucy sa mga biro ng anak.
"Mapagbiro ka pa rin talaga anak." Saad ng ina.
"Wala lang 'yang respeto, Tita Lucy"
"Mama mo mapagbiro." Wala sa sariling tugon ni Martina.
"Martina! Manners mo!" Suway ni Tita Mimi
"Hehe. Sorry" Nag-peace sign ang dalaga sa kaniyang ina. Hindi kasi talaga niya sinasadya iyon.
"Sabi sa'yo Tita eh!" Saad ni Jao habang halos mabulunan kakatawa.
Minabuti muna ni Tita Mimi at Jao na umuwi muna sa bahay ni Lucy para sandaling makapahinga at mamaya pagbalik ay magdala ng gamit ni Lucy. Si Martina naman ay naiwan kasama ang kaniyang ina na sa kasalukuyan ay tawa ng tawa habang pinapanood nito ang vlog ng dalaga.
"Anak para kang tanga dito" Bakas sa ina ang kasiyahan. Sa kabila ng payat nitong katawan at pamumutla ay kitang kita pa rin dito ang tunay na galak.
"Tawa ka naman diyan ma?" Katabi niya ang kaniyang ina. Balak niya kasi itong samahan buong oras na nandito siya sa probinsya nila. Wala din silang magawa sa kanilang kwarto kaya minabuti na lang niya na aliwin ang magulang sa kaniyang mga vlog.
Hindi nagtagal ay natapos na rin ng mag-ina ang panonood.
"Ma, ano palang sabi ng doktor?"
YOU ARE READING
Tell Me To Stay Away
Romance"Trust me, even myself can't win over my heart which keeps on coming back to you. Its only you that can push me away."