5

94 6 11
                                    

First day ng sophomore year. Kasama ko ngayon si Berna at Yelle, mga blockmates ko last school year kasi ka-block ko ulit sila ngayong taon. Actually wala na kaming next class kasi 5:00 pm na and hanggang 4:30 lang naman kami ngayon kasi monday. Puro orientation lang rin ginawa namin kanina.

Galing kami sa may carpark kaya naglalakad na kami ngayon papunta sa plaza mayor nang may biglang bumangga sakin.

"Shit!"

"Hala sorry! Sorry talaga miss," natapon lang naman yung dala niyang juice sa uniform ko at ang magaling na lalaki nakatitig sa ID ko.

"Excuse me pero sana tumatabi ka na sa daan. Naka-perwisyo ka na nga ayaw mo pa magpadaan," naiirita talaga 'ko. Naka corporate ako ngayon kasi yun uniform namin tapos tinapunan niya ng juice! At isa pa bakit siya may dalang juice eh naka basketball attire siya?

"Ano miss, I'm sorry talaga. Wait," kinalkal niya yung bag niya at may nilabas na shirt.

"Eto, palit ka nalang muna. Sorry talaga," hindi ko sana kukunin nang biglang may tumawag sakanya.

"Huy Renzo dalian mo!"

"Wait lang 'Vin!" Sinabit niya yung tshirt niya sakin dahil hindi ko kinuha.

"Sige miss sorry talaga," tumakbo na siya. Ang bastos?!

"Muka kang inaway sa canteen dahil sa sambakol mong mukha tapos ganyan pa uniform mo," tawa nang tawa si Yelle at Berna.

"Nakakatuwa yon?"

"Sayo hindi, samin oo," tumatawang sabi ni Yelle.

"Suotin mo na yan. Baka manlagkit ka," sinamahan nila 'ko sa cr para magpalit. Orange juice ata yon at ang dami pa ng natapon sakin. Umuwi na rin ako pagkatapos ko magpalit at pina-laundry sa baba ng condo yung uniform ko. Hindi ako marunong mag-tanggal ng stain sa uniform at baka lumala pa. Buti nalang talaga tatlo yung pair ng uniform ko.

"O ba't ganyan suot mo? San galing yan?" Tanong ni Kay pag-pasok ko ng unit.

"May punyetang bumangga sakin at nabuhusan ako ng juice," dumiretcho ako sa kwarto para magpalit ng short. Mamaya nalang ako maliligo bago matulog.

"Subido? Player may-ari nyan?" Tanong niya pag upo ko sa tabi niya sa sala.

"Siguro? Naka pang basketball kanina eh. Letcheng yon bakit kasi may dalang juice kung pupuntang training? Pwede namang tubig hinayupak," asar na sabi ko. Totoo naman, bakit juice ang dala imbes na tubig?

"Wag ka na galit dyan. Umorder nalang ako ng mcdo pang dinner natin. 'Di pa tayo nakakabili ng groceries eh."


Pag-tapos namin mag-dinner naligo na 'ko. O ngayon pano ko ibabalik tong t-shirt n'ya? Tapon ko nalang kaya 'to?

Tumambay ako katabi si Kay na nanonood ng kdrama sa netflix.

"Babalik ko pa ba 'to o tatapon ko na?"

"Hala bakit mo itatapon? Sayang naman," sabi niya.

"Eh ano kasi gagawin ko dito?"

"Edi itago mo nalang or kung makita mo man siya one of these days edi approach mo para malaman mo kung ibabalik mo pa ba t-shirt niya," well pwedeng ganon nalang.

Hindi na ko sumagot at nag twitter nalang. Habang nag s-scroll ako biglang may nag follow sakin sa twitter.

Renzo Subido followed you

After allWhere stories live. Discover now