DAISY (You Are My Hope)
PASOSYAL, PA COOL, Bullies, Nerd at iba pang uri ng studyante ang napansin kong pagala gala sa loob ng unibersidad. Mayroon ding mahahaba ang skirt pero karamihan maiikli kulang na lang makita ang mga parteng dapat na itinatago. Typical bitches.
This is my first day here in Wu University. Kaka transfer ko lang dito kahapon pero ngayon pa lang ako papasok well, mabuti nga napa aga hindi katulad dati na inaabot muna ng isang linggo bago ko naiisipang pumasok.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng skwelahan. Masasabi kong sinisigaw nito ang karangyaan nitong taglay. Malawak ito at mayroon itong iba't ibang gusali na sa tingin ko ay gusali ng iba't ibang kurso. Hiwalay din ang dormitoryo ng lalaki sa babae pero kapansin pansin ang isang natatanging bahay na nasa pagitan ng dalawang dormitoryo.
I just shrug my shoulder. Tiningnan ko ulit ang papel na naglalaman ng schedule ko. Umakyat ako sa ikatlong palapag dahil doon ang unang klase ko. Room 30 History Class.
Kumatok ako sa pinto at bumungad saakin ang isang lalaking guro na mukhang nasa mid fifties na ang edad. Ngumiti ito saakin at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
"Good Morning Class I want you to meet your new classmate" sabi nito sa klase.
Ang kaninang tahimik na klase ay ngayon ay nagsi ingayan na lalo na ang kalalakihan. Ang iba ay sumisipol pa ang iba naman ay nagtatanong kung single daw ba siya. She just roll her eyeball.
"Quiet!" Sigaw nito sa klase at natahimik naman ang mga ito. Humarap naman ito saakin. "Go on. Introduce your name to the class" utos nito.
Introducing the name to the class is really suck but I have no choice. I just sigh heavily
Humarap ako sa klase at inilibot ang paningin sa mga ito. Kanina ko pa nararamdaman ang matalim na titig saakin and I saw a man who is not wearing uniform. Naka puti itong T shirt at itim na jacket lang. Para itong boss na naka upo sa likod at naka de kwatro pa
"Good Afternoon. I'm Megan Hansford"
"Yun lang ang sasabihin mo? Tanong nito saakin. I just nod
"Okay. You can sit between Mr. Chao and Mr Wu" utos nito. Nagka gulo nanaman ang mga studyante lalo na ang mga kababaihan. I even see a bunch of girls glaring at me I just raise my eyebrows to them.
Masasabi kong magaling mag turo ang guro dahil nakuha nito ang atensyon ng mga kaklase niya. Nagagawa rin nitong pag sabayin ang joke at hugot sa pag tuturo nito pero gaano man ito ka epektibong guro naaagaw pa rin ng dalawa ang atensyon ko.
Dahil sa pag eensayo natutunan ko rin na pakiramdaman ang tao sa paligid ko at masasabi kong iba ang presensya ng dalawang lalaking nasa gilid ko lalong lalo na ang lalaking nasa bandang kaliwa ko.
Pareho silang may kakaibang presensya pero mas malakas ang isang 'to. Sabagay bakit naman hindi? I just smirk. Caleb Wu is the man on my left side while Vincent Chao is on my right side.
Parehong tahimik ang dalawa. Ang isa ay nakikinig sa nagtuturong guro samantalang ang isa naman ay naka yuko habang may suot na headset at walang paki alam sa paligid niya.
"Did you understand guys?" Tanong nito at nagsi tanguan naman ang mga studyante lalo na ang nasa harap nito. "Alright Class Dismiss"
Pagkalabas nito isa isa nang nagsilabasan ang mga studyante sa silid. Dinampot ko na ang aking notebook at ballpen at maayos na isinilid sa aking bag. It's past 5 PM kaya balak ko ng pumunta sa cafeteria upang kumain ng dinner

YOU ARE READING
Wu University: Caleb Wu
AksiyonThe Wu family is the Most Untouchable Family in the line of illegal Business and the word love is nothing to them But what if Caleb Wu, son of Lord Wu fell inlove? Can he face the consequence?