FMN: CHAPTER-3

17 2 0
                                    

Its been 2 weeks since Felix and I were officially dating. He is still caring and handsome kahit na busy siya sa trabaho niya but not until he was face-to-face with Brent right now.

"This is the guy you were refering?"nakataas pa ang kilay ni Brent.

"Brent."nagbabawal kong sabi.

Ngumiti naman si Felix bago nilahad ang kamay kay Felix.

"Yes I am that guy. I am her boyfriend."sabi nito at kumindat pa sa akin.

Napangiti naman ako.

"May sakit ka ba sa mata? Bakit may pakindat ka pa kay Neve?"parang nandidiring sabi ni Brent.

Tiningnan ko naman ng masama si Brent at hinawakan ang kamay ni Felix habang inaalalayan sila papunta sa table nila.

"Can I take you for lunch?"sabi nito habang nakatingin sa akin kahit na kita ang pagod sa trabaho sa mata niya.

Agad naman akong tumango habang nakangiti.

"Sure. Can you wait for me here?"

"Neve, iiwan mo sa akin ang boyfriend mo?"di makapaniwalang sabi ni Brent.

Umirap naman ako ng bahagya kay Brent.

"Hindi kita gagawing baby sitter ng boyfriend ko. Uupo lang siya kasama ka dahil madami pa siyang gagawin at ikaw din diba madami kang gagawin diba?"

"Pero bakit magkasama pa kami sa table?"

"Para makatipid kami sa table dahil may mga ibang customers din."biglang sabi ni Wren.

Wala namang nagawa si Brent kundi sumunod nalang dahil alam niyang hindi magandang sirain ang araw ni Wren.

Akmang lalapit pa si Felix sa akin ng magsalita si Wren.

"Don't dare to do PDA in here."matalim ang tingin nitong sabi.

Nagtaas naman ng dalawang kamay si Felix na parang sumusuko habang umiiling.

Tumalikod naman si Wren at doon mabilis na humalik sa noo ko si Felix.

"I love you, Neve."nakangiti nitong sabi.

"I love you too."sabi ko at tinapik ng mahina ang pisngi niya.

Bahagya akong napatigil ng mahawakan ko ang mukha niya.

"Felix, may nararamdaman ka ba?"bahagyang nagaalalang sabi ko.

"Meron. May nararamdaman ako sayo."sagot naman nito at napangisi.

Umiiling nalang akong tumalikod sa kanya habang nakangiti.

"Sana all may lovelife."bungad ni Maia ng makarating ako sa counter.

"Bakit ka nalulungkot nandiyan naman si Brent?"sabi naman ni Necia.

Sumimangot naman si Maia.

"Don't you dare drop that name again. Ayokong naririnig yon"sabi nito at tinakpan pa ang tenga niya.

Natawa nalang kami ni Necia. After that nagstart na uli kaming magtrabaho.

Habang nagaayos ako ng order lumapit sa akin si Wren.

"Neve, nakakausap mo na ba si Omera?"

Napataas naman ako ng tingin sa kanya.

"I don't. Alam mo naman yun kapag nagbabakasyon ayaw ng nagugulo."

Tumango naman si Wren.

"I know pero kailangan ko kasi yung tax report last year. I need that for the reports."sabi nito habang dinadial ang number ni Omera.

Forget Me Not [querenciaseries #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon