Chapter 5

491 3 0
                                    


Lyanna

Mahaba ang pagtilaok ng isa sa mga manok ni Ruben nang pumasok sa kwarto ang dalawang estranghero kasama si Ruben.

Matagal rin ang hinintay ng dalaga bago nito, pinapasok siya ni Ruben sa kwarto at nagusap ang tatlo sa labas. Tumanggi man siya ay wala siyang magagawa. Malalaking tao ang mga dumating, malakas ang mga katawan at may mga baril.

May lungkot sa mga mata ni Ruben pagpasok ng kwarto.

"Lyanna.. Kailangan mo sumama sa kanila.. Tutulungan ka nila makauwi.. Pero depende pa kay Ka Bernabe.." mahinang sabi ni Ruben

"What? I thought pupunta na tayo ng bayan bukas? And sino? who is this Ka bernabe that should decide if i should leave?" mataas ang boses ni Lyanna, at gulat sa narinig

"Mam, kinwento sakin ni Ruben ang nangyari...lahat ng nangyari... sa totoo lang may ginawang kasalanan si Ruben. At kailangan niyo po sumama samin.. At baka matulungan kayo ni Ka Bernabe"

"Baka matulungan? Si Ruben siguradong tutulungan ako! Pupunta kami ng bayan bukas and--"

"Mam wag po kayo makulit. Sasama po kayo samin, kung hindi mapipilitan kami daanin to sa dahas..nasa sainyo po iyan." matigas ang pagkakasabi ng lalaki na parang isang sundalo.

Sandaling natakot ang dalaga. Ngunit hindi dapat siya matakot. Matapang siya at hindi nagpapatalo, ngunit matalino rin siya at alam kung kailan dapat sumuko sa mga bagay na ganito.

"Fine..but tell me first who are you guys and this Ka bernabe"

Si Ruben ang nagpalinawag. Ang dalawang lalaki ay kabilang sa grupong Magotoc, dating tribo sa mga bundok na pinaninirahan ni Ruben. Ayon kay Ruben ay sila ang may ari ng buong bayan ng Tubao hanggang sa dulo ng Dela Carmen at Nagpayong, at namumuno dito, isang pamilya ang namumuno sa kanila na dating alkalde sa bayan, ngunit dahil sa kaaway sa kabilang pamilya ay napatalsik sila at ngayo'y naninirahan sa sulok ng bayan, sa dulo ng mga bundok na halos 80 kilometro ang layo sa bayang pamilihan. Nandoon ang komunidad ng mga Magotoc. Dati ay tinuturing silang mga rebelde ng pamahalaan at kaaway sa kasalukuyang pamilyang namumuno sa bayan ng Tubao ngunit ngayon ay nagkasundo ang dalawang panig at nagpasyang hindi na maglalaban dahil sa daming buhay na nawala. Ang lahat ng bundok at bukirin sa pagitan ng Tubao at Dela Carmen, pati sa dulo ng Bagong Batis ay napagkasunduang mapupunta sa mga Magotoc, wala pa sa kalahati na dating pagmamay ari nila. Ngunit para sa pamahalaan ay NPA pa rin silang maitururing kung kaya't nagtatago pa din sila sa bundok. Kahit ganon ay maunlad at mayaman ang mga Magotoc, nakakatanggap sila ng buwis sa mga naninirahan sa kanila at sa palihim na bayad ng kalabang pamilya na kasalukuyang mga alkalde ng iba't ibang bayan sa paligid.

"Sa madaling salita mga rebelde kayo... mga NPA.. at ano yung sinasabi mong kasalanan ni Ruben?"

Nagkatinginan si Ruben at ang lalaki.

"Ikaw mam... Kinuha ka niya ng di nagpapaalam sa amin..dito ho kasi, bago ikasal o manirahan ang mga magkasintahan ay ang punong ministro dapat ang mauna sa dalaga... Si Ka Bernabe dapat ang makauna sa inyo.."

"WHAT?! Eh hindi naman kami ikakasal and-" nagulat at namumula na si Lyanna

"Ganon na rin po yun.. Sa madaling salita ang punong ministro po dapat makauna sa lahat ng babae dito bago sila ikasal.. Depende sa kaniya kung magustuhan niya ang babae.. Lahat ng bagong kasal ay dinadala namin sa kaniya at siya nagpapasya.."

Tumingin si Lyanna kay Ruben, tumango ito, senyales na totoo ang sinasabi ng lalaki.

"And pano naman ako matutulungan ng Ka bernabe na to?"

Road Catastrophe: Lyanna (Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon