Sorry for errors.
Enjoy reading!Martina:
Arat gala?Olive:
Pass may pupuntahan ako. HahaMartina:
Saan?Olive:
Darating?May party akong pupuntahan
Martina:
OkMatagal na silang lnagka-ayos ni Olive dahil sa nangyari noong minsan silang nagkasamang tatlo.
Pero di nila 'yon pinag-usapan. Kusa na lang silang nag-usap ulit.
Isa pa pakiramdam ni Martina immature siya kung magtatanim siya ng galit sa dalawa.
After all, dapat nga ay mas ikasaya niya 'yun.
---
"Laughtrip talaga yung tambalan nilang dalawa. At the same time may chemistry."
"Pa-fall 'tong si Harvey! Hahaha buti na strong si Martina."
"Siguro kung marupok tong si Martina kinilig na yan. Hahaha. Still hoping na maging sila."
"Manhid ka Martina! Paano mo nagawang hindi kiligin?"
Kasalukuyang nagbabasa lang si Martina ng mga comments sa vlog niya na kasama si Harvey.
Due to public demand. Minsan pa nga si Harvey na namimilit sa kaniya na isama siya.
Magre-reply sana siya sa mga comments nang biglang may mag-chat.
Harvey:
Papasukin mo ko!Pa-epal pinsan mo hindi ako pinagbubuksan.
Martina:
Balakajan.Harvey:
Dali!!!!Hindi na sumagot si Martina at nagsimula na mag-ayos muna bago lumabas ng kwarto.
Pagpunta niya sa sala nakita niya si Jao na prenteng naka-upo sa sofa at nanonood ng TV. Nakadipa pa ang mga braso nito sa sandalan at nakapatong ang mga paa sa center table.
Sinamaan niya lang ang pinsan pero ngumiti lang ito sa kaniya.
Tumunog ang doorbell ng sunod-sunod.
"Patawad! Matagal pa pasko!"
Patawa-tawang sigaw ni Jao kay Harvey sa labas. Natawa na lang din si Martina at pinagbuksan na si Harvey.
"Sorry walang yelo." Mapang-asar ang tono ni Martina. Lalo pa siyang natawa nang makita niya si Harvey na masama ang tingin sa kaniya. Naka-pout pa ito na parang bata at nakakunot ang noo dahil sa magkasalubong nitong kilay.
Pumasok na silang dalawa.
"Aga ng manliligaw ah?"
At ngayon silang dalawa naman ni Harvey ang tumingin ng masama kay Jao.
"Kung alam mo lang. Si Martina 'tong patay na patay sa akin." Tugon naman ni Harvey.
"Halata naman. Pati sa pagtulog ikaw ikaw ang bukambibig."
"Ganon ba? Tsk. Sinasabi na nga ba."
"Oo pre. Diligan mo daw siya sabi niya kagabi." Kapwa silang natawa.
Kasuwal nilang pinagtutulungan si Martina.
"Kung makapag-usap kayo parang wala ako ah!"
Naiwan na silang dalawa sa bahay ni Martina. Si Jao naman ay umalis na may pupuntahan ito.
"Samahan mo ko."
Naka-upo si Martina sa sofa. Habang si Harvey naman ay nakahiga sa sofa habang tinuturing na unan ang hita ng dalaga.
Nanonood silang dalawa ng Avatar sa TV.
"Saan na naman?"
"Sa bahay. Darating si Mama galing sa Italy may handaan."
"Ayaw. Si Olive na lang isama mo." Kinuha ni Martina ang cellphone niya sa center table at kunwari ay may ginagawa.
Pakiramdam niya ay awkward ng pinag-uusapan nila. Kahit dati naman ay normal lang.
"Na-invite ko na siya kanina. Pumayag na siya. Ikaw na lang kulang."
"Ahh yun pala ang pupuntahan ni Olive mamaya." Sa isip-isip ni Martina.
"Tinatamad ako" Hindi sinasadya ni Martina na malamig ang tono ng pagkakasagot niya kay Harvey.
