6

74 4 14
                                    

"Hey, I just wanna know kung free ka bukas?" Tanong ni Renzo. "May training kasi and nasa laundry pa yung mga damit ko kaya kunin ko sana yung shirt ko sa'yo."

"Sure. Pwede ka naman mag-message sa'kin. Baka busy ka tapos tumawag ka pa." He called me on instagram para lang sabihin na kailangan niya bikas yung shirt, eh pwede naman siya mag chat.

"Sorry," sagot niya.

Okay na rin na maibigay ko na 'to para tumigil na sa pang-aasar yung mga kaibigan ko. Lagi nila sinasabi na baka daw mamaya magulat sila kami na netong lalaking 'to.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Yelle.

"Ah sa Qpav lang. Ibabalik ko na 'tong shirt nung nakabangga sakin," sagot ko sabay umalis na. Hindi na 'ko nagpasama dahil malamang puro kalokohan lang gagawin ng mga 'yon.

"Uy Lian ano ginagawa mo dito?" Bungad ni Brent sakin dahil siya agad nakita ko pag-pasok ko pa lang sa court.

"Ah si Renzo ba nandyan?"

"Huh? Bakit mo 'yon hinahanap? Kelan mo pa naging close 'yon?" Chismoso talaga 'tong epal na 'to.

"Alam mo dami mong tanong. Bigay mo nalang sakanya 'to," binigay ko yung shirt sakanya at umalis na. Wala akong time makipagdaldalan sakanila dahil magkikita pa kami nila Justine mamaya. As usual gimik nanaman kasi sabado ngayon.

"Hoy bakit mo pinuntahan si Renzo kanina, hah?" Nandito kami ngayon sa condo namin ni Kayrelle at sumunod na rin silang lahat dito para sabay-sabay kaming pupunta sa bgc. Malamang nag-sabi na agad si Brent dito kay Dom.

"Diba nga nasakin yung shirt niya? Pinabalik lang," sagot ko.

"Wala man lang chika satin!" Asar ni Justine.

"Anong ichi-chika ko? Binalik ko na so wala ng kasunod 'no,"

"Di mo sure!"

We decided na mag early night nalang. Si Ayah nag-decide kung anong drinks namin ngayon at ewan ko ba sa babaeng 'to. Ang lakas talaga pag sa inuman eh.

After a few hours naka-ilang bote na rin kami dahil etong si Ayah at Justine kala mo walang bukas kung mag pa-shot at chug. Nahihilo na nga ako.

"Hoy may natawag ata sayo, kanina pa vibrate nang vibrate yung phone mo," sigaw ni Luna. Di ko napansin na may tumatawag pala. Malabo na paningin ko kaya hindi ko na makilala kung sino yung tumatawag.

"Hello?" Sagot ko.

"Lian,"

"Sino 'to?"

"Si Renzo 'to. Lasing ka na?" Niloloko ba 'ko neto? Anong Renzo? Ba't ako tatawagan no'n eh hindi naman kami close.

"Ulol ka ba? Humanap ka ng maloloko mo!" Sigaw ko at binabaan siya.

"Sino daw?" Tanong ni Luna.

"Ewan ko sa gagong 'yon. Si Renzo daw siya,"

"Hala eh bakit mo binaba?"

"Tanga eh hindi naman kami friends ni Renzo ba't ako tatawagan no'n?" Hay nako, mga tao nga naman ngayon.

"Lasing na 'tong pinsan mo, Kayrelle," sabi ni Luna kay Kayrelle sabay nag-tawanan sila.

"Tulog mo na 'yan ate," at nag tawanan ulit sila.

"Panigurado di nirereplyan niyan ni Dom si Brent kaya pina-contact ka kay Renzo," sabi ni Luna. "Alam mo naman yan si Brent pag di makausap si Dom pinapatawagan sa iba yung isa satin eh."

Hindi ko na ma-absorb masyado yung sinasabi ni Luna dahil sa hilo ko.

Bakit feeling ko umaandar ako? I opened my eyes at na-realize na nasa sasakyan na pala ako.

