KASALUKUYAN pa ring walang malay si Caleb at naka higa sa kama samantalang matiyaga namang maka bantay rito ang kaibigan nito
Nasa isang underground laboratory kami na pag aari ng aking ina noong nabubuhay pa siya at naroon ang mga ginawa niyang iba't ibang lunas sa kahit na anong uri ng lason na maaaring ilagay sa mga patalim.
Ang lason na nakuha nito ay galing sa isang napaka rare na uri ng palaka na makikita lamang o makukuha sa mga banyagang lugar katulad ng South America. This poison is very rare. This poison is their old way of hunting foods and protecting their selves from enemies.
Sa kabutihang palad maraming stocks ang laboratoryo para lason na natamo nito kaya naagapan kaagad dahil kung hindi pinaglalamayan na ito ngayon.
"Megan?" Tawag sa atensyon ko ni Vincent kaya nilingon ko ito. "Salamat dahil tinulongan mo si Caleb. Utang namin ang buhay niya sa'yo" seryosong sabi sabi nito saakin. Bilib rin ako rito dahil sa uri ng ugaling meron si Caleb ay nakaka tiyaga siya rito pero sabagay siguro meron rin itong good side kaya gano'n
"Tinaggap ko ang alok niyang maging personal reaper niya kaya obligasyon ko na ngayon ang protektahan siya kaya wala kang dapat ipagpasalamat" sagot ko rito
"But still, Thank you" at ngumiti ito saakin
I just shrug my shoulder. "Fine. You're welcome"
Dalawang araw na itong walang malay dahil siguro sa epekto ng gamot na itinurok rito at ang sugat naman nito, kung hindi ako, si Vincent ang nagpapalit ng gauze nito
Kung hindi pa ito magising bukas balak na naming ilipat ito sa bahay nito dahil naayos na rin naman ang kaunting pinsala na naidulot ng mga lalaking pumasok sa bahay nito
Naka upo ako sa sofa na malapit dito at binabantayan ito. Kung hindi ko lang alam ang ugali nito iisipin kong anghel ito na walang pakpak. Napaka amo ng mukha nito. Hindi mo aakalaing kaya nitong magpatumba ng dose dosenang kalaban
Biglang bumukas ang pinto at pumasok rito si Vincent na may kasamang dalawang lalaki. Napa kunot ang noo ko sa nakita.
"Pinadala sila ni Ate Mia para ihatid si Caleb sa bahay niya sa university" mukhang nabasa ni Vincent ang ekspresyon ng mukha ko kaya ipinaliwanag na nito saakin ang nangyayari.
Tamango na lang ako at sabay naming pinanuod ang dalawang lalaking maingat itong inililipat sa isang malaking stretcher.
Si ate Mia ang panganay na kapatid nito at ang nag iisang bulaklak ng mga Wu pero katulad nito masasabi kong hindi ito basta basta lang na babae.
Ang sumunod naman ay si Raven. Isang happy Go-Lucky but dangerous man. Isa ito sa nagpapatakbo ng Wu mafia. Napaka tuso nito at hindi na rin mabilang ang mga sindikatong nalugi dahil rito
At si Caleb ang pangatlo. Masasabi kong ito ang pinaka misteryoso sa lahat. Hindi nito pinapakita ang totoong nararamdaman nito na itinatago lamang sa pamamagitan ng pekeng ngiti. Ito rin ang isa sa utak ng Wu Mafia.
At si Liam ang bunso. Wala akong masyadong alam dito dahil sa pagkaka alam ko ay nasa europa ito at kasalukuyang nag aaral.
"Sunod ka na lang Megan, mauuna na kami" paalam saakin ni Vincent bago tuluyang sumakay ng sasakyan nito. Pinanood ko lamang itong tuluyang lumabas ng laboratoryo.
Tiningnan ko isa isa ang mga gamot na naka silid sa maliliit at pahabang lalagyan. Iba't iba ang kulay nito at iba't iba rin ang lebel.
Ka hanga hanga na matagumpay itong nagawa nila mama noong nabubuhay pa sila. Naaalala ko pa noon na kapag wala sila sa training ground narito sila at gumagawa ng mga gamot at kapag tinatanong ko sila kung ano at para saan ba ito lagi nilang sinasabi na "Magagamit mo ito anak balang araw"
I smiled bitterly. Kahit wala na sila nararamdaman ko pa rin ang pag aalaga nila sa pamamagitan ng mga bote botelyang gamot na ito. Kung sakali man maaari nitong mailigtas ang buhay niya at ng iba pa.
Kumuha ako ng tig tatatlong botelya nito ng at maingat na isinilid ko sa dala dala kong shoulder bag para kung may emergency hindi na siya babalik pa rito para kumuha.
Isinara ko na ang laboratoryo at mabilis na sumakay ng aking sasakyan at pinaharurot patungo sa unibersidad
Pag pasok ko wala akong makitang studyanteng pakalat kalat sa field dahil oras na ng klase kaya sinamantala ko ito para malayang maka pasok sa bahay nito
Akmang bubukan ko na ang pinto ng kusa itong bumukas. Isang babaeng may dalang basang bimpo ang lumabas mula rito kaya nahihiyang napa atras ako.
The woman smiled "You must be Megan Hello dear, I'm Mia, Caleb's Sister" bati nito
"Hello po" yun lang ang nasabi ko sa sobrang hiya
Natulala ako sa ganda nito. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako na insecure ng ganito. Para itong dyosa na nag anyong tao lalo na ng ngumiti ito. Hindi ko gustong mainsecure sa ganda nito pero sino bang hindi? Mula sa boses, sa height, sa kutis, sa mukha wala na, masasabi kong napaka perpekto na nito.
"Andito ka ba para bumisita kay Caleb?" Naka ngiti pa ring tanong nito "Sige pumasok ka na"
Napa tango na lang ako dahil pakiramdam ko naubusan ako ng sasabihin. Kahanga hangang may tao palang may ganung kakayahan sabagay isa pala itong Wu kaya hindi na nakapag tataka.
Dumiretso na akong pumasok sa silid nito pero bago pa ako naka rating sa harap ng kama nito isang may malakas na taong humila saakin.
"Hindi lang basta simpleng tao ang poprotektahan mo Megan, tandaan mo isang galos lang niya ulo mo na kaagad ang katumbas" sabi nito habang mahigpit pa rin ang hawak sa braso ko
Sa paraan ng pag bibigay saakin nito ng babala alam kong may kahalo itong pagbabanta.
"Wag kang mag alala Ariela dahil simula ngayon sisiguraduhin kong walang kahit na sino ang maaring makapanakit sakaniya ng hindi dumadaan saakin. Kahit pa ikaw" at pwersahan kong inalis ang kamay nito sa braso ko.
Tumalikod na ako rito upang puntahan ang tunay na pakay ko. Isang malakas na pag sara na lang ng pinto ang narinig ko senyales na wala na ito sa silid.
![](https://img.wattpad.com/cover/216117224-288-k921011.jpg)
YOU ARE READING
Wu University: Caleb Wu
ActionThe Wu family is the Most Untouchable Family in the line of illegal Business and the word love is nothing to them But what if Caleb Wu, son of Lord Wu fell inlove? Can he face the consequence?