"Ahh selos" Pakunwaring pang-aasar ni Harvey sa kaniya. Hindi na lang siya kumibo. Baka lalo pa siyang asarin kung magsasalita pa siya.
Tinutok na lang niya ang atensyon sa cellphone, kunwari ay busy.
"Selos nga?" Nakangiting sambit ni Harvey at napabangon para tignan ng mabuti ang reaksyon ni Martina.
Umupo ito sa tabi ng dalaga. Magkadikit na ang mga braso nila.
"Selos na nagtatampo?" Nilapit niya ang mukha niya kay Martina para silipin ang ginagawa ng dalaga sa cellphone.
Tahimik lang si Martina. Pero sa loob loob niya ay hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang umiwas pero may kung ano sa kaniyang isip na nage-enjoy silang dalawa.
"Wala ka namang ginagawa eh. Scroll ka lang ng scroll eh. Sama ka na."
Sa isip na Martina ay gulong gulo siya. Parang may gyera sa dibdib ni Martina. Nakikita niya sa peripheral vision niya na malapit ang gwapong mukha ng binata. Pero sa binata naman tila wala lang ito sa kaniya.
"Ayaw ko nga!" Binaba ni Martina ang cellphone at tumingin ng diretso sa binata.
Sinadya niya ito. Hindi niya kasi mapigilan na samantalahin ang sitwasyon na malapit sa kaniya ang binata. Kung kanina ay gyera ngayon ay tila pagsabog na ang nararamdaman niya.
Kitang kita na niya ng malapitan ang maamong mukha ni Harvey. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ng binata.
"H-hindi ako nag-s-selos." Halos mapamura siya nang mautal siya. Nakita niyang napalunok ang binata.
Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang adam's apple nitong nagtaas baba. Nagtiti-tili na ng dalaga sa kaniyang isip. Minsan lang 'to kaya sasamantalahin niya na. Hindi siya bibitaw ng tingin.
"Grab the chance Martina girl" sabi niya sa kaniyang isipan.
"Ganda ko no?" Napangisi siya pero agad din itong naglaho nang ngumisi rin si Harvey.
Dahil sa espasyo nilang dalawa na sobrang lapit ay hindi mapigilan ni Martina ang pamumula ng pisngi. Pakiramdam niya ay lahat ng dugo niya sa katawan ay napunta sa pisngi niya.
"Kinikilig ka?" Pabulong na biro ni Harvey nagdulot na pagiging husky nito.
"Panget ka hindi ako kinikilig." Pigil hiningang sambit ni Martina. Nagpasalamat pa siya sa sarili niya dahil sinipag siyang magsepilyo kaninang umaga.
"Talaga?" Ngayon ay malapit na talaga ang mukha nila. Tumingin si Harvey sa mga mata niya at kinagat ang pang-ibabang labi nito. Sunod naman ay idinako nito ang paningin sa labi ng dalaga at binalik sa mga mata ni Martina ang tingin.
Pawisan na si Martina dahil sa lapit ng mukha nila. Tumango naman siya bilang tugon.
Mataas ang pride niya ngayon at hindi siya papatalo. Alam naman niyang hindi itutuloy ni Harvey ang naiisip ni Martina.
"Eh dito?" Bago pa makapagsalita zi Martina ay lumapat na ang labi ng binata sa kaniyang mapula at malambot na pisngi.
Nahigit ni Martina ang kaniyang hininga. Hindi siya naniniwala sa mabilis na pagtikbok ng puso kapag kinakabahan dahil sa nngyari, pakiramdam niya huminto ang lahat. Pati ang tibok ng puso.
"Did your.. Did your heart just skip a beat?"
Wala sa sarili niyang napatango.
---
Note: short and lame update.
Vote and Comment <3
YOU ARE READING
Tell Me To Stay Away
Romance"Trust me, even myself can't win over my heart which keeps on coming back to you. Its only you that can push me away."