Chapter 2

4 1 0
                                    

Resha's POV

"Miki, gumising ka na." Marahan kong tinapik tapik ang kanyang pisngi hanggang sa makita kong unti unti nang bumabalik ang kulay sa kanyang mukha.

Unti unti niyang dinilat ang kanyang mga mata.

"Resha?" Mahinhin nitong banggit sa aking pangalan. Agad siyang napabalikwas at napaupo. "Asan ang mga bastos na sundalong yun?"

Nginitian ko siya at kinwento ang lahat ng pangyayari kanina. "Sayang at hindi man lang ako nakapagpasalamat." Malungkot na ani nito at napayuko na lang.

"Huwag kang mag-alala Miki, paniguradong makikita natin siyang muli." Pagsisinungaling ko dahil mukhang malabong mangyari na magpakita pa siya.

Isa pa, kahit na sabihin pa nating niligtas niya kami mula sa mga bastos na sundalo na iyon ay kahinahinala ang kanyang kasuotan. Hindi siya taga Milka.

"Miki gumaganda ka sa bawat araw na nasisilayan kita." Naramdaman ko ang agad na pagtatago ni Miki sa aking likuran.

"Umalis ka na kung ayaw mong masaktan." Pinanliitan ko ng tingin si Yapotz, isa sa mga masugid na manliligaw ni Miki.

Hindi ko sila masisi. Sino ba namang hindi mabibighani sa isang katulad ni Miki. May gintong buhok, malabulak sa puti at lambot na balat. Anak ng pamilya na nagmamay ari ng malawak na lupain sa Timog.

Higit sa lahat wala siyang umaalog na dibdib.

Simula pagkabata ay pinangarap ko magkaroon ng maliit na dibdib. Yung hindi umaalog dahil higit sa lahat, ayoko nang may nagiging hadlang sa aking pagiging mandirigma.

Ngunit ngayon, bakit naman ganito kalaki yung binigay sa akin. Sobrang bigat at ilang galaw ko lang ay sumasabay na agad ito.

"Hoy Resha, huwag kang nangingialam. Buwis ko ang nagpapakain sa pamilya mo!"

"Ulitin mo ang sinabi mo!"

Yuuki's POV

"Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa nangidnap sa akin kanina. Tumawa na lamang ito at inudyukan akong bumaba sa karwahe.

"Hindi ko alam kung nagmamaang-maangan ka Ed para lang hindi ka makapasok o nabagok ang ulo mo kung saan. Pero para malinaw tayo, ikaw si Edward Van Alphen. Anak ng haring Bernard Van Alphen."

Lumapit ito sa akin para may ibulong. "Wala kang taglay na mahika sa katawan kaya dito ka pinapasok ng hari upang matuto ng mahika."

"Ulitin mo ang sinabi mo!" Napalingon ako sa di kalayuan at namasid ang isang babaeng may kulay pulang buhok. "Si Resha yun ah."

"Ha? Sinong Resha? Teka Ed nakikinig ka ba sa akin? Uy!"

Di na ako kumibo at tumakbo agad palapit kay Resha.

"Ginugulo ba kayo ng lalaking to?" Tanong ko sa kanya at tinignan ang isang lalaking may gintong buhok na mukhang nandidiring nakatingin sa akin.

"Yu--Yuuki?" Di makapaniwalang tugon ni Resha.

"Sino ka at bakit ka nangingialam?" Matapang na tanong naman nitong si Blonde boy.

"Resha, siya ba ang tinutukoy mo kanina?" Tanong ng babaeng may kulay ginto ring buhok. Pero hindi kagaya ni Resha ay flat chested ito.

Nagulat na lamang ako dahil bigla itong yumakap sa akin at panay pasasalamat sa pagligtas ko sa kanila kanina sa may kalye.

"Hoy! Bat di niyo ko pinapansin? Il ni aps yu-- waaah! Bat mo binali ang magic wand ko!"

"Ay nabali?" Tugon ko sa kanya. "Ang tagal mo kasi." Ani ko pa rito.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ng babaeng may ginintuang buhok.

"Te-te-tekaaaa. Bakit mo yun ginawa. Paniguradong pagagalitan tayo." Hinila ko na si Resha palayo sa kanila.

"Pagagalitan ka, kami. Ano na lang ang gagawin ko?"

"Yun naman ang nababagay sa kanya. Hindi siya dapat umaastang mas mataas kumpara sa iba."

"Duke ang ama niya! Sino bang nasa matinong pag-iisip ang gagawa katulad sa ginawa mo?"

"Ako."

Napatigil siya sa sinabi ko pero agad niyang iwinaksi ang kamay ko na kanina pa pala hindi bumibitiw sa  pagkakahawak sa kanya.

"Salamat na lang sa pagtulong." Ani nito at saka na bumalik sa kinatatayuan ng kasama niyang babae kanina.

"Ikaw nga ba talaga ang kilala kong Ed?" Pagkalingon ko ay siya namang hakbang palayo nung nangidnap sa akin.

"Teka ano bang pangalan mo?" Ani ko rito.

Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko pero sinagot din naman niya agad.

Ngumiti ito na halos magpawala sa kanyang mata. "Anthoni Palviz."

"Tonying it is." Bulong ko sa sarili ko.

"Ano yun?"

"Wala naman."

"Gaya ng sinasabi ko. Kailangan mo nang magmadali. Isuot mo to. Hihintayin kita sa Asembleya.

****

Resha's POV

Binalikan ko ng tingin si Yuuki. Mukhang napasobra ata ako sa sinabi ko.

"May problema ba Resha?"

"Halika na sa Asembleya Miki."

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi ayusin ang damit ko.  Lumuluwa kasi yung dibdib ko sa sobrang sikip nitong damit.

"May problema ba Resha?"

"Mukhang kinulang ata sa tela itong pinagawa mo Miki." Napansin kong tumalas ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"Pinasadya ko talaga yan upang mabigyang diin ang hugis ng iyong katawan." Sabi nito sabay tawa ng marahan.

Nagsihanap na kami ng mauupuan sa may bandang gitna ng Asembleya.

Hindi nagtagal ay nag-umpisa din ang ang seremonya.

"Magandang umaga sa inyong lahat mga estudyante ng Kyoujako Gakuen. Nais naming batiin kayo ng maligayang pagdating. Kasabay ng seremonya para sa mga bagong mag-aaral ay ang pagpapakilala sa isang importanteng imahe. Kinagagalak naming ipakilala sa inyo ang susunod sa trono ng Haring Bernard Van Alphen si Prinsipe Edward Van Alphen!"

Sumabay na rin ako sa palakpakan na umalingawngaw sa buong lugar. Mukhang lahat ay interesado sa magiging tagapagmana ng trono.

Hanggang ibunsod sa gitna ng entablado ang isang nilalang na akala ko ay mamumukodtangi sa lahat.

"Hindi ba si Yuuki yun?" Tanong sa akin ni Miki.

Paano niya nagawang magsinungaling sa kanyang katauhan?

Katangahan na lamang ngayon ang paniwalaan ang lahat ng marinig mo.

Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon