Oh shit this is so bad.
Sobrang dami ba naming nainom kagabi? Hindi ko na maalala. Pagdating sa condo dumiretcho na agad ako sa kama at nakatulog, ni hindi na 'ko nakapagbihis.
"Kay, ingat ah. 'Yang ate mo ingatan mo, lasing na ata."
Wait
"Shet hindi ba yon panaginip?!"
"Ate ano ba ang aga-aga pa? Sumisigaw ka diyan?" Mukhang antok na antok pa 'to. Hindi na rin siya nakapagbihis at sobrang gulo pa ng buhok.
"Gago! Naalala mo ba yung sinabi ni Renzo? Ano? Totoo ba yon o lasing lang ako kaya nag imagine na ko?"
"Hala totoo ata yon? Naalala ko rin siya so totoo nga!"
Para kaming baliw na dalawa dito. Nag facetime pa kami kila Ayah.
"Fuck hindi talaga 'ko makapaniwala," sabi ko.
"Siguro naman talaga may pake pa siya sayo. Tagal niyo din naman," sabi ni Arisse na ka-videocall namin.
"Excuse me hindi naging kami."
"Ganon na rin yon bakla! Label lang naiba pero may something pa rin kayo." Etong Justine na 'to ang daming alam.
"Kaya nga. Pero sa tingin mo kayo pa rin ngayon kung di mo siya iniwan?" Ah bastos na Luna.
"Alam mo Luna yang bibig mo pasmado eh 'no?"
"Ay sorry sorry."
"Tingin ko oo? Kita naman natin dati yung efforts ni Renzo sakanya eh kaso epal kasi yung magaling na ex ni Lian. Kasalanan niya kung bakit ganyan nangyari," sagot naman ni Ayah.
"Kaya nga nako! Nag-init ulo ko nung nagpakilala 'yong Aljun na 'yon kagabi. Aba te mukhang bet ka," pikon na sabi ni Kayrelle.
"Oo kamo parang sayo lang naman nagpakilala," sabat naman ni Dom.
"Dom wag ka mag-salita. Naaalala ko yung ginawa ng magaling mong jowa eh," asar na sabi ko. Aba patay talaga sakin si Brent pag nagkita kami.
Tumawa pa ang magaling na bata.
"Sorry Ate Lian, alam mo naman si Brent pag lasing sobrang daldal eh. 'Di ko alam na biglang gaganon yon. Wala pa namang tama si Kuya Renzo kagabi dahil di sila masyadong uminom ni CJ."
Actually si Kayrelle, Luna, Dom, Ayah at Arisse same age. 1 year ahead lang naman kami ni Justine sa acads pero 2 years ang age gap na pinakamalayo. Si Kayrelle tinatawag na talaga akong ate dahil nga pinsan ko siya pero etong si Dom lang talaga minsan may ate tapos minsan wala. 21 ako tapos 20 naman si Ayah, Justine, Luna at Kayrelle then 19 si Dom at Arisse. Yung lima third year na tapos ako at Justine ay 4th year. May shs pa kasi ayan ang tatanda na tuloy namin.
"Magkikita pa naman kami bukas paano na 'ko haharap sakanya?"
"Hala girl wag ka mag ganyan, kayang-kaya mo yan. Kunwari di mo naaalala dahil sa lasing ka na ganon. 'Di kita masasamahan sa mga gora mo diyan kasi aalis na 'ko pa baguio bukas." Oo nga pala bukas na alis niya tapos pag balik niya pwede na siya mag-start sa La Salle.
"Hoy ingat ka don ah. Di porket broken-hearted ay tatalon ka na sa bangin," bilin ni Justine.
"Oo nga! Bumalik ka ng buo samin," sabi pa ni Arisse.
"Baliw ba kayo? Syempre paghinga lang gagawin ko don at hindi magpapakamatay. Basta see you nalang pag-balik ko."
Monday nanaman. Dalawa lang class ko ngayon tapos si Kayrelle at Luna walang pasok kaya lang si Luna ayon makikipagkita daw muna dun sa kaibigan niya. Kaibigan my ass eh kulang nalang maghalikan na silang dalawa lagi.
The rest of the girls may klase pa kaya eto kami nanaman ni Kayrelle magkasama.
"Sana naman pag-balik ni Ayah okay na siya."
"Ano kala mo don 2 weeks lang naka-move on na agad?" Maximum stay daw niya sa Baguio is twi weeks pero baka di lang baguio ang puntahan niya. Gusto rin daw niya magpatattoo kay Apo Wang Od. She deserves to be happy. Hindi rin biro yung relationship nila ni James kaya sana maging okay na siya.
"Hindi ganon syempre! Pero sana hindi na siya maging gano'n kalungkot."
Papunta kami ngayon sa QPav dahil oras na ng training at hanggat hindi pa ko sobrang komportable sa team hahatakin ko muna 'tong babaeng 'to. Buti nalang lahat din ng klase niya puro hanggang 2:30 lang kaya masasama ko siya since required lang naman ako pumunta tuwing afternoon trainings.
"Ay ate alam mo ba yung Francis na kasama nila Aljun nung sabado finollow ako sa ig tapos player din pala yon?" Tanong niya sakin.
"Oo. Ilang beses niyo na 'ko sinamahan manood tapos di niyo pa rin tanda mga 'yon?"
"Kailangan ba?" Bwiset na 'to talaga.
Pagpasok namin ng QPav nakita namin na nag s-stretching na pala sila. Umupo lang kami sa bleachers malapit sa mga bag nila since hindi naman required pa na tabihan ko si Coach 'no.
Pinapanood lang namin sila mag-drills hanggang sa nag break sila.
"Hi Lian!"
"Wag mo ko ma hi hi dyan Brent baka masapak kita bigla."
"Lagot ka Brent. Ang daldal mo kasi eh," pang-aasar ni Kayrelle.
"Sus eto naman galit kaagad. Sorry na, lasing kasi talaga ako kaya di ko mapigil bibig ko. Tsaka ano naman kung malaman niya? Kelan mo ba sasabihin sakanya na—" biglang tinakpan ni Kayrelle yung bibig ni Brent tapos hinila palayo.
"Shh halika dun tayo ang daldal mo eh." Kinindatan pa 'ko ng magaling kong pinsan at habang tinitignan ko siya nang masama biglang may umubo sa gilid ko.
"Ay putek! Ba't ka ba— uy ano Renzo ikaw pala." Save me! Ano 'to bakit siya nandito? Umupo siya sa tabi mo habang umiinom ng tubig.
"Sure ka ba dito?" Tanong niya bigla.
"Huh? Sure saan?"
"Sa pagiging student manager namin."
"Oo naman, bakit? Ay teka tingin mo ba sakin weak? O irresponsable? O baka naman ayaw mo lang ako makita kaya ganyan ka? Hoy aba—"
"Ayoko lang mahirapan ka." Ano daw? Sinabi niya ba talaga yon?
"H-huh?" Na-tanga na ata ako.
"Magulo yung team kita mo naman diba." Wow may pa irap pa po siya ano.
"Pero kung kailangan mo ng tulong sabihan mo lang ako." At umalis na siya. Walanghiyang 'yon? Pagtapos ako pakiligin biglang aalis?!
"Uy ano 'yon hah? Namumula ka! Nako ano sinabi sayo ni Kuys?" Parang baliw na biglang tumakbo si Brent sa mga teammates niya na nakangiti tapos kinulit si Renzo.
"Hala siya comeback is real na ba?"
YOU ARE READING
After all
FanfictionRêveuse #1 What if you suddenly cross paths with the person you ghosted? A Renzo Subido fan fic