"Kay— renzo?" Nagulat ako nang makita ko na hindi pala si Kayrelle yung driver. Tinignan ko yung sasakyan pero sakin naman 'to.

"Yung pinsan mo nandun sa likod. Bagsak na," lumingon ako at nakita si Kayrelle na nakasandal kay Matt? 'Di ko alam kung tama ba yung nakikita ko dahil nahihilo pa 'ko.

"Si Matt ba yan o nahihilo pa 'ko?" Tanong ko.

"Si Matt yan," simpleng sagot ni Renzo. Nag stop siya sa isang convenience store at bumaba. "Ano ba nangyari?" Sabay hawak ko sa ulo ko dahil sumasakit na 'to.

"Nako ate, wasted kayo sobra. Inikot pa namin nila Kuya Brent bgc para mahanap kayo," sumagot si Matt. Naweirdohan siguro dahil kinausap ko sarili ko.

"Fuck. Umiikot paningin ko,"

"Inom pa. Hindi niyo naman pala kaya tapos puro babae pa kayo," naka balik na pala si Renzo ng sasakyan.

"Oh," inabutan niya ng dalawang tubig si Matt at pagtapos ay ako rin. "Inumin mo yan. Palipas muna tayo dito saglit at baka masuka kayo. Sina Brent na nag drive para sa mga kasama niyo. Dun nalang raw kina Dom at Justine matutulog." Di na ko sumagot dahil feeling ko masusuka ako.

"Kay, drink your water first," kahit naka-pikit ang pinsan ko pina-inom pa rin siya ni Matt ng tubig. Nakakahiya siya, sobrang haggard.

"Ubusin mo yan," masungit na sabi ni Renzo. Ano ba 'to may regla?

"Ano ba ayoko na,"

"Wow sa alak di ka natanggi, pero tubig di mo maubos isang bote,"

"Oo na! Eto na, dami mong sinasabi eh," di naman kami close pero kung maka-salita kala mo. Biglang tumawa si Matt sa likod habang hawak ang ulo ng pinsan ko.

"Wag ka naman magalit kuya! Sige ka, di ka bigyan ng chance niyan,"

"Bigyan ng chance saan?" Bago pa makasagot yung dalawa lumabas na ko ng sasakyan para sumuka.

"Iinom ka kasi tapos di mo pala kaya," sermon niya. Matapos ko sumuka pumasok na kami at nag drive na siya. Malayo pa naman kami kaya natulog muna ako.

I woke up the next day with a headache.

"What the fuck? Bakit sobrang sakit ng ulo ko?" Suot ko pa rin yung damit ko kagabi. Kadiri, hindi na ko nakapag bihis. Tumayo ako para mag toothbrush sa cr dahil nararamdaman ko na rin ang gutom at kailangan ko na mag-luto.

Habang nag t-toothbrush iniisip ko kung ano ba nangyari kagabi. Alam kong nakasama ko sina Renzo pauwi pero malabo na. Ni-hindi ko nga alam pano kami naka-pasok sa condo. Tanungin ko na nga lang si Kayrelle.

"Sobrang sakit ng ulo ko!" Sigaw ni kayrelle habang naglalakad palabas ng kwarto. Dumiretcho siya at umupo sa harap ko.

"Buti ka pa nakaligo na," sabi ko sakanya.

"Kadiri aba suot ko pa yung damit ko sa early night kagabi. Ano ba nangyari? Sobrang dami ko atang nainom, wala akong maalala," huh? Di rin niya alam?

"Di mo alam pano tayo naka-uwi?" Tanong ko.

"Pano ko malalaman eh nag pass out na ata ako pagtapos natin mag-tawanan kasi sabi mo tumawag si Renzo sayo,"

"Gago sila naghatid satin kagabi!"

"Huh?" Mukhang tanga niyang tanong habang naka-kagat sa tinapay.

I decided to check my phone and may dm ako sa instagram.

"Left the car key sa center table niyo sa sala." What the?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

After allWhere stories live. Discover now