Chapter 4

5 0 0
                                    

Yuuki's POV

Inangat ko ang kanyang mukha at dinampi ang aking mga labi sa kanya.

Panandalian siyang hindi nakagalaw mula sa aking pagkakahalik sa kanya. Mukhang hindi niya inaasahan ang aking ginawa. Subalit nang siya ay makabawi sa nangyari ay agad kong naramdaman ang tindi ng galit ni Resha.

"Yan ang nababagay sayo! Bastos!" Ani nito sabay kumbas sa kanyang wand upang agad matakpan ng uniporme ang kanyang hubad na katawan.

Habang hawak ko ang parte ng aking mukha na kanyang sinampal kanina, "Sinunod ko lang naman yung naaayon sa ritwal ah." I just sealed it with a kiss. Hindi ba siya masayang hinalikan siya ng isang katulad ko?

Mula sa mga nagkukumpulang mga estudyante ay niluwa si Ginang Avila.

Isang matandang babae na may hawak na tungkod. Nakasuot ito ng isang mahabang damit na kulay lila at abot sa kanyang talampakan.

"Ohhh. Hindi ito madalas mangyari." Ani nito. Pero base sa kanyang mukha ay mukhang may nasaksihan na itong ganitong pangyayare at hindi na siya dapat magulat pa.

Hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkakabasa ko sa suot niyang ekspresyon sa mukha pero ganoon ang pinapakita niya.

Ang bawat isa sa mga estudyante ay nagpapamalas ng interes sa kasalukuyang nagaganap ngayon.

"Hindi maaaring maging familiar ako ni Yuu- ni Prinsipe Edward." Galit na pahayag ni Resha, subalit batid ko ang pamumula sa kanhang tenga o baka naman namamalikmata lamang ako dahil sa tingkad ng kulay ng buhok nito.

"Dapat nga matuwa ka at naging familiar ka ng isang dugong maharlika, hampas lupa." Ani ng isang babaeng may mahabang buhok na umaabot hanggang sa kanyang bewang. Nakatirintas ito at maganda rin kung tutuusin ngunit flat chested nga lang siya.

"Tama ang sinabi ni Binibining Veronique." Pagsang ayon ng isa pang babaeng kasama nito na mas maliit kung ikukumpara kay Veronique.

Sa sinabing iyon ng mga babae ay mas nagalit si Resha. Halata sa kanyang mga mata ang pagpipigil nito ng luha.

"Teka, Resha!" Tawag ko dito nang mabilis siyang tumakbo papasok sa madilim na kagubatan.

"Huwag mo na siyang pigilan Edward. Andito ako si Veronique Arnaud ang dapat mong pagtuonan ng pansin." Napatigil ako sa dapat ay pagsunod ko kay Resha nang biglang hulihin ni Veronique ang aking braso at hagkan ito.

Panandalian akong napatitig sa kanyang mukha ng bigla akong makarinig ng malakas na pagsabog di kalayuan sa dakong tinungo ni Resha.

"Pasensya ka na binibini subalit hindi ikaw ang type ko." Nakangiti kong bigkas sa harap niya.

"Type?" Aniya at iniwan ko siyang naguguluhan sa sinabi ko.

Tumakbo ako agad at sinundan ang daang tinahak ni Resha.

Resha's POV

Mabilis akong tumakbo palayo sa kanilang lahat.

Nakakatawa. Buong akala ko ay isang magiting na tagapagligtas si Yuuki, ah Prinsipe Edward nga pala ang tunay niyang ngalan.

Pinilit kong punasan ang butil ng luha sa aking mga mata ngunit patuloy lamang sila sa paggawa ng panibagong luha.

Hindi ko naman pinilit na maging mahirap at hindi ko din pinilit na maging babae at magkaron ng mabigat na hinaharap.

***

"Nagnakaw ka na naman ba?" Pilit niyang sambit gamit ang nanghihina niyang boses. Naramdaman kong ipatong niya ang kamay sa ibabaw ng aking ulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon