Chapter 3

3 0 0
                                    

Yapotz's POV

Prinsipe?

Ang isang tulad niya ang prinsipe ng Milka?

Hindi ito maaari. Ako ang anak ng duke. Mayroon pa rin akong kapangyarihan. Pero paano niyang naputol ng ganun ganun na lang ang aking magic wand? At ang kanyang kasuotan. Hindi iyon galing dito.

Agad akong napabalikwas ng upo nang marinig ko ang maingay na pagtama ng pinto sa pader.

"Hoy Yapotz, nabali mo na naman iyong bago mong wand?" hindi na naman maipinta ang mukha ng aking ama. "Pangalawang beses ko nang pinapalitan ang magic wand mo. Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang pinambibili ko dyan?" Kasabay nun ay ang pagbato nito ng isang parihabang kahon sa ibabaw ng aking kama.

Kinuha ko ang laman nitong wand. Isa iyong itim na wand na may kakaibang hugis. Hindi katagalan ay nakaramdam ako ng kakaibang aura mula dito subalit di ko na lang iyon pinansin.

Inismidan ko si ama bago ako tuluyang tumayo. "Hihiga ka na lamang sa salapi kapag napakasalan ko na si Miki Chesterwin."

Kumunot na lamang ang aking noo ng marinig ko ang malakas niyang pagtawa. "Matagal mo na siyang nililigawan subalit alam kong hindi ka pa rin niya pinapansin. Paano mo siya mapapakasalan kung kahit kausapin ka ay hindi niya magawa?"

Matagal na akong minamaliit ni ama. Nagtitimpi na lamang ako. Pero sa ngayon parang hindi ko magawang palagpasin na lamang ang mga sinabi niya.

"Its nil ah..."

"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo!?"

"Kyo.."

Yuuki's POV

"Magandang umaga!" Bati ng guro sa harapan. Masayang binalik ng ibang estudyante ang bati nito samantalang ang iba ay busy sa kani-kanilang personal na gawain.

Kay bilis ng nangyari kahapon. Una, napunta ako dito sa mundong to tapos ngayon naman andito na ako sa classroom habang suot suot pa rin yung uniform na binigay ni Tonying kahapon.

Iilan lang din naman yung mga kaklase ko. Isa na doon si Resha. Kasama din niya si Miki.

Kinawayan ko si Resha at nginitian nung nakita kong lumingon siya sa akin pero agad din niya itong binawi. "Galit pa rin ba siya sa akin?"

"Ah. Prinsipe Edward."

"Hmm?" Mula sa pagkangalumbaba ay nilingon ko iyong katabi ko.

Siguro sanay na akong tawaging Edward o siguro ay awtomatikong pinangatawanan ko na itong napasok ko dahil una, wala naman akong magagawa at pangalawa ang cute nitong tumawag sa akin.

"Ano, itatanong ko lang sana kung may kapareha ka na sa gagawain mamaya?" Dahil sa sobrang hiya niya ay nakayuko ito at pinaglalaruan ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang mga hita.

Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang kanyang dibdib. F.L.A.T. Hays. Pansin ko si Resha lang ang may  malaking dibdib dito sa klase na ito.

"Huh? Mayroon bang gagawin?"

"Ah oo, mamaya na natin tatawagin ang mga magiging familiar natin."

"Familiar?" Ano yun?

"Yun yung mga mababangis na hayop na mayroong mga sariling kapangyarihan. Sila ang nagsisilbing katulong ng mga mage katulad natin."

"Ganun ba? Sige, game ako."

Nakita ko naman magliwanag ang mata niya at mabilis na bumalik sa kanyang mesa. Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.

Mabilis na dumaan ang oras at heto na nga, asa labas na kami ng building. Lahat kaming 1st years ay nag ipon ipon dito sa malawak na lawn ng eskwelahan.

Lahat sila may hawak na magic wand at ako na lang ang walang magic wand.

"Prinsipe Edward, asan ang magic wand mo?" Matiim na nakatingin sa akin si Megure habang hawak hawak ng dalawang kamay niya ang magic wand niya.

"Ah, eh." Napakamot na lamang ako sa likod ng aking ulo dahil wala akong ideya kung paano magkaroon ng magic wand.

"Ed.. Ed... Eddd..." Napalingon na lang ako sa tumatawag sa pangalan ko at napansin si Tonying na nagtatago sa malaking palumpon ng halaman sa dakong pader ng eskwelahan.

"Anong ginagawa mo dito? At bat ka nakasuot ng ganyan?" Nakasuot kasi siya ng cloak at nababalot ng anino ng hood ang buo niyang mukha.

"Shh.. Huwag kang maingay. Heto kunin mo to."

Inabot ko yung manipis na kahoy na binigay niya.

"Yan yung magic wand mo. Kahit na wala kang mahika ay kailangan mo namang magmukhang kagalang galang kundi mapapahiya ang kamahalan dahil sayo. Huwag kang mag-alala, totoong magic wand yan para hindi sila magduda."

Pagkasabi niya nun ay bigla siyang nawala. So may taglay din siyang magic.

"Prinsipe Edward! Mag-uumpisa na ang pagsusulit!" Tawag sa akin ng guro.

Nag-umpisa na ang ibang estudyante na tumawag ng mga familiar nila.

Talaga din namang nakakagulat ang mga natatawag nilang familiar.

May isang nakatawag ng Phoenix na may elemento ng apoy.

May nakatawag din ng dragon na nagbubuga ng yelo mula sa bibig nito.

Mukhang mapapahiya lang ako dito kaya mas mabuti na lamang na umalis.

"Ahhhh!" Boses ni Resha yun ah.

"Anong nangyari?" Pakiramdam ko ay lumat sa ulo ko lahat ng dugo ng aking katawan dahil si Resha, basang basa at lahat ng parte ng katawan niya ay halos makita na dahil sa nipis ng suot niyang uniform.

Ang lalaki... 

Pinagtawanan siya ng mga kaklase namin kung kaya hindi na ako magtataka noong bigla siyang tumakbo papapunta sa dormitoryo.

Susundan ko na sana siya kaya lang bigla akong tinawag ng guro.

" Prinsipe Edward ikaw na ang susunod."

Lahat ng mga kaklase ko pati na rin ng ibang mga estudyante ay nakatingin na sa akin ngayon.

Napahigpit ang hawak ko sa magic wand na binigay ni Tonying kanina.

So heto na ako at magbibigay ng katatawanan sa pangalan ng Hari.

Sinambit ko ang spell na tinuro sa amin ng guro upang tawagin ang familiar namin.

"Viens ici familier, faire un contrat avec moi. Apparaitre!"

"Sabi ko na nga ba walang mangyayari eh." Bulong ko ng wala man lang nagpakita ni anino ng familiar ko.

Tatalikod na sana ako ng may biglang may sumabog sa dormitoryo at laking gulat ko na lang nang biglang may magpakita sa harapan ko.

Isang  babaeng natatakpan lamang ng bula ang kanyang buong katawan.

"Hyahhhh!"

"R-Resha?"

"Anong ginagawa ko dito!? Yuuki!"

"Contrat scelle" bulong ko at hinalikan siya sa kanyang labi.

Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon