FMN: CHAPTER-1

37 3 0
                                    

"One order ng ice americano sa table number 2."

"Here is your change mam! Pakihintay nalang po yung order niyo."

Hindi pa din nawala ang ngiti ko sa mga labi ko.

"Neve, anong table uli yung may order ng iced americano?"biglang tanong ni Maia.

Natawa naman ako ng bahagya dahil kita ko ang pangamba niya. Bago palang kasi siya na waiter kaya alam kong nangangapa pa siya.

"Table number 2."

Nagpasalamat naman siya at dinala na ang order sa table.

Bahagya ko naman nilibot ang paningin ko sa cafe na pinagtratrabahuhan ko.

This cafe is one of the famous cafe in our place. No wonder madaming customer ang araw-araw na pumupunta dito para magkape at kumain ng mga pastries.

"querencia" iyon ang napiling itawag ng boss namin sa cafe niya. At first reluctant ako sa tawag sa lugar na to pero nang malaman ko kung bakit iyon ang tinawag niya, napatango nalang ako.

"Neve, can you help me for a second?"walang emosyon na tawag ng boss namin.

Akmang susunod na ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Wren, Didn't I told you na it is important na may tao palagi sa counter?"naiinis na sabi ni Necia

Walang emosyon pa din na tumingin si Wren kay Necia bago nagsalita.

"Then you come Necia, tutal kasosyo kita sa cafe na to." kasabay nito at tumalikod na siya.

"Iyong babaeng yun talaga."naiiling nalang na sabi ni Necia bago sumunod kay Wren.

Natawa nalang ako ng bahagya bago inasikaso ang mga natira pang order na.

"Isang slice ng redvelvet cake and capuccino. Iyon lang."

"That is a total of 425 po."

Akmang tatanggapin ko na ang bayad ng nakita ko ang nasa likod ng babaeng umoorder.

Bahagya naman akong natulala dahil sa nakita ko pero agad kong inasikaso ang order na kinuha ko.

Yumuko ako at agad na naayos ko naman ang order.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti uli tapos bago harapin ang taong ayoko na makita pa uli.

"Goodmorning! Welcome to querencia cafe. Any order po?"

"I thought you are going to kill me instead of getting my order."

Pinigilan ko namang tumalim ang tingin ko sa halip ay ngumiti ng pilit.

"Just order, Mr. De Guzman."

Tumingin naman ito sa menu kaya tiningnan ko lang siya.

He was still that handsome guy that irritates the hell out of me but still makes my heart beat fast. Kailan pa kali ito dumating.

"Huwag mo akong titigan baka ikaw ang orderin ko. sige ka mageenjoy ka."
nakangising sabi nito pagkatapos ay binalik ang tingin sa akin.

Huminga naman ako ng malalim at akmang magsasalita ng may magsalita sa likod ko.

"I suggest you stop flirting on her, Felix."

Para namang naestatwa si Felix ng makita niya si Wren.

"But ate --"

"Stop or I'll ban you from coming here. Kakarating mo lang nagkakalat ka na."

Ngumuso naman ito at umorder nalang.

Forget Me Not [querenciaseries #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon