4

69 6 19
                                    

I am with my blockmates right now and our class just ended. Lunch time na at madalas blockmates ko naman talaga ang kasama ko sa lunch since ibang school sila Luna pero pag free ang iba samin we often meet pag lunch.

"Hey Lian!" Nagulat ako nang biglang may tumawag sakin habang naglalakad kami palabas ng ust. Sa labas may noval sana kami kakain.

"Uy Lance," si Lance, yung sa island.

"Wanna grab lunch?" Wow walang ligoy-ligoy.

"Uh I'm with my friends kasi eh,"

"Ay hindi sige! Isama mo na yan bye!" Ano nanaman trip netong mga 'to?

"So let's go?" Okay, no choice.

"Jollibee nalang? Nag-crave ako bigla eh," sabi ko.

"Sige," malapit lang naman ang jollibee mula dito sa gate sa pinag-exitan namin. Habang nag-lalakad nag-uusap lang kami tungkol sa pagiging student-manager ko.

"So hindi mo talaga gusto?" Tanong niya.

"Nung una pero ngayon masaya naman ako. Sobrang bait ng team and yung coaching staff hindi rin naman ako nahihirapan i-handle sila," papasok na kami ng jollibee pero may nauna mag-bukas ng pinto galing sa loob kaya pinauna namin sila.

"Uy ate Lian!" Sigaw ni... Matt? Oh magkakasama pala yung iba sa team.

""Oh Lian sino yang kasama mo?" Bulong ni Brent nung bumeso siya sakin.

"Guys si Lance," pakilala ko sakaniya.

"Brent, pare. And si Matt, Ira, Deo, CJ, Zach tsaka si Boss Renzo," shet kasama pala nila si Renzo. Hindi ko napansin.

"Lance mga bro. Napapanood ko kayo!"

"Tara na," biglang sabi ni Renzo at nauna na mag-lakad. Problema non? Nagmamadali siguro.

"Bye ate!" Paalam ni Matt.

"Li, alis na kami. Ginalit mo si Boss eh," ano nanaman sinasabi ng Brent na 'to? Minsan nga sabihan ko si Dom na ipa-check jowa niya, baka may sapak na.

After eating lunch bumalik na rin kami sa ust kasi may klase pa kami pareho.

"Sige, sumunod ka nalang," tinawagan ako ni Kay at tinanong kung pwede daw ba pumunta dito ngayon dahil kasama niya si Dom, Arisse at Luna. Pinasunod ko nalang sila sa QPav.

Pag-dating ko nag-sisimula na ang training nila. Late ako ngayon kasi may inutos pa yung isang prof ko.

"Uuwi na si Ayah diba?" Tanong ni Luna.

"Oo, pag-balik din nya diba lilipat na siya sa One archers?" Since lilipat na nga si Ayah sa La Salle kumuha na rin siya do'n ng condo.

"May tattoo na nga siya eh, ang ganda. Sana pala may design tayo tapos mag pa-tattoo rin tayo!" Minsan maganda rin mga naiisip netong pinsan ko.

"Ay bet! Sabihan natin sila,"

"Hi babe," biglang singit ni Brent. Tapos na pala training nila at malamang hihintayin pa namin matapos mag-shower 'to bago kami umalis para mag-dinner.

"O san tayo?" Tanong ni Arisse habang hinihintay namin matapos si Brent.

"Samgyup nalang! Susunod daw si Justine," sabi ni Luna.

"Oo dun nalang!"

"Alam mo Brent minsan gusto ko na lagyan ng tape yang bibig mo. Ang ingay palagi," asar sakanya ni Kayrelle. Jusko totoo naman, laging naka-sigaw.

After allWhere stories live. Discover now