NAKA UPO ako sa isa sa mga bleachers ng basketball court at nanunod sa mga naglalaro. Nagkaka initan na ang dalawang team pero hindi ang dalawang team captain
Prenteng naka upo ang dalawa sa magkabilang bahagi ng upuan at parehong naka tingin sa mga kasamahang seryosong naglalaro at hawak ang tumbler na may lamang malamig na tubig at pawis na pawis.
Napansin ko rin ang mga kababaihan na halatang halata ang pag papa pansin sa mga player na halos maglaway na Napa iling iling na lang ako. Mga desperada
May mga nagpapractice rin dito ng cheering squad sa pamumuno ni Ariela Vega, the student Vice President kaya marami talagang tao. Malawak ang court kaya kasya dito ang dami ng studyante
Biglang pumito ang referee hudyat na tapos na ang laro at katulad ng inaasahan lamang ang team nila Caleb at Vincent ng isang puntos laban sa team ni Lawrence Cha, the school President. Nagsi tilian naman ang mga kababaihang pabor sa nanalong team kabaliktaran naman ang iba.
Nagsilapitan ang grupo nito sa kabilang grupo para makipag shake hands tanda na walang alitan sa pagitan nila at nakita ko rin ang mayabang na pag ngiti ng Team Captain ng nanalong grupo.
I rolled my eyeball. Nagiging hobby ko na siguro iyon sa tuwing nakikita ko ang mga ginagawa nito. Paalis na ako ng court dahil wala na namang magandang panoorin. Pababa na ako ng hagdan ng may humila sa kanang braso ko kaya nilingon ko kung sino ito
"Meg, aalis ka na agad?" Tanong saakin ni Sassy habang may hawak na pompoms at may kung anong naka ipit sa ulo nito
Tumango lang ako sakaniya.
"Naku sayang naman! Yayayain pa naman sana kitang manuod ng practice ng cheering squad"
"Ikaw na lang. I'm not interested"
"Okay"
Mas pipiliin ko nalang na matulog sa dorm kaysa makipag plastikan sa mga taong alam kong ayaw saakin.
Kinapa ko ang dagger na nasa bulsa ko pa rin. A smirk form in my lips.
MALAMIG ang hangin na dumadampi sa aking balat. Alas 10 na ng gabi at matiyaga akong naghihintay sa isang taong gusto kong maka usap. Naka sandal ako sa isang madilim na bahagi kung saan may malaking puno na malapit sa bahay nito. Pinili kong magtago sa madilim na bahagi para na rin makapag tago sa mga studyanteng nga roronda at nang huhuli sa mga kapwa studyanteng sumusuway sa oras ng curfew
Maya maya pa isang pigura ang nakita kong papasok sa bukana ng bahay nito. Thanks God finally!. Akmang lalapit na ako rito ng makita kong may babaeng biglang yumakap rito mula sa likod.
Sa nakita ko napa balik ako sa pinag tataguan ko
"Please Caleb, gagawin ko lahat ng gusto mo if you want a secret relationship I will agree kung ayaw mo ng clingy na girlfriend I will do my best para di maging clingy but please take me seriously" pag mamakawa nito.
Natawa na lang ako sa inakto nito. Noong una akala ko matinong babae yun pala wala ring pinagkaiba sa mga babaeng hibang pagdating sa lalaki.
Pwersahang kinalas nito ang pagkakayakap ng babae mula sa likuran nito at hinarap ito
"Ariela Listen. Itigil mo na 'tong ginagawa mo dahil hindi na ako natutuwa." Seryosong sabi nito
![](https://img.wattpad.com/cover/216117224-288-k921011.jpg)
YOU ARE READING
Wu University: Caleb Wu
AzioneThe Wu family is the Most Untouchable Family in the line of illegal Business and the word love is nothing to them But what if Caleb Wu, son of Lord Wu fell inlove? Can he face the consequence?